UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 12
Matapos akong lapatan ng first aid ay pinili kong pumunta na lang sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na to.
Patulog na sana ako nang marinig kong may nagbukas ng pinto..
Nakita ko si Mars na nakatitig lang sa akin.. Bakas sa mukha niya ang pag aalala..
Mars:Ano ba talagang nangyari sayo?
I guess I owe her an explanation after all.
Me: Nakipagkita ako kay Eya sa MOA, gusto ko kasing mag-isip isip muna. I ask for her opinion doon sa misunderstanding natin kaninang umaga, as a sign of comfort we share hugs. Then suddenly, may humawak ng balikat ko at pagharap ko sinapak agad ako nung lalaki. Naguguluhan ako nung una, pero nagets ko din eventually nung inamin nang lalaki na girlfriend niya si Eya.
Tahimik lang si Mars habang nagkukwento ako.
Mars: About kanina, kung may nasabi man kami ni Erika na nakapanakit sayo, pasensya. Gusto ka lang naman naming ituwid sa mga bagay na iniisip mong tama.
Ngumiti ako sa sinabi niya at hinawakan ang kamay.
Me: Pasensya na din kayo ha. Naging sarado ang isip ko kanina e. Buong buhay ko kasi wala pang kumontra sa mga gusto ko, hindi naman ako spoiled pero when it comes to my principles and my attitude I am firm, di ko basta basta binabali yung mga paniniwala ko.
She sincerely smiles at me and we shared a tight hugs to each other.
: Mga chakaret na to! Pasama naman!
Natawa na lang kami ni Mars nang marinig namin ang dakilang inggitera.
Me: Halika na dito. Pabebe ka pa e.
We shared a tight hugs.
What goodness I have done in my life to deserve this kind of friendship? I'm beyond blessed.
*****************************************************************
Eya's POV
Nasa kotse ako ngayon ni Anthony at kanina pa kami hindi nag-iimikan. Nakakahiya! Anong mukha na ang ihaharap ko kay Jolina? Sa mga teammates niya? Kay Coach Ramil? Obvious bang nafufrustrate ako??
Anthony : Ayoko nang lalapit ka pa sa tibo na yun Ejiya ha!
Whaaat??? This is so unbelievable!!
Me: Anthony? Naririnig mo ba ang sarili mo? For pete's sake that's Jolina! Yung kaibigan ko na kinukwento ko sayo! Yung kababata ko! At gusto mo wag ko na siyang lapitan?
Anthony will always acts like this. Kapag nagseselos siya, his anger takes over every time. But this is the first time na nagselos siya sa isang babae.
Anthony : Oh yeah that's Jolina! Your friend! You're right! Pero sino na nga ulit ako Eya? For pete's sake I am your boyfriend Eya! Kaibigan mo lang siya!
Seryoso ba talaga si Anthony?
Me: Are you serious? Nagseselos ka talaga kay Jolina? Babae yun Anthony! Babae!
Anthony : No Eya! Hindi siya babae! Hindi siya straight na babae!
Me: How can you say so? Dahil sa gupit? Dahil sa pananamit? She's a volleyball player from La Salle! That's is their tradition!
Umiling iling na lang si Anthony habang nagmamaneho pabalik sa UST.
Mali pa ata ang pagsama ko kay Anthony. Namomoblema na nga si Jolina, dinagdagan ko pa.
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE