UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 3
I double checked my stuff just in case i forgot something to bring. Halos dala ko na ata lahat ng gamit ko.
:Ilang oras na lang aalis ka na..
Napatingin ako sa likod ko
: mag-iingat ka doon anak ha.. Mag aaral ka nang mabuti..
Me: opo mama. At tsaka sa mga susunod na taon makikita niyo na din ako maglaro ulit at nasa tv pa kaya wag kana malungkot ma.
Ngayon lang kasi kami magkakalayo ni mama ng sobrang tagal kaya nalulungkot siya. Ako? Hindi ako nalulungkot, hindi dahil sa hindi ko mahal ang nanay ko, kundi dahil masaya ako at na-eexcite sa simula ng pagtupad ko ng mga pangarap ko. At dahil alam ko na malapit na malapit na ang muli naming pagkikita ulit ni Eya..
Ilang sandali pa ay nakarating na ang susundo sa akin na sasakyan. Pinauna ko na ang mga gamit ko at sinabihan si manong na susunod na din ako kaagad. Pero bago ako umalis...
Me: Jerick!! Halika ka muna dito..
Jerick: Bakit Ate? Aalis ka na lang may pasenti ka pa e
Me: Anong pasenti? Ikaw dadramahan ko? Di bale na uy!
Jerick : Ano ba kasi yun Ate?
Me: Habang wala ako dito, tulong tulungan mo naman si mama. Mag asikaso ka dito at wag ka na magbigay ng dagdag konsumisyon ha.
Jerick : Kailan pa napalitan ng Jolina Dela Cruz ang pangalan ng nanay ko? Ha?
Aba!
*Pak! *
:ARAY KO! HUHUHUHU
Me: Mamilosopo ka pa Jerick Dela Cruz at hindi lang yan ang aabutin mo sa akin..
Jerick : Ate naman di na mabiro. Oo kami na bahala ni mama.. Galingan mo dun Ate ha.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa loob ng sasakyan. Matagal tagal pa naman ang biyahe kaya pinili kong matulog muna..
Makalipas ang ilang oras ay naramdaman kung tumigil ang sasakyan namin at pagtingin ko kay manong ay wala siya sa kanyang upuan..
Pagtingin ko sa aking kanan ay nakita ko ang isang maganda gusali na alam mong subok na ng panahon.. Alam ko ang lugar na to dahil napag aralan na din namin to sa social studies. Napangiti ako nang mapagtanto ko kung gaano ka-espesyal ang gusaling ito sa mga pilipino lalong lalo na sa akin.
"INTRAMUROS" - nasabi ko na mayroong ngiti sa aking mga labi..
Ibig sabihin ay malapit na malapit na ako sa University na papasukan ko..
:Ay mam sorry po. Nagpunta pa po kasi ako ng Comfort room.
Ngumiti lang ako bilang pagsabi na okay lang sa akin.
Pina-andar na ni manong ang sasakyan at itinuloy ko ang aking pagpapahinga..
:Maam, gising na po. Nandito na po tayo..
Nagising ako sa sinabing yun ni manong driver. Paglabas ko nang sasakyan, ay hindi ako magkamayaw sa kakatingin ng pangalan ng University na nasa aking harapan. Heto na to jolina. Sisimulan mo sa school na to lahat ng pangarap mo..
:Maam bumalik na po kayo sa sasakyan kabilin bilinan po kasi ni Coach na ideretso daw po kayo sa dorm.
Me: Manong! Ang ganda pala talaga dito nuh?
:Naku Maam opo kaya pumasok na po kayo sa sasakyan..
Hmp. Ang KJ naman nito ni manong.. Joke
Nang makarating na kami ni manong sa dorm ay tumambad kaagad sa amin ang pigura ni Coach na tila kanina pa kami hinihintay.. Naku po baka sabihin ni Coach napaka-paespesyal ko naman..
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE