Kabanata 45: Ang muling Pagbawi kay Rogelio

727 36 6
                                    

Walang ibang matanaw kundi ang walang hanggang kadiliman... nanlalamig ang katawan ni Hiisi, natatandaan niya ang lugar na ito...

Agad na naging alerto si Hiisi ng makarinig ng papalapit na yabag.. mabibilis ang pag hakbang nito na tila ba nagmamadali..

Agad niyang namukhaan ang pigurang tumatakbo palapit sa kanya.. nagulat si Hiisi sa nakita.. duguan si Rogelio..!!  Agad nya itong inalalayan ng kamuntikan na itong matumba..

"Anong ginagawa mo dito Hiisi.? Umalis ka na bago ka nila madakip..!" Sigaw ni Rogelio kasabay ng malakas na pag tulak.. kitang kita ang takot sa mga mata nito..

"Ngunit di ko alam kung paano…" bulong ni Hiisi… hinila syang bigla ni Rogelio at sabay silang mabilis na tumakbo…

"Anong nangyari Rogelio bakit ka nagkaganyan…? " takang tanong ni Hiisi..  panay naman ang  paglinga ni Rogelio habang pilit na inaaninag ang kadiliman..

"Tila ilang siglo na ang lumipas simula ng huli tayong makapag usap… paulit ulit nila akong pinahirapan … wala silang kapaguran sa pagpatay sa akin… " nangangatal pang sabi ni Rogelio…

Ngayon ay lubos ng naunawaan ni Hiisi ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang panghihina ng kanyang katawan… ang kanyang kaluluwa pala ay patuloy na pinahihirapan sa lugar na ito…

"Tapos na ang kontrata Rogelio… maaari na kitang ibalik sa katawang ito… " malumanay na sabi ni Hiisi habang itinuturo ang kanyang dibdib…

"Yun ay kung makalalabas pa kayo mula sa lugar na ito…" nakapangingilabot ang tinig mula sa likuran… agad na nag anyong halimaw si Hiisi habang namamanghang napatingin lamang si Rogelio na hinang hina na mula sa walang patid na pagpaparusa…

Mula sa kadiliman ay unti unting nagsilabasan ang mga malausok na pigurang tao na may mga pulang mata…  napakarami ng bilang ng mga ito … gigil na nagtangis ang mga bagang ni Hiisi… tagilid ang laban ngunit di siya magpapatalo…

"Rogelio...! " sigaw ni Hiisi sabay lingon sa katabi.. tumango namang ito at ngumisi.. tila hudyat namang maituturing.. sabay silang sumugod sa mga kalaban..

Samantala...

Puno ng pangamba si Divina habang sinusuri ng manggagamot ang asawa.. maputla ang mukha ni Hiisii, malamig ang balat nito at napakabagal ng pag hinga..!

Pilit naman siyang pinakakalma ng mga kasama.. sinasabi ng mga ito na dala lamang ng sobrang pagod ang dahilan ng biglaang pagkawala ng malay nito...

Ngunit paano mapapanatag si Divina kung batid niyang di pangkaraniwan ang karamdaman ng kabiyak.. panay ang pagpatak ng kanyang luha habang mataimtim na nagdadasal...

Mula sa labas ng kanilang bahay ay may isang binatang tahimik na nakamasid sa mga nangyayari...

Muli itong tumalikod at naglakad palayo habang unti unting naglaho na para bang ulap na tinangay ng hangin...

"Rogelio…!!!! " malakas na sigaw ni Hiisi ng makita niyang tumilapon at nagpagulong gulong sa sahig si Rogelio...

Galit na itinarak ni Hiisi ang kanyang kamay sa dibdib ng kalaban.. at malakas itong sinipa.. bumagsak ang katawan nito at di na tuminag...

Agad na dinaluhan ni Hiisi si Rogelio at hinila patayo... maging si Hiisi ay duguan at pagod na rin.. tila di nababawasan ang mga kalaban..

Para bang ang walang hanggang kadiliman na mismo ang kanilang kalaban..

"Wala na kayong takas… habang buhay na kayong mananatili sa lugar na ito…" nakangising turan ng isang demonyo…  agad na tumakbo palapit dito si Hiisi.. puno ng galit at nanlilisik ang mga mata, kay bilis ng mga pangyayari.. sa isang iglap ay humiwalay ang ulo ng kalaban mula sa katawan nito.! Tila bukong nagpagulong gulong sa lapag nang humiwa sa kanyang leeg ang matutulis na kuko ni Hiisi...

"Masyado kang maraming sinasabing kahangalan…! Ang dapat sayo ay pinatatahimik...! " nakangising sabi ni Hiisi habang isa isang tinitignan ang mga kalaban..

Umaagos na ang dugo mula sa kanyang noo.. puno na ng sugat at galos ang katawan.. pagod at nanghihina ngunit di parin titigil sa paglaban si Hiisi.. kailangan nyang makabalik sa piling ng kanyang mag ina..


"Hayaan mo na munang magpahinga si Hiisi, Divina... marahil ay nasobrahan lamang siya sa pagod... bukas ng umaga kapag di parin nagkakamalay si Hiisi ay dadalhin na natin siya s pagamutan.." malumanay na sabi ng mang gagamot..

Wala sa loob na napatango na lamang si Divina..  isa isang nagpaalam na ang mga kapitbahay ...masuyong hinaplos ang pisngi ng binata..  " huwag mo akong iwan Hiisi… kailangan ka namin ng iyong anak…" lumuluhang bulong ni Divina…

Napaunat sa pagkakayuko si Divina ng makaramdam ng presensya.. agad siyang lumingon sa likuran at nahintakutan ng dahandahang lumitaw ang pigura ng isang lalaki..

Tinangka nyang tumili ngunit maagap na natakpan nito ang kanyang bibig.. agad na nawalan ng malay si Divina dala ng takot maingat naman siyang pinangko ng lalaki at marahang inihiga sa papag katabi ni Hiisi..

Marahan nitong hinawakan ang maumbok na tiyan ni Divina habang dahan dahang napangiti at napapikit..  maya maya ay naglaho na itong muli...


The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon