UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 63
Jol's POV
Maaga akong gumising ngayon para makapagprepare nang breakfast namin.. Simula na kasi nang training after all that happen. As usual ako pa lang ang unang bumangon kaya mag isa ako dito sa kusina.. Pagkatapos magprepare nang pagkain ay isa isa na din silang bumaba para kumain..
Pagkatapos kain ay dumiretso na kami nang Razon para makapagtraining. Malaking adjustment sa part ko dahil ilang linggo din akong hindi nakalaro but I guess I am good.
After training ay dumiretso na sa shower room ang iba at ang iba naman ay naiwan dito..
Tin: Walang pinagbago ahhh. Lakas pa din.
Me : Si Ate talaga..
Tin: Walang halong biro ang lakas mo pa din.. By the way nasabi mo na ba kila Eya ang balita?
Me: Opo Ate.. Sinabihan ko na din silang mag ingat dahil hindi natin alam ang mga susunod na pwedeng mangyari..
Tin : Tama nga naman.. May klase ka after nito?
Me: Uhh wala po Ate pero nag aaya po sila Marionne na gumala e.. Bakit po sana?
Tin: Ahh wala naman.. Gagala talaga kayo kahit alam niyong nakatakas si Anthony?
Me: Ate. I hate living in fear. Gusto kong makabawi kay Marionne kasi alam kong ilang araw din siyang nag alaga sa akin. Hindi kami basta basta malalapitan ni Anthony lalo na't pinaghahanap siya ng batas.
Tin : Pero Jols..
Me: Ate.. Kasama nila ako, you don't have to worry..
Tin: Fine..
Pagkatapos maligo nang mga nauna ay sumunod na kaming naligo. Nang makatapos ay umuwi na kami sa dorm at kumain ng tanghalian.. Bago maligo ay tinawagan ko muna si Eya, baka kasi available siya at pwedeng sumama sa amin..
- Calling -
Eya LaureEya: Hi Jols.. Napatawag ka?
Me: May klase ba kayo this afternoon?
Eya: Actually kakatext lang ng ka-block ko free cut daw kami.. Bakit sana?
Me: Uhh nagyaya kasi si Marionne na maglakad lakad sana, alam mo na hangouts. Gusto mo bang sumama?
Eya: Talaga?? Sure! That would be great!! Pwede ko bang isama si Ysa?
Me: Of course you can. So MOA at 2 pm?
Eya: Sure!! See you Jols!!
Me : Alright. See you..
Pagbaba ko nang tawag ay napansin ko na si Marionne na nasa pintuan..
Me: Ohh Mars, kanina ka pa dyan?
Mars: Kadadating lang. Bakit?
Me: Uhh wala naman. Sinong pang makakasama natin mamaya?
Mars: May klase yung iba eh baka tayong apat lang nila Erika at Ate Des..
Me: Uhh Mars, I invited Eya and Ysa to come with us. Okay lang ba?
Ngumiti naman siya sa akin at nagpakawala nang malakas na tawa..
Me: Bakit?
Mars: WALA hahahaha. Oo naman you invited na nga di ba?
Me: What I'm asking is it okay kung kasama natin sila?
Mars: Jolina.. Oo naman. Hindi na iba sa akin si Ysa at Eya. I don't want you to be in an awkward position or state whenever kasama natin sila, okay?? Hindi ka namin ipagkakait sa mga taong importante din sayo.

BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE