Chapter 37

82 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 37

Jol's POV

Nagtetraining kami ngayon at may tune up kami kasama yung Green Spikers.

It supposed to be before the start of the season pero naging busy ang bawat team dahil sa Unigames at madaming tune up game na ginawa kaya ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon para makapaglaban.

CRDJ: I want you all to be focused sa game na to. Yung taas ng net ay panlalaki for you to improve your leaping ability, magiging mahirap sa part niyo but it is part of the training.. Sige na magwarm up na kayo..

Mabilis kaming nag warm up at nagtry na pumalo.. Tama si Coach, ang taas nga ng net nila.. Kailangan naming mag adjust di lang sa spikes kundi sa lahat ng aspects of the game. Kailangaan ng mas matibay na depensa at mas executed na plays kasi fast play lagi ang mga lalaki at gumagamit talaga sila ng lakas.

Erika: Baks. Sa tingin mo kaya natin sila?

Me: Kinakabahan ka?

Erika: Oo baks.. Lalakas ng mga yan e.

Me: Malakas din naman ako ah.

Erika: Mahiya ka naman kahit konti.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.. Habang nasa gilid ay napapansin at nararamdaman ko ang mga pares ng mata na nakatingin sa akin..

Oo tama kayo ng basa 'MGA PARES NG MATA' dahil hindi lang naman isa ang nakatingin sakin.

Mars : Kanina ka pa tinitignan ni Kieffer, Wayne at RapRap bakla.

Paano niya nakilala itong mga to?

Me: Kilala mo mga yan?

Mars: Duh?! Yang si Kieffer at si Wayne mga ka-block ko yan, yung si RapRap naman kaklase namin sa ilang subjects.

Ahhh kaya pala..

Tinawag ni Marionne yung tatlong lalaki at lumapit naman sila kaagad.

Kieffer : Marionne! Ano ipapasok ka ba?! Galingan niyo ahh.

Mars: Siguro. Hintayin mo lang, durugin kita na parang paminta.

Kieffer :Yabang hahahahaha.

Mars: Oo nga pala yung ka-teammates ko si Jolina.. Jols si Kieffer, Wayne at RapRap.

Nilahad naman nila ang kamay nila sa akin, isa isa ko naman iyong tinanggap.

Pero iba ang pakiramdam ko eh.. Parang may iba akong kutob sa tatlong to. Never mind baka napapraning lang ako.

Wayne : Sino namang hindi nakakakilala jan? Try harder Mars hahahahaha.

Mars: Tse! Nakalimutan kong sikat ka na pala.

Me : Tigilan mo ako.

Mars: Kayong tatlo, galingan niyo kasi matapang tong baklang to!

Sabay tapik sa braso ko.. Langya! Ang bigat ng kamay.

Malapit nang magstart ang laban pero nananahimik pa rin ang isang kasama nila. Kanina pa rin siyang walang imik na nakatingin sa akin.

' Ang weird naman nito'

Bumulong ako kay Mars para magtanong.

Me: Ang weird nung RapRap Mars..

Mars: Gaga. Ganyan talaga yan minsan. Alam mo na, may sapak din minsan ang mga lalaki at yang si RapRap madalas may sapak yan..

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon