Nagkukumahog na ipinanik ni Hiisi ang asawa sa kubo at inihiga ito sa papag...
Kanina ay parang sasabog na ang kanyang puso dahil sa sobrang kaba at pagkabigla nang makita nya si Divina na bigla na lamang pinanawan ng ulirat..
Agad nyang binitiwan ang anak na buhat para ikalong ang walang malay na katawan ng asawa sa kanyang bisig.. mabuti na lamang at nagawang tawagin ng mga kapitbahay ang manggagamot na ngayon ay matyagang sumusuri sa kalagayan ni Divina..
Umupo siya sa may paanan ng papag.. tahimik na pinagmamasdan ang asawa habang pinupulsuhan ito ng mang gagamot.. tulad nya ay nakamasid din sa ina ang kanilang anak na nakayakap sa kanyang leeg habang kalong mula sa kanyang mga bisig..
Maya maya ay lumingon sa likuran ni Hiisi ang bata.. unti unti itong ngumiti habang itinataas ang mga kamay na para bang may inaabot.. takang lumingon sa kanyang likuran..
Matitinis na pagtawa ng kanyang anak ang umalingawngaw sa kubo habang unti unting lumilitaw mula sa hangin si Castiel., agad na tinignan ni Hiisi ang mga ginang maging ang mang gagamot na sumusuri kay Divina.. kataka takang patuloy lamang ang mga ito sa ginagwa..
"Huwag kang mag alala Hiisi... di nila ako makikita hanggat di ko sila hinahayaang maramdaman ang aking presensya... tanging mga tulad lang ng iyong anak ang makakikita akin..." nakangiting nilapitan ni Castiel ang mag ama...
Bahagyang yumuko habang pinaraanan ng isang daliri ang pisngi ng bata... "napakaganda mo... " tumawa naman ang bata habang itinataas ang dalawang kamay na para bang nagpapabuhat tumawa lang si Castiel...
"Castiel... si Divina... anong nangyari kay Divina...? " nag aalalang tanong ni Hiisi habang nakatingin sa asawa..
Mula sa pagkakangiti ay unti unting naging seryoso ang mukha ni Castiel... "nais ni Alaster ng isang kasunduan... ang kaluluwa ni Divina na hawak hawak nya ngayon, kapalit ng buhay ng iyong anak... " malamig nitong sabi..
Agad namang nangilabot sa narinig si Hiisi... mabilis na niyakap ng mahigpit ang anak.. di siya makapapayag sa kasunduang ina alok ni Alaster.!
"Ayoko...di ako makapapayag...! " sigaw ni Hiisi.. agad siyang napalingon sa mga Ginang.. nangambang baka narinig ng mga ito ang kanyang pagsigaw...
Ngunit tulad ng kanina ay patuloy lamang ang mga ito sa ginagawa.. "huwag kang mag alala... sa kanilang mga mata ay nananatili kang tahimik na nakamasid kay Divina..." malamig na sabi ni Castiel...
Nakahinga naman ng maluwag si Hiisi... maya maya ay muling tumingin kay Castiel... "anung gagawin ko Castiel...? Kailangan kong iligtas ang kaluluwa ni Divina..." naguguluhang tanong ni Hiisi..
Ngumiti naman si Castiel ... " samahan mo akong magtungo sa impyerno para sagipin si Divina... kailangan nating tapusin si Alaster upang di na muli ito makapaminsala..." nagpatiuna na ito sa paglalakad palabas ng bahay...
Nagmamadali namang pinabuhat ni Hiisi ang anak sa Ginang... nagtatakang tumitig sa kanya ang Ginang kay Hiisi... "kailangan ko munang umalis pakiusap kayo na muna ang bahala sa bata..."
Marahan namang tumango ang ginang kahit pa nga tila naguguluhan na rin ito... hinalikan ni Hiisi ang noo ng bata... "huwag kang mag alala anak... ibabalik ko ang iyong ina... " hinaplos naman ng bata ang mag kabila nyang pisngi...
Matapos ay magalang siyang nagpaalam sa mga Ginang pagkatapos ay nagmamadaling sinundan si Castiel... sabay silang naglaho sa hangin...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Loup-garouSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...