Sa muling pagmulat ng mga mata ni Divina ay ang kanyang anak ang una niyang hinanap... Agad siyang bumangon at binuhat ang bata na karga ng isang Ginang.. patuloy ang pag usal ni Divina ng pasasalamat..
" Parang kay tagal na nang nakalipas simula ng mawala ako.. ang akala ko ay hindi na ako makababalik,,," nakangiting turan ni Divina habang nakatingin sa kanyang anak... tumawa lang ang bata habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang ina...
" ano bang pinagsasabi mo Divina..? Sampung minuto pa lamang ang nakalilipas simula nang mawalan ka ng malay..!" bulalas naman ng isa pang ginang..
Napabuntong hininga si Divina.. sampung minuto sa lupa ngunit pakiramdam niya ay umabot na ng ilang linggo ang pananatili nya sa impyerno.. tandang tanda niya ang init.. ang hapdi at sakit.. mga panaghoy nang mga pinarurusahang kaluluwa...!!
Kung hindi dahil kay Hiisi at kay Castiel na ibinuwis ang buhay upang mailigtas siya.. malamang ay habang buhay na siyang nanatili sa walang hanggang pagdurusa sa impyerno..
" Umalis lng saglit ang iyong asawa Divina.. may kailangan daw siyang asikasuhhin sandali.." nakangiting sabi ng Ginang.,.
Ngunit taliwas sa sinabi ng Ginang .... umabot na ang gabi ngunit di parin dumadating si Hiisi.. Napuno ng pangamba ang dibdib ni Divina.. ang huling natatandaan niya ay sumakay sa likuran ng isang lobo si Hiisi habang sakay din siya ng isa pa.. magkasabay silang naglakbay pabalik, ngunit bakit hanggang ngayon ay wala parin ito..?
Mapait ang ngiti ni Hiisi habang nakatingin sa bilog na buwan... napakaganda nito at di nakakasawang pagmasdan.. tulad ng kagandahan ni Divina na hinahanap hanap niya kahit saan mag punta.. naagaw ng alululong ng dalawa nyang lobo ang katahimilan ng lugar.. narito siya sa yungib kung saan nya unang nakasama si Divina.,.
Gustong gusto nyang bumalik sa piling ni Divina.. gustong gusto nya ulit makasama ang kanyang mag ina.. ngunit natatakot siyang baka di maunawaan ni Divina ang katotohanan.. mapahamak ang mga ito dahil sa kanya..
" kasakiman ba kung hihilingin kong makasama sya ama..?" malungkot na tanong ni Hiisi habang nakatingala sa kalangitan.. " hindi ko kayang malayo sa kanila.. maari bang kahit pansamantala ay makapiling ko silang muli..? patawarin mo ako ama.. ngunit di ko kayang sundin ang payo ni Castiel..! " biglang napuno ng determinasyon ang mga mata ni Hiisi..
" hindi ko kayang mawala sila ama.. patawarin mo ako.. ngunit.. babalikan ko ang aking mag- ina...!" Sigaw ni Hiiisi.. mabilis siyang tumakbo palayo sa yungib.. iisa lamang ang nasa isip.. ipagtatapat na niya ang katotohanan kay Divina..
At umaasang sana ay matanggap nito ang lahat.. agad namang sumunod kay Hiisi ang dalawanag lobo.. nang tuluyan ng makalayo si Hiisi ay dahan dahang lumitaw si Castiel.. kanina pa niya pinagmamasdan si Hiisi.. batid niyang di magagawang lumayo ni Hiisi sa mag- ina..
Ang tanging pinangangambahan lamang niya ay kung matatanggap ba ng mga ito ang lahat.. at kung sa paglipas ng mga taon ay magawa nilang itago ang totoo... Handa kaya si Hiisi sa Parusang kapalit ng kanyang pambihirang kapangyarihan.?
" huwag kang mag- alala Hiisi , gaya ng ipinangako ko sa iyo.. sa muli nating pagkikita ay nahanap ko na ang sandatang makapapatay sayo at saking mga kamay ka malalagutan ng hininga.. " malumanay na bigkas ni Castiel kasabay ng paglaho na parang ulap na tinangay ng hangin..
" Hindi ko maintindihan Hiisi.. Bakit... Bakit....?" takang tanong ni Divina habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Hiisi.. Yumuko lang ang lalaki tinignan ang batang nakangiti habang inaabot ang dalawang lobo sa paanan ng papag.. takot na takot naman sa bata ang dalawang lobo.. marahil ay ramdam ng dalawang ito ang kapangyarihan ng kanyang anak..
" Ang paglayo ang pinakamabisang paraang naisip ni Castiel.. ngunit Divina hindi ko kayang malayo sa inyo ng ating anak.. alam kong kasakimang maituturing.. ngunit pakiusap.. hayaan mo akong makasama kayong mag ina .. kahit isa o dalawang taon man lang Divina pakiusap.." bulong ni Hiisi..
Umiling lang si Divina kasabay ng mabilis na pagyakap kay Hiisi. " Hanggat nabubuhay ako .. Dito ka lang sa aking tabi Hiisi.. kahit ano mang kahinatnan ng lahat.. ipangako mong di mo ako iiwan.." lumuluhang pahayag ni Divina.. napuno ng pag asa ang puso ng Hiisi, gumanti siya ng yakap at maalab na hinalikan ang kanyang asawa..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerwolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...