Kabanata 14: Yari sa Kahoy (2)

968 51 0
                                    

Kumabog ng husto ang dibdib ng binata ng marinig ang malakas at nakakainis na matinig na tili ng dalaga.. napakamot pa siya ng tenga ng marinig ang tili na iyon.. ngunit lalo pa niyang binilisan ang pag takbo..  

malakas niyang sinipa ang pinto na agad din namang nawasak dahil na rin sa kalumaan ..  takot na takot naman na nagsi tilian ang ilan pang kababaihan na nakakita sa kanyang kaanyuan. lalo naman siyang naiinis dahil sa masakit na nga sa tenga ang tili ni Divina ano pa kaya kung sabay sabay na titili ang humigit kumulang 10 na babae.. 

" Waaahhh..!! magsitahimik kayo..!! kung di kayo titigil ay gigilitan ko kayo ng leeg..!!!"  galit na galit niyang sigaw..   napangisi siya ng biglang magsitahimik ang mga babae..  ngunit agad din naging alerto ng magsilabasan mula sa kabilang pinto ang ilang mga kalalakihan na malalaki ang katawan pero ang sasagwa ng mukha..

Napuno ng tawa ng binata ang maliit na bahay na iyon.. "  bakit ganyan ang mga mukha ninyo.. higit kayong mukhang halimaw kesa sa akin..!"   mapang uyam na saad ng binata..

Sa galit ay agad siyang sinugod ng mga lalaki .. pinaputukan siya ngunit madali lamang niyang nailagan ang mga ito.. oo iindahin nya ang mga tama ng baril ngunit di naman niya ito ikamamatay.. kahit kita ang gulat at takot sa mga lalaking iyon.. nanaig parin ang walang kwentang tapang ng mga ito..

Isa isa siyang sinugod.. dala dala ng mga ito ang mga bolo at itak na iniunday sa kanya ng halos magkakasabay.. ngunit tuso ang binata.. sa isang iglap lang ay nagtagaan na ang mga lalaki.... nagulat man ay huli na ang lahat dahil nakabaon na sa kani kanilang mga katawan ang mga kata talim ng itak na dapat sa na ay ibabaon sa tuso na binata..

" di ko akalain na ganiyan pala kayo katatanga.. kung sabay sabay kayo susugod siguraduhin niyong ako ang inyong tatamaan at hindi ang mga kaharap ninyong kapanalig..! mga hunghang.!'   sigaw ng binata na lalo nakapagpainit ng kanilang ulo.,

Mula sa kabilang kwarto ay muling tumili si Divina.. agad na kumunot ang noo ng binata at mabilis na tinakbo ang pintuang nakapinid.. malakas niya itong sinipa at agad na nasira ang pinto.. tumambad sa binata ang pira pirasong punit na kamison ng dalaga habang nakalatag sa sahig ang damit ng pangahas na lalaki..

walang inaksayang pagkakataon agad na isinaksak ng binata ang kanyang kamay sa likod ng lalaking nakaibabaw kay Divina..  tumagos ang mga kamay ng binata sa dibdib ng lalaking nagtatangkang lumapastangan kay Divina. 

Gulat na gulat naman ang dalaga habang nakatingin sa puso ng lalaki na nasa kamay ng binata.. parang papel na inihagis ng binata sa kung saan ang walang buhay na katawan ng lalaki at inihagis ang puso nito sa mga lalaking nasa labas at takot na takot sa karahasang nakita..

Puno ng luha ang mga mata ng dalaga habang yakapyakap ang hubad na dibdib.. "  ano na ngayon ang susuotin mo Divina wala na rin akong damit na ipahihiram sayo.."  angil na sabi ng binata ngunit bakas ang pag aalala sa mga mata..

agad na itinapis ng dalaga ang kapirasong tela na nakita niya sa ibabaw ng papag.. samantalang yumakap ang binata sa dalaga at humalik sa kanyang noo.. " huwag na huwag kang lalabas sa kwartong ito hanggat di ko sinasabi.."  

Naiwang tulala ang dalaga habang malakas ang kabog ng dibdib... pagkalabas na pagkalabas ng binata ay nagumpisa na ang malalakas na sigawan ng mga lalaki na nauwi pa sa panaghoy.. gustuhin mang lumabas ng dalaga ay di niya magawa dahil ito na rin ang bilin ng binata sa kanya..

wala pang limang minuto ay muli ng pumasok sa loob ng kwarto ang binata .. puno ng dugo ang katawan nito at bahagyang nanlilisik ang mga mata.. ngunit di ito alintana ng dalaga.. agad niyang sinalubong ng yakap ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan..

" halika na umalis na tayo.."  malumanay na sabi ng Binata..  nakangiting tumango naman si Divina..  pagkalabas na pagkalabas nila ng kwarto .. ang mga nagkakagulong mga dalaga na ang agad na bumungad sa kanila.. abala ang mga ito sa pagnakaw ng mga alahas at kagamitan ng mga lalaking bumihag sa kanila.. 

Luminga linga ang dalaga ngunit di niya nakita ang mga Lalaki.. " nasaan sila.? huwag mong sabihin saakin na kinain mo silang lahat.?"  agad namang tumawa ang binata

" di ako kumakain ng kahit na sino  Divina..  Tumingala ka.."  masiglang sagot ng binata habang mabilis na hinawakan ang kanyang bewang

Sumunod ang dalaga at  tumingala siya.. at agad ding nawalan ng malay dahil sa nakita.. ang mga lalaking iyon.. naka dikit ang mga katawan sa kisame habang puno ng dugo ang katawan at wala ng buhay..!!!

Panay naman ang pag tawa ng binata.. " Divina Divina.. di ka dapat magpalinlang sa panlabas na kaanyuan..  mga demonyo silang nagpapanggap na tao.."  nakangiting sabi ng binata habang masuyong binuhat ang katawan ng walang malay na dalaga...

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon