Kabanata 51: Si Castiel at Hiisi

600 35 6
                                    

Dahan dahang tumayo si Hiisi.. batid niyang malakas at makapangyarihan ang lalaking katungali.. mas malakas ito ng daan .. hindi... libong beses kaysa sa mga itim na pigurang kanyang nakatunggali.. kailangan niyang mag ingat.. kailangan niyang malansi ang lalaki upang magawa niya itong puksain..

" Hiisi.. bakit mo hinayaang mapuno ng galit ang iyong puso.. tignan mo ang nangyari.. tuluyan ka nang nilukob ng iyong kapangyarihan.. "  malamig na turan ni Castiel habang sinusundan ng tingin si Hiisi na patuloy ang pag ikot .. 

" di ko maintindihan ang iyong sinasabi.. ang tanging nais ko lamang ay makuha ang mag ina.. sa mga kamay ko sila dapat mamatay.."   nakangising sabi ni Hiisi.. 

" Kahibangan..!!! matapos ng lahat ng pinagdaanan mo para maprotektahan sila .. ngayon ay nais mo silang patayin..?! Kung kinakailangang patayin kita upang masiguro ang kaligtasan ng mag- ina ay gagawin ko Hiisi.. " malamig na turan nito..

Lalo namang nagalit si Hiisi.. muling nanlisik ang mga mata nito habang mabilis na sumugod.. alerto naman si Castiel.. mabilis siyang humakbang paurong at malakas na sinuntok paitaas si Hiisi.. tumilapon at nagpagulong gulong sa lupa si Hiisi  ngunit muli itong sumugod.. sumuntok ng sumuntok habang baliw na baliw sa galit dahil ni hindi man lamang siya makatama..

isang malakas na sipa ang ginawa ni Castiel sa tiyan ni Hiisi nang makahanap ng tyempo.. agad na tumilapon si Hiisi at malakas na tumama sa mga puno.. namilipit sa sakit habang panay ang pagsuka ng dugo.. tinangka niyang tumayo nang makitang papalapit na si Castiel ngunit bago pa tuluyang makaiwas ay naitarak na ni Castiel ang kanyang kamay sa dibdib ni Hiisi... masaganang umagos mula sa dibdib nito ang malapot na dugo..

" Huling pagkakataon Hiisi.. Gumising ka at Manumbalik sa dati.. nananatili kang buhay dahil sa pagnanais mong protektahan ang iyong mag ina.. kung di mo na iyon magagawa ay ngayon palang wawakasan ko na ang iyong buhay.." malamig na sabi ni Castiel.. 

Nagtangis ang bagang ni Hiisi lalong tumindi ang galit na kanyang nadarama inipon ang lahat ng natitirang lakas upang ibigay ang kahuli hulihang atake nang biglang....

" Uhaaa uhaaa..!! "  napuno ng usal ng pasasalamat ang buong kubo habang panay ang pagtawa ng mga ginang sa umiiyak na sanggol..

" Pinahirapan mo ang iyong ina.. tignan mo at napagod siya ng husto.."  nakatawang sabi ng isang ginang mula sa loob ng kubo..

" Marieta bilisan mo at tawagin mo si Hiisi.. isinilang na ang kanyang anak..!" muling sabi nang matanda..

Patuloy ang pag uha nang sanggol at pinuno ng pag iyak nito ang buong lugar.. dahan dahang humupa ang galit sa puso ni Hiisi.. unti unting nagising mula sa mahigpit na pagkakakapit sa kanya ng kanyang kapangyarihan.. 

Unti unting pumatak ang kanyang mga luha nang lubos na maunawaan ang kanyang ginagawa..   Marahan siyang binitiwan ni Castiel.. napaluhod at naitukod ni Hiisi ang kanang kamay sa lupa habang hawak ang dumudugong dibdib..  si Castiel ay nanatiling nakatayo at nakamasid kay Hiisi.. sinisugurong nasa wastong pag iisip na ang lalaki bago papasukin sa loob ng kubo.. dahil isang pagkakamali lamang ay maari nitong patayin ang sariling anak..

Dahan dahang umupo si Castiel paharap kay Hiisi.. inangat niya ang mukha ng lalaki upang tignang mabuti ang mata nito.. bahagya siyang napangiti nang makitang wala na ang bahid ng pula sa mga mata ng lalaki.. 

" Binati kita Hiisi,..nagising na ang tunay mong kapangyarihan at nagawa mo na itong makontrol.. ikaw ang kahuli hulihang halimaw na banta sa buhay ng iyong anak.. salamat dahil nagtagumpay kang protektahan ang iyong mag ina mula sa iyong sarili..tumayo ka at puntahan mo na sila..."  muling turan ni Castiel.. hinila niya patayo si Hiisi at dahan dahang inilapat sa noo nito ang kanyang daliri.. unti unting nagliwanag ang katawan ni Hiisi kasabay ng mabilis na paghilom ng mga sugat nito..

" Hiisi halika.. ang iyong anak.. isinilang na ang iyong anak,,!!"  masiglang sabi ng Ginang.. agad niyang hinila si Hiisi papasok sa kubo.. Nagtatakang nilingon ni Hiisi si Castiel na nanatili lamang sa pwesto nito at tila ba hindi nakita ng Ginang na humila sa kanya..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon