Walang namagitang paguusap sa dalawa hanggang sa makabalik sila sa kanilang kubo.. kapwa nabigla sa mga pangyayari at nangangamba sa maaring idulot sa kanila sa oras na isumbong ni Aling Milagros ang tunay na katauhan ni Hiisi..
Nanatiling nakamasid sa labas ng bintana ang binata habang nag-aayos ng papag si Divina.. tahimik lamang ang dalaga at nakikiramdam kay Hiisi.. kita ang pag-aalala sa mga mata ng binata.. alam niyang sinisisi ng binata ang sarili..
Lumapit ang dalaga sa binata at masuyong yumakap.. ramdam ng dalaga ang mabilis na pagtibok ng puso ng lalaki .. maya maya ay yumakap na rin ito sa kaniya habang masuyong kinintalan ng halik ang kaniyang noo..
" Hiisi .. kung gusto mo ay bukas na bukas rin ay aalis na tayo at magpapakalayo layo dito sa baryo.. maari naman tayong makahanap muli ng mga taong maaring magpapatuloy sa atin.. " pilit na pinasigla ng dalaga ang kanyang tinig ngunit umiling lamang ang binata..
" Kasalanan ko ang lahat Divina.. maganda ang baryo na ito para sa atin.. mababait ang mga tao at tinangap at tinatrato nila tayo ng tama.. di ko na dapat hinayaang makita ni Milagros ang aking tunay na anyo.. " marahang bumuntong hininga ang binata at muling tumingin sa labas.. " Walang makatatangap sa isang halimaw na tulad ko.." malungkot na saad ng binata.
Agad na nakaramdam ng awa si Divina nang makita ang lungkot sa muka ni Hiisi.. agad niyang inilapat ang kanyang labi sa binata.. bagaman nagulat, tumugon na rin ito maya maya.. naging maiinit ang tagisan ng kanilang mga labi habang mahigpit ang pagkakayakap sa isat isa..
" Naririto ako Hiisi.. Kasama mo ako.." madamdaming pahayag ng dalaga sa pagitan ng mga halik na kanilang pinagsasaluhan..
Tila hudyat naman ito upang tuluyang mapatid ang nalalabing pagtitimpi ng binata .. binuhat niya ang dalaga at marahang inihiga sa kama.. ginalugad ng munting dila ang kaloob looban ng bibig ng dalaga na sing init din ang ginawang pagtugon sa kanyang mga halik..
Pinaluguan niya ng mumunting halik ang buong mukha ng dalaga habang nakangiti naman ito at nakapikit na tila ninanam nam ang init ng kanyang labi..
" Minamahal kita Divina.. " nakangiting turan ni Hiisi.. dumilat naman at dalaga at niyakap siya ng buong higpit.. muling napapikit ang dalaga ng maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa kanyang leeg tumingala si Divina upang mabigyang daan ang mga labi ng binata..
Nang dumako sa magkabilang dibdib ni Divina ang maiinit na palad ng binata ay agad na kumawala ang mahinang ungol sa kanyang bibig.. lalo pa nang hubarin nito ang kanyang suot na bestida..
Masuyo ang bawat haplos ng binata... puno ng pagmamahal ang maiinit na halik nito sa kanyang katawan.. at ng tuluyan na nitong hubarin ang katangi tanging saplot sa kanyang katawan ay nanatili siyang nakangiti habang hinihintay ang susunod na gagawin nito..
Napadako sa maliit na lamesa ang tingin ng dalaga.. nakalagay sa plorera ang bulaklak na bigay sa kanya ni Hiisi.. bahagyang natutuyot na ang bawat talulot nito at ubos na rin ang taglay nitong halimuyak.. ngunit magkagayon man ay nananatili ang akin nitong kagandahang di na magagawang paglipasin ng panahon.. tulad ng pagmamahalan nila ni Rogelio...
Dahan dahang pumatak ang kanyang mga luha habang patuloy ang paninikip ng kanyang dibdib.. taksil... taksil...taksil...taksil ka Divina... isa kang TAKSIL..!!! Agad na pumikit ang dalaga habang patuloy ang pagsigaw ng kanyang konsensya..
Agad namang nakatunog ang binata sa dinaramdam ni Divina.. naglalagablab man ang kanyang damdamin at buhay na buhay ang kanyang pagnanasa.. di niya magagawang angkinin si Divina lalo pa at labag ito kalooban ng dalaga..
tahimik siyang tumabi sa nakahigang dalaga.. niyakap niya ito habang nasa balikat nito ang kanyang pisngi.. nanatiling nakamasid ang dalaga sa kisame ngunit patuloy parin ang pag iyak.. Di naman niya kailangang mag madali .. makapaghihintay ang tunay na nagmamahal...
Maaga pa lamang ay sumugod na ang taong bayan upang paalisin ang dalawa mula sa maliit nilang kubo.. di man nakapagsumbong ang matanda, isa pa pala ang tumayong saksi sa madugong labanan ng dalawang halimaw..
Nakot ang mga ito sa binata ngunit pilit ang mga tapang na tinungo ang kubo.. panay ang malalakas na katok sa nakapinid na pintuan.. ang iba ay binabato ang kubo upang bulabugin si Hiisi at Divina.. ngunit ilang minuto na ang lumipas ngunit wala paring sagot mula sa dalawa..
Dahan dahan nilang sinilip ang loob mula sa bukas na bintana.. at nang tuluyang bumukas ang pintuan ay saka lamang nilang napagtanto na wala na palang nakatira sa loob maliban sa mga kagamitang kanilang ibinigay sa dalawa na hindi man lang nagalaw..
Tanging ilang pirasong damit lamang ang dala dala ng dalawa ng magsimula silang magakad palayo ... panay naman ang pagpatak ng mga luha ni Aling Milagros.. napamahal na sa kanya si Divina ang totoo ay itinuturing na niyang pangalawang anak ang dalaga kaya masakit sa kaniya ang paglisan nito.
nakatawag ng kanyang pansin ang kapirasong papel na nakapatong sa nakatiklop na bestida sa papag.. agad siyang napaluha ng mabasa ang nilalaman ng sulat..
inay Milagros.
maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa amin ng kami ay mapunta sa inyong baryo.. upang maiwasan ang di pagkakaunawaan ay napagpasyahan namin ni Hiisi na umalis na lamang sa Baryo..
Nagmamahal, Divina
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Hombres LoboSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...