Panay lamang ang ginawang pagtakbo ng dalaga na tila ba ito na lamang ang nalalabing paraan upang tumakas...
Hindi mula sa binata kundi sa damdaming unti unting sumisibol sa kanyang dibdib para dito..!!
Nang makaramdan ng pagod mula sa pagtakbo.. marahan siyang napaluhod sa malawak na damuhan.. "Rogelio… Rogelio…" mahinang bigkas ng dalaga habang panay ang pagtulo ng kanyang mga luha..
Agad na napalingon sa kanyang likuran si Divina nang makarinig ng mahihinang ungol.. tumayo siya at naging alerto. Nang makakuha ng isang sanga ay agad niya itong dinampot upang gawing panlaban sa kanyang sarili..
Nangilabot si Divina ng nauwi sa panaghoy ang kaninang pag ungol.. dahan dahan niyang tinungo ang matatayog na talahib kung saan niya narinig ang mahihinang panaghoy..
Malakas ang kabog ng kanyang puso habang lumalapit.. papalakas ng papalakas ang panaghoy na kaniyang naririnig.. bumuntong hininga si Divina bago pikit matang hinawi ang kahuli hulihang talahib na tumatabing mula sa nilalang na tumatangis..
Nanlaki ang mga mata ni Divina.. ni hindi niya magawang sumigaw ..!! tila may nakabara sa kanyang lalamunan..! ni hindi niya magawang tumakbo dahil para siyang napako mula sa kanyang kinatatayuan..!
mula sa pagkakayukyok sa damuhan ay unti unting nag angat ng ulo ang isang dalagang may kutis ng mapusyaw na berde at mga kuko na mahahaba at madudumi..! pulang pula ang mga mata nito at bahagya pang namamaga na tila ba ilang araw na siyang umiiyak..!!
Dahan dahang napaluhod si divina at unti unting tumangis habang nakikipagtagisan ng titig.. Hawak niya ang magkabilang dibdib na para bang maiibsan nito ang pagsikip ng kanyang paghinga..
dahan dahang gumapang palapit sa kaniya ang dalagang may mapusyaw na berdeng balat lalo pang napatangis si Divina ng tuluyang haplusin nito ang kanyang pisngi.. agad na bumagsak si Divina habang namimilipit sa sakit at patuloy parin ang pag tangis ..
" Di ka dapat nakipagsundo kay Hiisi.. Dahil maraming tulad ko ang magtatangka sa iyong buhay upang makuha lamang ang pagmamay ari sa kanya.. Salamat sa iyo dahil ngayon pagmamayari ko na ang kanyang kapangyarihan..." bulong nito kay divina..
Nanatili lamang sa may talon si Hiisi.. patuloy na pinagmamasdan ang lagaslas ng tubig habang si Divina ang laman ng kanyang isipan.. Hanggang ngayon ay naninikip parin ang kanyang dibdib sa tuwing naiisip ang ginawang pag layo ng dalaga sa kanya..
mapait niyang tinignan ang pulang marka sa kanyang mukha at katawan.. ang markang simbolo ng pagmamay ari sa kanya ni Divina.. mukhang nag katotoo nga ang kasunduan. pagmamay ari nga siyang talaga ni Divina.. pagmamay ari maging ang kanyang puso..
Mula sa kanyang likuran ay biglang lumitaw ang Dalagang mapusyaw ang berdeng balat.. tahimik lamang ito at panay ang pag tulo ng luha bagaman di na pait ang nababakas sa mukha.. bagkus ay kasiyahan..
Agad na humarap si Hiisi at naging alerto.. " Achlys.. ano ang ginagawa mo rito..? " malumanay na sabi ng binata ngunit batid sa kanyang mga mata ang pangamba..
" Akin ka na Hiisi.. ilang oras mula ngayon ay malalagutan na ng hininga ang dalagang nakipagkasunduan sa iyo.. " unti unti itong ngumiti at nagkanda pilas pilas ang pisngi nito..
Naging mailap ang mga mata ni Hiisi.. di siya makapapayag na mapahamak si Divina..! inundayan niya ng suntok ang katawan ni Achlys ngunit naglaho itong parang usok na tinangay ng malakas na ihip ng hangin..
Puno ng kaba ang kaniyang dibdib.. kailangan niyang mahanap si Divina..!!! mabibilis ang ginawang paghakbang.. iisa lamang ang laman ng kanyang isipan.. ang mahanap ang dalagang nilalaman ng kanyang puso.!!!
Mahihinang panaghoy ang nakapagpatigil sa ginagawang pagtakbo ni Hiisi.. di siya maaring mag kamali.. boses ito ni Divina..
dali dali niyang pinuntahan ang dalaga at natanawan itong nakadapa sa damuhan habang mahigpit ang mahigpit ang kapit sa mga damo.. " Divina.. Divina.." mahinang bigkas ng binata habang nakayuko sa tabi ng dalagang namimilipit sa sakit..
BINABASA MO ANG
The Cross-road Demon [On Going]
WerewolfSa panahon ng Pakikipagdigma laban sa mga mananakop ay nabuo ang pagmamahalang puno ng tamis at pighati.. bilang binata, napilitan si Rogelio na magpalista upang maging sundalong makikidigma.. naiwan ang nobyang si Divina kasama ang iba pang mahal s...