Kabanata 49: Itim na Pigura

679 35 3
                                    

Bahagyang napaatras si Hiisi, lalo namang lumawak ang pagngisi ng itim na pigura.. umuungol naman ang mga lobo na ngayon ay kapanalig na niya.. sinaway ito ni Hiisi.. ang dalawang ito na lamang ang maasahan niyang  magbantay kay Divina.. di ito nakikita ng normal na tao kay naman panatag siyang di makalilikha ng takot ang mga ito habang tahimik na pinoprotektahan ang kanyang mag ina..

" Hiisi Hiisi .. sumuko ka na.. lalo mo lamang ginagalit ang ating pinuno na si Alaster.. utang mo sa kanya ang iyong kapangyarihan.. huwag mo iyang kalimutan.." muling sabi nito habang nagpapaikot ikot kay Hiisi.. 

Walang inaksayang sandali si Hiisi.. mabilis niyang iniunday ang bakal na hawak sa dibdib ng itim na pigura.... sa gulat ay di na nito nagawang umiwas.. tumagos sa dibdib nito ang bakal na hawak ni Hiisi..  Nagulat ang lahat sa bilis ng mga pangyayari.. di nila inakalang ganito pala kalakas at kabilis ang halimaw ng kagubatan..

Nanlilisik ang mga mata ni Hiisi naglalabas ng tila kulay pulang aura ang buo niyang katawan... kahit ang mga tulad nilang kampon ng dilim ay nakaramdam ng takot sa halimaw na katunggali..     " Ano pa ang hinihintay ninyo.. lumapit kayo sa akin..!!"  sigaw ni Hiisi..

Bahagyang napaatras ang ilan habang sumugod naman ang karamihan.. halos sabay sabay nilang sinugod ang lalaking may hawak ng bakal.. mabilis na iniunday ni Hiisi ang bakal sa mga katawan ng nakapaikot sa kanya.. patuloy ang kanyang pag hampas at di tumitigil hanggang sa hindi sumasabog ang mga bungo..

sumugod ang iba pang mga kampon ng dilim muling pinalibutan si Hiisi.. tumilapon si Hiisi at nagpagulong gulong sa lupa  ng bigla siyang masipa ng malakas sa likuran.., agad niyang pinilit na makatayo at muling sumugod nang makitang papanik sa kanilang bahay ang isa sa mga kalaban.. 

Lalo pang napuno ng galit ang buong katauhan ni Hiisi habang mabilis na nilundag ang itim na pigura.. walang inaksayang sandali.. paulit ulit niyang itinarak ang kanyang mga kamay sa dibdib nito ay walang habas na hinalukay..!

mula sa likuran ay nagsisugurang muli ang iba pa ngunit agad din napahinto ng biglang nayanig ang lupa.. malakas ang naging pag sigaw ni Hiisi kasabay ng biglaang pag biyak ng lupa..!!!  agad na napaatras ang mga kampon ng dilim.. nahiwagaan sa pinamamalas na kapangyarihan ng halimaw ng kagubatan..

dahan dahang tumayo si Hiisi mula sa pagkakaupo sa walang buhay na katawan ng kalabang tinangkang pumasok sa kubo.. punong puno ng dugo ang buong katawan ni Hiisi habang nanlilisik ang mga mata at nananangis ang bagang.. 

itinaas nito ang mga kamay at tila ba napasunod nito ang lupa..! lalo pang lumaki ang biyak sa tuyot na lupa at  isa isang nahulog ang mga nagulat na kalaban.. ang ilan ay tumakbo palayo ngunit agad na nahabol ng matitgas at tila bakal na mga ugat mula sa biyak na lupa.. nagsitusukan ito sa kanilang katawan habang dahan dahang hinihila papunta sa ilalim ng lupa..

Tila nabato sa kinatatayuan ang ilan pang nakaligtas.. gimbal na gimbal sa lakas ni Hiisi.. unti unti nang nagiging pula ang mga mata ni Hiisi.. nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa mga kalabang nagtatangka sa buhay ni Divina.. muli niyang dinampot ang mahabang bakal.. unti unti itong napalibutan ng mga ugat habang unti unting nabuo ang isang talim sa magkabilang dulo.. 

Sumugod ang mga ito at patakbo naman itong sinalubong ni Hiisi.. puno ng galit ang dibdib.. walang habas niyang pinaghahampas ng talim ang mga katawan ng kalaban pansamantalang umulan ng dugo sa buong paligid.. 

" Marami lang ang inyong bilang ngunit hindi ninyo ako kakayanin.."  malamig na turan ni Hiisi na tuluyan ng nilamon ng kanyang kapangyarihan.. ang tanging nasa isip na lamang niya ay ang pumatay at pumatay.. kahit na sinong iharap sa kanya ay kikitlan niya ng buhay...

itinaas ni Hiisi ang kanyang armas at marahang inikot sa ere.. ang ilang nakalawit na ugat ay parang telang sumasayaw sa hangin.  sinamantala naman ito ng mga itim na pigura... pinalibutan nila si Hiisi habang nag hihintay ng pagkakataong tapusin ang pangahas na halimaw na kumukontra sa utos ng kanilang pinuno..

Bumilis pa ng bumilis ang pag ikot ng armas  ang mga nakalambiting ugat ay tila isang talim na humihiwa sa lahat ng matamaan nito.. agad na naghumiyaw ang mga itim na pigura nang matamaan sila nang talim ..! nagkalasog lasog ang mga katawan habang nagtalsikan ito sa ibat ibang panig ng lugar...

Ang ilang nakasaksi ay nangamba na nang tuluyan sa lakas nang halimaw ng kagubatan.. dahan dahan silang umatras nang lumakad palapit sa kanila si Hiisi..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon