Panay ang pananangis ni Rogelio habang yakap yakap ang malamig ng bangkay ni Divina.. sinisisi niya ang sarili dahil sa kamatayan nito at ng lahat ng mahal niya sa buhay.. kung hindi siya umalis upang maging sundalo.. kung hindi niya inuna ang bayan kaysa sa kapakanan ng mga ito.. di sin sanay buhay pa ito at nag hihintay sa kanyang pagbabaik.. ano ang silbi ng malayang bansa kung nagiisa na lamang siya at nakakulong sa kalungkutan at pangungulila sa mga ito.. ?
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng kanyang luha.. panay ang paghukay sa lupa upang maging himlayan ng mga taong dapat ay inuna niyang pangalagaan.. nasan siya ng sumugod ang mga mananakop sa kanilang bayan..? nasan siya habang pinagpapasa pasahan ng mga ito ang pambabababoy sa kanilang kadalagahan..? nasaan siya ng tumatangis ang kanyang mga magulang habang nasusunog ito mula sa binakurang bahay.. ? at nasaan siya habang tinatawag ni Divina ang kanyang pangalan at pinapanalanging iligtas siya mula sa kamatayan.? nasaan siya..!!
Muling nagpakawala ng malakas na sigaw si Rogelio.. galit na galit siya sa kanyang sarili..kung maibabalik lamang niya ang panahon ay mas nanaiisin niyang ilang ulit na mamatay kaysa makita ang pinakamamahal na nakahimlay sa ilalim nang maputik na lupa...
" Ipinapangako ko Divina.. hahanap ako ng paraan upang muli kang mabuhay.. gagawin ko ang lahat para muli kitang makasama.. pinapangako ko iyan.." madiing bigkas ni Rogelio habang tumatangis.. puno ng determinasyon ang kanyang puso habang iisa lamang ang nasa isipan.. muli niyang bubuhayin si Divina kahit buhay man niya ang maging kapalit..!
Ilang bayan na ang nadaanan ni Rogelio sa paghahanap ng kasagutan.. ilang ermitanyo at babaylan na ang nilapitan at hiningian ng tulong ngunit walang may kakayahang bumuhay nang patay.. patuloy ang paglalakbay ni Rogelio.. di siya nawawalan ng pag-asa.. para kay Divina ay gagawin nya ang lahat..!
Napahinto si Rogelio sa ilalim ng isang malaking puno.. matindi na ang nararamdaman niyang pagkauhaw at pagkagutom ngunit pilit niyang isinasantabi ang nararamdaman.. puno parin ng pag asa ang kanyang puso na makakahanap ng paraan upang muli niyang makasama ang dalaga..
Bahagyang napangiti si Rogelio habang tinatanaw ang napakagandang kagubatan.. luntian ang paligid at punong puno ng matatayog na mga puno.. matitingkad ang makukulay na bulaklak at napakabango ng kanilang halimuyak.. naisip ng binata.. kung kapiling lang sana niya ngayon si Divina ay tiyak na maiibigan ng dalaga ang magandang tanawing ito.. muling pumatak ang kanyang mga luha habang pilit na bumabangon.. kailangan na niyang muling maglakbay.. di na alintana ang nanginginig na mga tuhod, pilit niyang inihakbang ang mga paa.. ngunit tila papel siyang tinangay ng hangin na bumagsak na lamang basta sa damuhan..
Mula sa malayo ay nakarinig ng malamig na tinig ang binata.. tinig na tila ba nang gagaling sa ilalim ng lupa.. mula sa kasukalan ng mga talahib ay unti- unting dumungaw ang isang matangkad at maputlang lalaki.. dilaw ang mga mata nito habang payat na payat ang katawan.. lumapit ito sa kanya at bumulong..
" Matagal na kitang pinagmamasdan.. batid kong unti unti ka ng nawawalan ng pag-asa.. bibigyan kita ng isang magandang kasunduan.. bubuhayin ko ang iyong nobya.." nakangising saad ng lalaki..
Tila nabuhayan naman ng loob ang binata.. pinilit niyang tumayo ngunit agad ding natumba at pabagsak na napaupo sa damuhan.. " at ano ang kapalit ginoo.." takang tanong ni Rogelio..
" simple lang.. ikaw ay magiging halimaw ng kagubatan.. Makikipagkasundo ka sa lahat ng taong lalapit sa krus na daan..ibibigay mo ang lahat ng kanilang kahilingan kapalit ng kanilang Kaluluwa.. " malamig na turan ng lalaki..
Agad namang umiling si Rogelio.. " Hindi ko kaya..! ayokong maging isang halimaw na kukuha ng kaluluwa ng mga tao..! hindi ko kaya..!" sigaw ni Rogelio..
Malakas namang tumawa ang lalaking may dilaw na mata.. " sigurado ka ba..?kapag tinangihan mo ang aking kasunduan ay habang buhay ka ng mag-iisa Rogelio.. habang buhay mong pagsisisihan ang kagaguhang ginawa mo.. nailigtas mo ang buhay ng maraming tao ngunit ang buhay ng iyong minamahal ay di mo nailigtas.. !!! ngayon ay binibigyan na kita ng pagkakataong muli siyang makapiling ay palalagpasin mo rin. ? ano ba ang mas mahalaga sa iyo .. ang buhay ni Divina o ang kaluluwa ng mga taong di mo naman kilala.." mapanuksong sabi ng lalaki..
Muling umiyak si Rogelio.. piping nananalangin sa itaas na sana ay tulungan siya sa pagkakataong ito... lumapit naman ang lalaking may dilaw na mata at muling bumulong.. " Limang taon Rogelio.. sa loob ng limang taon ay magiging alagad kita.. bawat taong lilipas ay magkakaroon ka ng perlas na sisimbolo sa ating kasunduan.. palalayain kita mula sa pagiging halimaw at babalik sa dati mong katauhan sa oras na matapos ang limang taon.. makikipagkasundo ka sa lahat ng dadating sa krus na daan.. ibibigay mo ang lahat ng kanilang nais.. kapalit nito ay bubuhayin ko si Divina.. "
Umiling si Rogelio at sinabunutan ang sarili .. di man aminin ay unti unti na siyang natutukso sa sinasabi ng lalaki.. " isipin mo Rogelio.. limang taon lang ang hihintayin mo at pagkatapos nito ay magkakasama na kayong muli ni Divina.. sisiguraduhin kong magkikita kayong muli.." nakangising saad nito..
Dahan dahang tumingala si Rogelio.. punong puno ng agam agam ang kanyang mga mata.. " Pumapayag na ako.." pabulong na sabi ng binata..
Malakas naman ang naging pag tawa ng lalaking may dilaw na mata.. unti unting binalot ng pulang liwanag ang buong katauhan ni Rogelio habang unti unting nagbabago ang kanyang anyo.. unti unting tumubo ang mga pangil sa kanyang bibig.. tumalas at humaba ang mga kuko.. pumuti ang dating itim na buhok at nagkaroon ng tenga at buntot ng lobo..!
Malakas na ungol ang pinakawalan ni Rogelio.. pinuno nito ang kagubatan na pagmamay ari na ng kanyang kapangyarihan.. sinabayan ng kanyang ungol ang malakas na tawa ng demonyong nakipagkasunduan sa kanya..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...