Kabanata 43: Paraiso sa Lupa

785 30 1
                                    

38 linggo ang nakalipas matapos mabuo ang kasunduan sa pagitan ni Hiisi at Divina.. ..)

Nakangiting sinalubong ni Divina si Hiisi ... nakangiting yumakap sa kanya ang lalaki habang maalab na hinahalikan ang kanyang labi.. napukaw naman ng pagtawa ng ilang kapitbahay ang dalawa mula sa maiinit na pagtatagisan ng kanilang mga labi.. natatawang nagkamot ng ulo si Hiisi habang pulang pula naman ang pisngi ni Divina.. 

Ilang linggo na ang nakakaraan ay unti unti ng nagsidatingan ang ilang mamamayan mula sa kabilang bayan.. ang iba ay nagsipagtayuan na rin ng kanikanilang mga kabahayan malapit sa kanilang kubo..

lalo namang nakaramdam ng katuwaan ang dalaga dahil simula ng magkaroon na sila ng kapitbahay ay palagi na siyang may nakakausap sa tuwing kinakailangang umalis ni Hiisi upang mag trabaho sa kabilang bayan.. 

Naging madalas na ang pagtatrabaho ng lalaki nitong mga nagdaan na linggo.. di nya akalaing kaya pala ganuon na lamang ang pagpupursige nitong makapag ipon ng salapi ay dahil nais pala nitong maikasal silang dalawa.!

Napuno ng kagalakan ang dibdib ni Divina nang lumuhod si Hiisi at alukin siya ng kasal.. bago pa lumaki ang kanyang tiyan ay naikasal na sila sa isang maliit na kapilya sa kabilang bayan..

Ang lahat ay nakisaya sa kanilang ligaya.. tila ba nakahanap ng kapiraso ng paraiso ang tingin ng lahat sa kanilang munting baranggay..

Naging napakasaya ng dalawa sa nakalipas na mga linggo.. ni hindi na nila alintana ang takot na baka panandalian lamang ang kaligayahang ito...

Ang ilang kababaihang may mga asawa na ay panay ang pag papayo sa kanya tungkol sa pag aalaga sa kalusugan niya at ng kanyang anak.. mabubuti ang mga taong ito at agad naman nakapalagayan ng loob ng dalaga..  

" pasensya ka na aling Pasing.. talagang nasabik lang akong muling matikman ang labi ng aking asawa.. "  nakatawang biro ni Hiisi sa Ginang.. agad naman pinalo ni Divina sa balikat ang lalaki..

nagkatawanan naman ang ilang kalalakihan nang marinig ang sinabi ni Hiisi.. " ganyan talaga ang mga lalaki tanging halik mula sa kanilang asawa ang makapagpapawala ng kanilang pagod mula sa matagal na oras ng pagtatrabaho.."   nagkatawanan pang lalo ang mga ito nang mapunta sa kapilyuhan ang mga usapan..

Natatawang naglakad na ang dalawa pabalik sa kanilang kubo..   "  napagod kaba mula sa pagbuo ng kabahayan sa kabilang bayan.?"  nag aalalang tanong ng dalaga.. agad namang umiling si Hiisi habang umupo sa papag ay hinila ang kamay ni Divina paharap sa kanya.. masuyo nitong hinaplos ang may kaumbukan ng tiyan ng dalaga..  ngumiti naman si Divina at hinayaan si Hiisi sa  ginagawa..

" araw araw man akong magbabad sa tirik na araw.. mapagod sa pagbubuhat at pagsasaayos ng kabahayan.. sa tuwing makikita kita ay nawawala ang lahat ng pagod ko.. di ko akalaing ganito pala kasarap ang pakiramdam ng maging isang ama..."   nakangiting turan ni Hiisi habang masuyong dinadampian ng halik ang maumbok ng tiyan ng asawa…

Nakangiting pinagmamasdan naman ni Divina ang mukha ng lalaki.. mababakas sa mukha nito ang kaligayahan.. maligayang maligaya na sila.. lalo pa at ilang panahon na lang ay ganap na silang magiging mga magulang..

"Nagugutom ka na ba Hiisi… sandali lamang at ipag hahanda kita ng makakain…" nakangiting paalam ni Divina at nagmadaling nag handa ng pagkain habang inilatag ni Hiisi ang kanyang Likod sa papag…

Wala pang ilang minuto ay tuluyan ng nakatulog si Hiisi dala ng pagod sa mag hapong pagtatrabaho…

Masuyong pinunasan ni Divina ang katawan ng asawa gamit ang bimpo at maligamgam na tubig… batid nyang mahina na ang katawan ni Hiisi at di na ito tulad ng dati… simula ng makaligtas ito sa pagkasunog ay halos kasing lakas na lamang ito ng isang normal na tao… patuloy pa ang pang hihina ng lalaki habang lumilipas ang mga araw…

Nakararamdam man nang takot ay pilit itong itinatago ng dalaga.. alam niyang ginagawa ni Hiisi ang lahat upang itago sa kanya ang tuluyang panghihina nito dahil sa pangambang baka mag alala siya at makasama ito sa kanila ng bata.. 

Marahang pinunasan ni Divina ang kanyang mga luha.. di niya maiwasang di mangamba dahil sa nakikitang pagbabago kay Hiisi.. kung maari lamang niyang akuin ang hirap ay gagawin niya.. ngunit batid niyang bagaman hirap at nanghihina na si Hiisi ay masaya ito sa ginagawa.. masaya itong namumuhay nang normal habang nananabik magisnan ang kanilang  anak...

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon