UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 11
Jolina's POV
Napakaganda ng araw to!
Hindi ko alintana ang pagod sa training kasi naiinspire akong galingan pa para pagsabak ko sa UAAP ay mas magaling pa ako..
Natapos ang training pero hindi ko pa din ramdam ang pagod kaya nagsarili akong laro ng bola.
Receive ko, Set ko at palo ko. Ewan ko ba gustong gusto ko maglaro ngayon..
Nang kukunin ko na ang bola na ginamit ko nakita ko sila Ate Des na nakatingin sa akin.
Des: Hindi ka pa pagod? Eh halos ikaw na ang kumuha ng mga bola kanina ahh?
Natawa naman ako sa sinabi ni Ate Des
Me: Hindi pa po kasi ako pagod Ate Des. Babalik na po ba kayo ng dorm??
Des: Ahh oo. Magpapaiwan din daw muna sina Erika at Mars. Sabay sabay na kayong umuwi sa dorm ha??
Me: Sige te..
Pagkakuha ko ng bola ay ginawa ko ulit ang solo play ko. Si Erika at Mars nandun lang sa bench at nanonood sa akin.
Nang magsawa na ako sa kakalaro ay lumapit na din naman ako sa kanila..
Me: Balik na tayo ng dorm?
Tumingin naman silang dalawa sa akin.
Mars: Oh akala ko wala ka nang balak bumalik sa dorm e.
Erika : Ang dami mong energy ngayon, parehas naman tayo ng almusal pero bakit parang di ka napapagod.
Napansin din pala..
Me: Simula kasi nang nakita ko kung gaano kalakas si Eya pumalo na-trigger ako na mag-improve pa.
Totoo na gusto kong lumakas para matupad namin ni Eya ang pangarap namin nang kapwa malakas.
Erika : Baks malakas ka na, at alam kong alam na din yun ni Eya.. Hindi mo na kailangang i-push ang sarili mo na maging pinakamalakas, kasi ang labas niyan ayaw mong nalalamangan ka. Gusto mo ikaw na ang pinakamalakas.
Teka... Saan naman galing yung mga yun?
Me: Erika, hindi yun ang gusto kong gawin. Ayokong maging consistent at maging constant na ganitong klaseng play lang ang kaya ko. I want to improve my skills for the sake of variations. At ayokong natatalo ako sa larong to.
Nagkatinginan silang dalawa at tila nag uusap sila ng mata sa mata.
Mars: Naririnig mo ba ang sarili mo Jols? Sa larong to, kung talo ka, talo ka. Kung panalo ka, panalo ka. Alam mo naman siguro kung paano tumanggap ng pagkatalo nuh?
Hindi nila ako naiintidihan..
Me: Kapag natalo kasi ako feeling ko ang hina ko. Oo tumatanggap ako ng pagkatalo pero hindi mo maaalis sa akin na pagdudahan ang kakayahan ko, at yun ang mga oras na naiisip kong napakahina ko.
Natahimik naman sila habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
Erika: Hindi naman sa pagkatalo nakikita kung gaano kalakas ang isang tao, nasa pagbangon niya yun Jolina.
Napaisip ako sa sinabi na yun ni Erika. Pero ganito kasi ang pananaw ko sa buhay.. Soon maiintindihan din nila ako.
Bumalik kami ng dorm at napaka obvious ng pananahimik naming tatlo. Hindi naman kami nag aaway sadyang hindi lang nila naiintidihan ang side ko.
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE