Papasikat na ang araw ng magising si Divina.. agad siyang tumingin sa kanyang tabi at bahagya pang nagtaka ng mapansing wala roon si Hiisi.. bumangon siya at binuksan ang pinto..
Agad siyang napangiti ng matanawan ang binata na abala sa pag habol ng manok na pilit na tumatakbo palayo sa lalaki.. iritable na ang mukha ni Hiisi habang nakatingin sa pobreng manok.. di na napigilan ni Divina ang pagtawa..
Napahinto sa paghabol si Hiisi sa manok na kumaripas ng takbo papunta sa silong.. " saan mo nakuha ang manok na iyan Hiisi.?" nakangiting sabi ng dalaga..
Ngumiti naman ang lalaki at agad na lumapit sa kanya.. mabilis nitong niyakap ang kanyang bewang at binigyan siya ng isang maalab na halik. . " habang mahimbing pa ang iyong pagtulog ay nagtungo ako sa katabing bayan.. bumili ako ng ilang binhi at mga hayup na maari nating alagaan.. bumili din ako ng ilang pirasong damit na maari nating gamitin.. "
Natigilan naman ang dalaga.. " saan ka nakakuha ng pambayad.?" takang tanong niya sa binata.. ngumiti naman ang lalaki at ipinakita sa kanya ang porselas .. nawala ang isang piraso nito.. agad naman nag alala si Divina..
" bakit mo ipinagpalit ang iyong perlas.? alam kong importante sa iyo ang bawat, piraso.!" bulalas ng dalaga.. ngumiti naman ang lalaki at inakay siya papunta sa taniman sa gilid ng kanilang munting tahanan..
" mas importante sa akin ang mabigyan ka ng mas maayos na pamumuhay Divina.. gusto kong mamuhay ng normal kasama mo. ." malambing na sabi ng binata habang nakayakap mula sa likod ng dalaga.. isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga..
Napapikit si Divina habang ninanamnam ang ligayang hatid ng bawat katagang tinuran ng binata.. bahagya pang namuo ang mga luha sa kanyang mata habang tila may nakabara sa kanyang lalamunan.. kung maaari lamang ay manatili na lamang siya sa piling ng lalaki habang buhay..
naputol ang kanilang paguusap ng mapansin ang magkapares na manok na kinakalahig ang lupa sa taniman.. tinutuka pa nito ang mga binhi na katatanim lang ng binata.. inis na binulabog ni Hiisi ang mga manok.. malakas naman ang naging pagtawa ni Divina habang pinagmamasdan ang lalaki..
" bagay na bagay sa iyo ang bestida Divina.." nakangiting sabi ni Hiisi.. namula naman agad ang dalaga.. matapos kumain ay agad siyang naligo upang maisuot ang binili nitong bestida.. kitang kita ang paghanga sa mga mata ng binata habang nakatingin sa kanya..
Lumapit siya sa lalaki at umupo sa papag katabi nito.. masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng lalaki at hinalikan ng magaang ang mga labi nito.. " maraming salamat sa lahat Hiisi.. simula ng makasama kita ay muling nagkaroon ng kulay ang aking mundo.." bulong ng Divina..
Agad namang ngumiti ang binata at mahigpit siyang niyakap.. " alam mo namang gagawin ko ang lahat para sayo.. Divina"
Namuo ang luha sa mga mata ng dalaga.. parang tinutusok ng libo ibong karayom ang kanyang puso habang nakatingin sa mukha ng binatang nasa kanyang harapan.. gumanti siya ng yakap sa lalaki at buong alab itong hinalikan..
Bahagya ng natigilan si Hiisi dahil sa ginawa ng dalaga.. bahagya nyang inilayo ang labi sa dalaga.. " Divina.. mahal na mahal kita.." bulong ng lalaki..
Ngumiti naman si Divina at bumulong .. " minamahal din kita Hiisi.." muli pang a naglapat ang kanilang mga labi..
Binuhat niya ang dalaga at maingat na inihiga sa papag.. nakangiti naman ito habang nakayakap sa kanyang batok na tila ba hinahantay ang susunod niyang gagawin.. nangungusap ang kanyang mga mata .. hinihiling ang isang bagay na hindi nya alam kung ipagkakaloob ba sa kanya ng dalaga..
At ng hilahin siya ng dalaga palapit sa mga labi nito ay tuluyan nang napatid ang lahat ng kanyang pagtitimpi.. buong alab niyang ginalugad ang bibig nito habang walang patid ang pag pisil at pagdama sa katawan ng dalagang buong alab na tinutugunan ang kanyang mga halik.
Naging mabilis ang mga pangyayari.. walang patid ang pagtatagisan ng kanilang mga labi habang panay ang paglalakbay ng kanilang mga kamay..namalayan na lamang ng dalaga na hubad na siya sa harapan ng lalaki.,. nanatili siyang nakatitig sa mga mata ni Hiisi habang abala naman ang lalaki sa paghuhubad ng sarili nitong damit.. at nang muling magdikit ang kanilang nag-iinit na mga balat ay tila nagliyab ang kanilang mga damdamin at tuluyang tinupok nang nabuhay nilang pagnanasa..
" Divina.." bahagyang natigilan si Hiisi ng maramdaman ang panginginig ni Divina habang nakayakap sa kanya.. ramdam niya ang makipot na lagusan ng dalaga at di niya malaman kung dadausdos ba siya pailalim o aahon.. dahil sa bawat pag galaw niya ay nababakasan ng sakit ang mukha ng dalaga..
Napagpasyahan niyang manatili muna sa loob ng dalaga.. pinuno niya ng mumunting mga halik ang mukha ng dalaga na para bang sa paraang iyon ay bahagyang maibsan nito ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pagkapunit ng iniingatan nitong pagkababae..
Nakaramdam ng alinlangan si Hiisi ng makita ang pag-agos ng luha sa mga mata ng dalaga.. tinangka niyang umahon sa lagusan ngunit pinigilan siya nito.. " Divina.." bulong ni Hiisi habang hinahabol ang paghinga..
Humigpit naman ang yakap ng dalaga sa binata at sinalubong ang halik nito.. maya maya pa ay nagsimula na muli ang pag galaw ng binata.. sumabay sa mabilis na pintig ng kanilang puso ang kanilang pag galaw hanggang sa maabot nila ang sukdulan.. magkayakap sila habang pilit na pinahuhupa ang mabilis na pag tibok ng kanilang mga puso habang nakapikit.. at di na nila namalayan na nakatulog na pala sila..
Papadilim na ng magmulat ng mata si Divina.. nakakulong siya sa mga bisig ng lalaki.. napangiti siya ng maalala ang paraan ng pag angkin nito sa kaniya.. puno ng pagmamahal at respeto ang bawat haplos nito sa kaniyang balat.. ganap na siyang babaae sa piling nito.. maya maya pa ay muling pumatak ang kaniyang mga luha..
hinaplos niya ang mukha ng binatang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.. " mula noon.. hanggangyon.. ikaw at ikaw parin ang laman ng aking puso.. Rogelio mahal ko.. patawarin mo ako... patawarin mo ako.. " mahinang bulong ng dalaga habang nakayakap sa binata..
Muli niyang binuklat ang pendant na puso .. muling tumangis ng makita ang larawan ni Rogelio noong malaya pa sila mula sa digmaan.. ngumiti si Divina at tumingin kay Hiisi.. muli niyang hinalikan ang nakapinid na labi nito.. " wala ka paring pinagbago .. ilang taon man ang lumipas... Noon pa man ay batid kong magbabalik ka sa piling ko.. Minamahal kita.. " kung makikita lamang ni Hiisi ang larawang hawak ni Divina.. lubos na niyang mauunawaan ang sinasabi ng dalaga...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...