Chapter 36

72 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 36

Jol's POV

Matapos ang naging pag amin ko ay dumiretso na ako sa kwarto. Kahit papaano ay nabawasan ang mga alalahanin sa utak ko. Kahit papaano may mga tao nang nakakaalam ng kung sino ako. Pero hindi pa din maalis ang mga alalahanin lalo na at alam kong hindi habang buhay akong makapagtatago ng lihim ko sa ibang tao mahahalaga sa akin.

:Baks?

Me: Mars.. Bakit?

Mars: Gusto ko lang malaman mo na proud na proud kami ni Erika sayo..

Me: Salamat ahh. Sa mga panahon ngayon napakalaking bagay para sa akin ang pagtanggap niyo..

Erika : Pero baks kailan mo balak umamin sa mama at kapatid mo? Hindi naman pwedeng ilihim mo sa kanila yan dahil mabubuking at mabubuking ka nila.

Me: Gusto ko pang kumuha ng lakas ng loob Erika.. Sila, wala silang clue, hindi nila alam ang mga nangyayari sa akin ngayon and I don't think that they can understand me if I tell them right now. At hindi ko din alam kung kaya nilang tanggapin na ganito ako.

Mars : Naiintidihan ko pero sana wag mo nang patagalin dahil mas magandang sayo na nila nalaman at narinig kaysa sa ibang tao pa.

Tumango na lang ako sa sinabi ni Marionne.. Alam ko naman na hindi ko na dapat patagalin pa.. Siguro pag uwi ko ng Bulacan after season, I wish I'm really ready when that time has come.

*toot**toot*

Tinignan ko ang cellphone ko dahil narinig kong meron nagmessage sa akin..

From: Eya Laure

Jols! Magaling na ang paa ko at sabi ng therapist namin ay pwedeng pwede na akong mag training bukas

To: Eya Laure

Mabuti naman. Ipahinga mo na yan para maaga kang magising bukas.

*toot**toot*

From: Eya Laure

Aga naman ng patulog mo! Busy ka ba? Pwede kang tawagan?

To: Eya Laure

Uhh. Actually Eya may paperworks ako na gagawin e. Pasensya na..

*toot**toot*

From : Eya Laure

Ganun ba? Sige gawin mo na yan.. Goodnight Jols!

To : Eya Laure

Goodnight din Eya.

' Sorry Eya hindi ko pa kayang umamin sayo'

Erika: Sinong ka text mo? Si Eya?

Tumango ako sa kanya at lumitaw na naman ang mapanuksong tinginan nilang dalawa..

Mars: Baks total umamin kana sa amin tungkol sa sarili mo baka naman may gusto ko pang aminin sa amin ni Erika.

Me: Actually meron.

Tignan natin magiging reaksyon niyo..

Mars & Erika: ANO?!

INTERESADO?

Lumapit sila sa akin at naghihintay ng ibubulong ko..

Me: HINDI KO KAYO TYPE..

Mars & Erika: PISTIIIII!!!!

Me: Hahahahahaha. Kung magtitigan kasi kayo par kayong mga tsismosang uhaw na uhaw sa issue!

Mars: Seryoso na bakla. Alam mo naman gusto namin iparating di ba?

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon