Pagkalapag na pagkalapag palang ng mga paa ni Hiisi sa bukana ni Impyerno ay nakaramdam na siya na paninikip ng dibdib.. malayo pa lang ay rinig na rinig na niya ang panaghoy ng mga kaluluwa na ilang libong taon ng pinahihirapan sa lugar na ito..
Nakaramdam siya ng kilabot ng makita ang tunay na mukha ng impyerno at ng mga halimaw na namamalagi dito.. higit ang lakas ng mga ito kaysa sa mga itim na pigura na walang habas niyang pinagpapaslang..
Kitang kita sa mga ngiti ng mga ito ang pagkasabik .. sabik na kitlin ang kanilang buhay.. agad silang pinalibutan ng daang mga halimaw.. ramdam ng kanyang dalawang lobo ang panganib, nag ngangalit ang mga bagang ng mga ito habang nanlilisik ang mga nagliliyab na mga mata..
Katabi niya si Castiel na alertong minamatyagan ang mga halimaw na nakapalibot habang inilalabas ang kanyang patalim na kinatatakutan ng lahat maging ni Alaster... ang talim ng anghel na kayang patayin ang kahit na ano sa isang saksak...
Tila isang hudyat ang biglang pag alulong ng mga lobo... magkakasabay na sumugod ang mga halimaw palapit sa kanila... malakas na ungol ang pinakawalan ni Hiisi bago sumugod...
Patakbo nyang sinugod ang mga kalaban habang malakas inihampas ang kanyang armas... nagtalsikan ang lahat ng natamaan...! Agad syang tumalon at walang awang ibinaon sa leeg ng isa ang talim ng kanyang sandata tumilansik ang mainit init pa nitong dugo kay Hiisi..
Agad nya itong sinipa at malakas na pumihit patalikod at inundayan ng hampas ang kalaban sa kanyang likuran.. tumalsik ito ngunit agad itong sinundan ni Hiisi.. pag kalapag ng katawan nito sa sahig ay agad ng tinapakan ng malakas at madiin ni Hiisi ang mukha nito na agad namang nabasag na para bang prutas na nabiyak at umagos ang katas...
Muling sumugod si Hiisi sa hile hilerang mga halimaw.. nang malapit na siya ay agad siyang nagpadulas sa malapot na dugo sa sahid at dumausdos sa pagitan ng mga hita ng mga halimaw.. nabigla sa mga pangyayari di na nagawang umiwas pa ng mga halimaw nang magkakasunod na bumaon sa kanilang mga bungo ang mahabang armas ni Hiisi.. para silang mga karne na tinuhog sa stik upang ihawin..!
Mula sa kabila naman ay magagaling din makipaglaban ang dalawang lobong kapanalig.. at dahil mas malakas na ito kaysa dati at sing tibay na ng bakal ang balat ng mga ito ay madali nitong nasakmal ang leeg ng kalaban habang ang isa ay kagat ang hita.. hinila nita ito na parang naglalarong iwinawagay way pa ang laman habang naghuhumiyaw sa sakit ang halimaw.. ilang sandali pa ay nahati na ang katawan nito...
Muling umungol ang mga lobo at muling umatake sa malapit na kalaban.. dinamba ang nagulat na halimaw na walang nagawa kundi ang tumangis habang hinalukay ng dalawang lobo ang kanyang dibdib..
Isang halimaw naman ang biglang sumipa sa isang lobo.. nagpagulong gulong ito habang kumagat sa kanang balikat ang isa pang lobo.. patakbong umatake ang nasipang lobo at malakas na kinalmot ang ulo ng pangahas na halimaw na sumipa sa kanya.. agad na humiwalay ang ulo sa katawan ng halimaw...
Takot namang lumapit ang mga halimaw kay Castiel... kung magaling makipaglaban si Hiisi ay daang beses na mas magaling si Castiel.. isang dampi lang ng palad nito ay agad na silang magliliyab hanggang sa maabo...
Isang hangal ang nagtangkang sumugod.. ni hindi na nito nagawang lumapit ng biglang itaas ni Castiel ang isang kamay.. sa isang pitik lang ay tila bomba na siyang sumabog..!!
Agad na nagtakbuhan palayo ang mga takot na takot na halimaw.. ngunit isa isa silang nasusunog o sumasabog habang nakataas ang isang kamay ni Castiel at nagliliwanag ang mga mata...
Napuno ng usok mula sa nasusunog na katawan ng mga halimaw ang bukana ng Impyerno... madulas ang sahig dahil sa patuloy na pag agos ng dugo mula sa halimaw na pinaslang ni Hiisi at ng mga lobo..
Nakangiting nilapitan ni Hiisi ang dalawa nyang alagad.. kumawag ang buntot ng mga ito na parang mga mababait na aso ng hawakan at hagurin ni Hiisi ang kanilang ulo...
Tumingin naman sa kanila si Castiel na abala sa pag pagpag ng damit na natalsikan ng dugo at abo...
"halika na Hiisi... nag hihintay na si Alaster..." malumanay na sabi ni Castiel na para bang di man lang nakaramdam ng hingal mula sa pakikipaglaban...
Natatawang sumunod si Hiisi... "maganda kang kapanalig ngunit nakakatakot na katunggali..." bulalas ni Hiisi...
Ngumiti lang si Castiel " hanggat di ka gumagawa ng kasamaan ay patuloy mo akong maituturing na kapanalig Hiisi..." malumanay na sabi nito...
"Ang kapakanan lang ng aking mag ina ang mahalaga Castiel. Yun lang ang importante sa akin..." malumanay na sagot ni Hiisi..
Tumango lamang si Castiel at sabay sabay na silang pumasok sa loob...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...