Kabanata 16: Hiisi (2)

946 47 1
                                    

Napahinto ang binata sa pag halik kay Divina ng maramdaman niya ang patak ng luha nito…

Dahan dahan syang umalis mula sa pagkakadagan sa dalaga habang di magawang alisin ang tingin sa magagandang mata na puno ng luha…

Samantala bumangon din si Divina habang hawak ng isang palad ang kanyang labi at hawak ng isa ang kanyang dibdib na mabilis ang ginagawang pagtibok…

Tahimik na umalis sa yungib ang binata at tumakbo patungo sa kakahuyan… samantalang nanatiling tahimik na nakamasid lamang si Divina…

Nalalabing 47 linggo...

(panaginip ni Divina)

"Napakaganda naman ng bulaklak na ito Rogelio…" nakangiting turan ni Divina habang nakatingin sa pulang bulaklak na ibinigay sa kanya ng kalaro …

Namumula naman ang pisngi ng batang lalaki… "  hinanap ko talaga iyan Divina… alam ko namang mahilig ka sa mga bulaklak…"

Nakangiting niyakap ng batang babae ang kanyang kababata… gumanti din ito ng yakap sa kanya…

"Divina… maaari ba kitang gawing kabiyak kapag umabot na tayo sa wastong gulang…?"  Nagkanda utal utal pang  sabi ng batang lalaki..

Tumawa naman ang batang babae bilang kasagutan...

" sampung taong gulang pa lamang tayo ngunit kung pagbabasihan ang iyong mga itinuran …aakalaing isa ka ng binata…!!"

Napakamot naman ng ulo ang batang lalaki..  " di mo ba nais na maging kabiyak ako …? " muling natawa si Divina sa paslit na kababata..

"papayag lamang ako maging iyong kabiyak kung magagawa mo akong maunahan makarating sa punong iyon..! " sigaw ni Divina habang nakaduro sa malaking puno ng acasia na ilang milya ang layo mula sa kanila..

Nakangiting nagpaunahan pa ang magkababata habang nag uunahan.. nangunguna na si Rogelio ngunit natalisod siya at padapang bumagsak sa lupa..

Naunahan man siya ay naging masugid parin siya sa panliligaw kay Divina..

(Kasalukuyan)

Nagising si Divina ng makarinig ng kaluskos mula sa labas... agad siyang lumabas mula sa yungib at natanawan si Hiisi na abala sa pag iihaw ng bibe..

Ilang araw na rin siyang  iniiwasan ng binata .. bagaman di naman nag papakita ng kagaspangan.. di rin ito nagpapakita ng kahit anung emosyon.!!

"Magandang umaga hiisi… " malumanay na bati ni Divina…  dahan dahang tumayo ang binata at mataman syang pinagmasdan … walang nababakas na emosyon sa binata habang nakikipagtagisan siya ng titig dito…

"Ano ba ang problema mo…?!! "  pagalit na sigaw ni Divina nang bigla nalamang siyang talikuran ng binata na nagmamadaling naglalakad papunta sa kakahuyan..

Napahinto ang binata mula sa paglalakad.. kuyom ang mga kamao..

Ilang araw na niyang tinatangkang iwasan ang dalaga.. di dahil sa galit sya.. ang totoo ay nahihiwagaan na siya sa mga nangyayari..!! Dahil malakas ang tibok ng kanyang puso sa simpleng pagtatama lang ng kanilang mga mata ng dalaga..!!

"Ilang araw mo na akong iniiwasan… ?!  May nagawa ba akong mali.? " sigaw ng dalaga..

Inis na tumingala ang binata habang mahigpit ang pagsabunot sa sariling buhok.. malakas ang pagtibok ng kaniyang  dibdib na parang anumang sandali ay maaari ng sumabog.

"Humarap ka…!!! " muling sigaw ni Divina sa kanya..

Mabilis ang mga pangyayari.! Bigla na lamang humarap ang binata at naglakad papalapit sa dalaga.. punong puno ng emosyon ang mga mata habang nakatingin sa dalagang nagtatakang nakatingin din sa kanya..

Habang humahakbang ang binata ay sinabayan naman ito ng pag atras ng naguguluhang dalaga..

" isa akong halimaw…! Di ko dapat nararamdaman ang ganito..!! " galit na sigaw ng binata ng hiklatin nya ang bewang ng dalaga at marahas na inilapat ang sabik nyang labi sa nakaawang  na labi ng dalaga..!

Agad siyang itinulak ng dalaga ngunit tila hibang na ang lalaking nakayapos sa kanya.. binuhat siya ng binata at isinandal sa isang puno ..

Nanlilisik ang mga mata ng binata ng magkaharap sila ng maputol na ang halik.. "nakita mo na Divina…? Ginugulo mo ang aking isipan..!! " bulong ng binata bago nito muling tawirin ang ga hiblang pagitan ng kanilang mga labi..

Muling nanulak ang dalaga at sa pagkakataong ito hinayaan na siyang makatakas ni Hiisi..

"Nahihibang ka nang talaga.. kahit kailan ay di ka magagawang ibigin ng tulad ni Divina.." malungkot na saad ng binata habang pinagmamasdan ang dalagang tumatakbo palayo..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon