UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 14
'Fast forward 4 months later'
Jol's POV
Napakabilis ng oras, parang nitong nakaraang buwan lang ay training kami ng training pero ngayong araw ay magsisimula na ang UniGames.
Ang kauna - unahang laro ko bilang lady spikers. Naalala ko tuloy yung mga panahon na pinapanood ko pa ang mga games ng lady spikers through television, parang kailan lang yun. Ngayon...
Tinignan ko ang kauna-unahang jersey ko bilang Lady Spikers.
'Ngayon bitbit ko na ang pangalan ng dream school ko sa harapan ng Jersey ko'
Bonus na lang siguro na nauna akong makapili ng Jersey 8. It has been my jersey number ever since I started playing volleyball, and know that I am facing new horizon I still want the old me to take over. The fearless and confident Jolina that everyone knows.
Nandito kami ngayon sa Bacolod, dito kasi gaganapin yung UniGames ngayong taon. Hindi lang mga colleges ang makakalaban namin ngayon, kasama na din dito yung ibang Universities na makakalaban namin sa upcoming UAAP Season.
Grabeng paghahanda ang ginawa ng mga Coaches and staff namin para dito.
For 3 months, confiscated ang mga cellphone namin every 9 pm at makukuha lang namin ito pagkatapos ng training sa umaga.
Mas naging mahirap pa nung magsimula na ang klase namin last July. Kailangan naming pagsabayin ang pag aaral, twice a day training at mga projects na kailangan naming mapasa. Noong una akala ko madali lang kasi nakaya ko naman nung high school at senior high school ako, akala ko lang pala yun.
Ngayon ko lang naranasan na kahit sobrang pagod na ang katawan ko ay kailangan kong pumasok sa klase ko. Habang nasa klase naman ay kailangan kong makasunod sa lecture at bawal mag space out, then after klase didiretso agad ng Razon para second training namin. Pag uwi nang dorm kung may mga kailangan mang gawin na mga paperworks ay ginagawa ko na para hindi ako magahol pagdating ng deadline. Araw araw ganyang ang eksena ng buhay ko. Nakakapagod hindi lang mentally but also physically.
Habang naaalala ko ang mga nangyari sa mga nakalipas na buwan at kung nasaan man ako ngayon, isa lang ang sigurado ako, wala ni isa sa mga desisyon na ginawa ko at mga ginawa ko ang pinagsisisihan ko. Dahil lahat ng yun, dinala ako kung nasaan man ako ngayon.
:Guys tara na.. 2nd game daw tayo.. Magbihis na kayo para makapag warm up na tayo.
Nagbihis na ako at ganun din ang mga kasama ko. Habang hinihintay ko ang mga kasama ko na matapos magbihis ng mga Jersey nila ay hindi ko maiwasang tignan ang likod ng Jersey ko sa salamin.
' DELA CRUZ
8'Kaya mo to Jolina.. Ito na to.
Sabay sabay na kaming umalis ng mga ka teammates ko at dumiretso sa gym na paggaganapan ng UniGames.
Pagpasok namin sa gym ay rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao..
"Go Ate Tin!!"
"Kaya mo yan Ate Des!"
"GO LADY SPIKERS!!"
Napakaraming tao at lahat sila kilala ang iba sa mga ka teammates ko. Sino namang volleyball fans ang hindi di ba?
Mars: Jols kinakabahan na ako.. Ang daming tao..
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan. Alam ko naman ang popularity na meron ang volleyball dito sa Pilipinas pero ganito pala ang pakiramdam na ikaw yung panonoorin ng maraming tao.

BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
Hayran KurguTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE