Nagising si Divina dahil sa mabining pag tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha.. bahagya siyang napangiti ng makita ang mga dahon sa puno na kahit papaano ay nagbibigay lilim sa kanya..
Inunat ni Divina ang kanyang kamay.. at nagtaka.. bakit abot kamay niya ang mga dahon.? Dahan dahang bumangon ang dalaga at malakas na napatili ng makita ang napakataas na sanga na kinaroroonan niya..!!
Agad siyang napakapit sa katawan ng puno habang nanginginig.. mahinang tawa ang nakapagpahinto sa kakatili ng dalaga..
Sa kabilang panig ng malaking puno ay prenteng nakahiga ang halimaw na para bang nakahiga lamang sa papag.. nakaunan pa ang magkabilang braso sa ulunan nito... habang nakadekwatro pa at kumakampay kamay ang nakataas na paa..
"Magandang umaga Master... mahimbing ba ang iyong pagtulog..?" Nakangiting saad ng makisig na halimaw.
"Walangya ka ibaba mo ako dito…!!! " hysteria na sigaw ni Divina.. muling tumawa ang halimaw dahan dahan itong bumangon at nag unat na parang bagong gising..
Napatili ang dalaga ng bigla siyang itulak ng halimaw.. malakas ang tawa nito ng mahulog mula sa puno ang dalaga.. pumikit si Divina habang hinihintay ang kanyang katapusan..!!
Biglang napamulat ang dalaga ng maramdaman ang mga kamay ng halimaw sa kanyang bewang. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya..
Kumalabog at bahagyang nayanig ang lupa ng bumagsak na sila.. buhat buhat siya ng halimaw at panay ang pagtawa nito..
Galit na itinulak nya ang halimaw at nagpatiuna sa paglalakad.. panay naman ang pagtawa ng halimaw.
Ilang milya na rin ang kanilang nalalakad at namimintig na rin ang mga binti ng dalaga panay naman ang pagkain ng mga prutas ng halimaw na di man lang napagka abalahang mamigay..
Nakangisi naman ang halimaw na sinasadyang takamin sa pagkain ang dalaga.. ito ang parusa nya sa pangahas na dalagang ginawa siyang alagad..
Maya maya pa ay nakarinig ang dalaga ng lagaslas ng tubig.. agad niyang hinawi ang makakapal na talahib at tinungo ang narinig na lagaslas...
Napanganga ang dalaga sa pagkamangha sa napakagandang lugar .. mababa lamang ang talon na kanilang nakita.. ngunit nasa kabilang panig sila at mala bangin sa taas ang kanilang kinaroroonan..
Nakisilip naman ang halimaw tila maging ito ay na eenganyo sa ganda ng lugar.. "tiyak na kapag tumalon ka mula dito… magkakalasuglasog ang manipis mong katawan…" muling paguuyam nito sa kanya…
Muling sumilip ang dalaga… tama nga ang sinabi ng halimaw… bigla siyang kinabahan ng malingunan ang halimaw at makitang nakangisi ito habang nakatingin sa kanya…
Tinangka nyang tumakbo ngunit bigla nitong nahawakan ang likuran ng soot niyang maputik na bestida… parang labahin na inibitin nito sa bangin…
Panay ang pagtili ni Divina habang tawa naman ng tawa ang halimaw…
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
Hombres LoboSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...