Chapter 27

93 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 27

Eya's POV

Kasalanan ko to e. Dapat nagpasama na lang ako kay Ysa pumunta ng Comfort Room. Hindi sana nangyari lahat ng to.

Kanina pa ako paikot ikot dito sa labas ng Operating Room, kasama ko si Coach pati si Ysa.. Papunta na din daw si Coach Ramil.

Iniligtas ni Jolina ang buhay ko, kung wala siya doon ay malamang nakuha na ako ng dalawang yun. Pero bakit kailangan masaktan si Jolina? Hindi ko maintindihan ang sarili nang makita kong may saksak si Jolina. Hindi ko alam ang gagawin ko, natutuliro ako pero hindi ko alam kung anong una kong gagawin.

Ysa: Eya pwede ba tumigil ka muna sa kakaikot? Nakakadagdag ka lang sa kaba e!

Me: Pwede bang hindi ako kabahan? Yung kaibigan ko nag aagaw buhay sa loob Ysa! Nag aagaw buhay siya loob dahil sa akin! Ngayon sabihin mo sa akin na kumalma ako!

Nakakafrustrate na ang mga nangyayari.

Me: Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nila pahirapan si Jolina kanina, oo marunong lumaban si Jolina pero tao pa din siya! At kitang kita ng dalawang mata ko kung paano pumikit ang mata niya pagkatapos ng pagkakasaksak sa kanya. Nakita ko lahat yun Ysa! Ngayon may oras pa ba akong kumalma kung anytime pwedeng kunin sa akin yung taong importante sa akin?

Natahimik si Ysa dahil sa mga sinabi ko.

Naiiyak na din ako dahil naalala ko kung gaano ako kawalang kwenta kanina habang nakikipaglaban si Jolina.

Me : Yung taong dahilan kung bakit ako narito at nananatiling ligtas, nasa loob siya nakikipaglaban para sa sarili niyang buhay.

Niyakap na lang ako ni Ysa dahil hindi na din niya alam kung ano bang dapat niyang sabihin. Tulad ko ay nag aalala din siya sa kalagayan ni Jolina. Halos isang oras na din kasi nung pinasok siya sa operating room pero ngayon ay hindi pa din lumalabas ang mga Doctor.

Maya maya pa ay dumating na si Coach Ramil. Tinapik niya naman si Coach Kung Fu bago unti unting pumunta sa akin.

CRDJ: Eya, anong eksaktong nangyari?

Me: Coach *sobs*

CRDJ: Ikwento mo lang, makikinig ako sayo.

Me: Nasa loob ako ng Comfort Room kanina nang biglang may pumasok na dalawang lalaki, ang isa sa kanila may hawak na kutsilyo. Sinarado po nila ang pinto pero maya maya pa ay may kumatok, narinig ko po ang boses ni Jolina na tinatawag ang pangalan ko, dahil sa takot ko ay sumigaw ako ng tulong. Narinig ko pong sumigaw si Jolina at pinagsisipa ang pintuan, sa sobrang inis ng dalawang lalaki ay pinagbuksan nila si Jolina. Pagkatapos po nun, nakipaglaban si Jolina sa kanilang dalawa, prinotektahan niya po ako. Aalis na po sana kami nang biglang tumayo yung isang lalaki at sinaksak si Jolina sa tagiliran. Sumigaw na lang po ako nang sumigaw nun. Sorry Coach wala akong nagawa.

CRDJ: Kilala mo ba kung sino yung dalawang lalaki na yun?

Me: Hindi po pero kilala namin kung sinong nag utos sa kanila na kunin ako.

CRDJ: Sino?

Me: Si Anthony po, Coach. Ex boyfriend ko.

CRDJ : Is that the same Anthony na pinagtangkaan din ang buhay ni Marionne at nanggulo sa amin sa Bacolod?

Me: Ye-yes Coach. It's the same Anthony.

CRDJ: With all due respect Eya but I can't take this anymore. Ibang usapan nato na pati buhay ni Jolina ay nadadamay na. I will file a case against that Anthony.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon