Nanatiling nakamaang ang binata habang tahimik na kumakain ng inihaw ng ligaw na manok si Divina..
"Ano bang nangyari sayo…? " galit na sigaw ng makisig na binata..
Sa gulat ay nabilaukan pa si Divina.. nataranta naman ang binata at nagkumahog sa salok ng tubig mula sa talon gamit ang kanyang palad..
Pinukpok naman ni Divina ang kanyang dibdib habang halos di na makahinga sa nagbarang piraso ng manok sa kanyang lalamunan..
Nagmamadaling lumuhod sa tapat ng dalaga ang binata at marahang itinapat sa bibig ng dalaga ang palad na may tubig.. ngunit di parin ito sapat..
Namumula na ang mukha ni Divina at inis na inis na ang binata!! " Hanggang kelan ba ako mamumublema sa mahinang kutong lupa na to…!!! " sigaw ng binata sa kanyang isipan…
Itinayo nya ang dalaga at niyakap sa bewang… halatang nagulat ang dalaga at nagtangkang pumalag… inangat nya ang dalaga at inalog alog na parang bola … nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil ramdam na ramdam nya ang binata sa kanyang likuran…
Paluhod na bumagsak si Divina habang panay ang pag ubo… muling kumuha ng tubig ang binata habang nailabas na ng dalaga ang piraso ng manok… sabik niyang ininom ang tubig sa palad ng binata … biglang naging maalinsangan ang paligid…!!
Kunot noo naman ang binata ngunit nanatiling tahimik.. "ang akala ko ay katapusan ko na…!! " bulalas ng dalaga habang nag hahabol ng hininga.. palihim niyang tinignan ang binata na abala sa paglalagay ng dahon sa may yungib…
" ulitin mo pa ang palihim na pagtitig mo sa akin ay dudukutin ko na yang mga mata mo…! " galit na dabog ng binata.
Napaunat naman sa pagkakaupo ang dalaga .. nahintakutang napatalikod siya sa binatang nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
Lihim na napakagat labi ang dalaga habang kinakamot ang palad.. ganito siya kapag kinakabahan.. di niya akalain na nahuli siya ng binata na palihim na tumititig.! Nakakahiya!!
"Halika na at matulog… dahil sayo nasayang ang isa sa perlas idagdag pa ang biglang pag anyong tao ko… tsk " inis na sabi ng binata habang tumagilid paharap sa pader ng yungib…
Nang lumpit ang dalaga ay agad siyang pinamulahan ng mukha… saan siya matutulog…? Maliban sa hinihigaan ng binata na may maliit na espasyo.. puro lupa na ang maaaring higaan..!
Dahan dahan siyang tumalikod para sana kumuha ng dahon na mahihigaan ngunit bigla siyang hinila ng binata kaya padapa siyang bumagsak sa hubad baro na katawan nito..
Pulang pula ang mukha ng dalaga at pilit na kumawala sa yakap ng binata ngunit di ito natinag.. "huwag ka ng malikot lalo mo lamang ginigising ang natutulog… " matalinhagang pahayag ng binata…
Lalo namang namula ang mukha ng dalaga lalo pa ng maramdaman ang buhay na pagnanasa nito na katapat sa kanyang puson… nagpumilit syang maka alis sa yakap ng binata ngunit itinagilid lamang siya nito habang nakaunan siya sa isang braso ng binata…
Papalubog na ang araw at unti unti ng kumakalat ang dilim… maya maya pa ay nakatulog na ang dalaga…
Dahil minsan pa ay nakaramdam siya ng kapayapaan… damdaming ilang taon na niyang hinanaphanap…
(panaginip ni Divina)
" Divina … sana ay maintindihan mo… kailangan kong magpalista upang maprotektahan ko ang bayan laban sa mga mananakop…" malumanay na sabi ni Rogelio sa kasintahan…
Tinangka niyang hawakan ang kamay ng dalaga ngunit humakbang lamang ito palayo habang walang patid ang pagluha… " at paano kami Rogelio…? Ang iyong mga magulang.? Si Digna.. ako .? Paano naman ako.?? "
Muling tinangkang yumakap ni Rogelio ngunit malakas na sampal ang isinagot ng dalaga.. namula ang pisngi ng binata ngunit nanatiling tahimik.. "masakit din naman sa akin ang iwanan kayo… ngunit ginagawa ko din naman ito para sa inyong kaligtasan… pakiusap Divina"
Galit na tumalikod ang dalaga… "di mo ba naisip na baka sa pag tungtong muli ng iyong mga paa ay wala ka nang Divina na babalikan…? Hanggang kelan mo ba balak pag hintayin ako ng ganito...? "
"Divina … pakiusap… " mahinang tawag ng binata sa kasintahang nagsimula ng humakbang papalayo sa kaniya…
(kasalukuyan)
Napakunot ng noo ang binata ng marinig ang bahagyang pag ungol ng dalaga.. inangat nya ng bahagya ang kanyang ulo upang makasiguro..
Puno ng luha ang mga mata ni Divina ngunit batid nyang mahimbing parin ang pagtulog ng dalaga..
" masakit ba talaga para sa iyo ang mag isa Divina…? " mahinang bulong ng binata habang tila nahihipnotismong bumaba ang labi palapit sa labi ng dalaga.
Napamulat ang binata ng maramdaman ang init ng labi ng dalaga.. agad nyang inilayo ang kanyang mukha.. " bakit ko ginawa ang kalokohang iyon…? " takang tanong ng binata habang hawak ang dibdib .. ramdam niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso..
Lalo namang naguluhan ang binata ng magsumiksik si Divina sa kanyang katawan... bahagya pang nangilabot ng yumakap ang dalaga sa kanyang bewang..
Napabuntong hininga na lamang ang binata habang pilit na pinakakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso...
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...