Chapter 56

91 2 2
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 56

Marionne's POV

Hindi ko maintindihan kung paano nangyaring nagising si Jolina? Don't get me wrong gusto ko naman na siyang gumising but we are expecting na mga next week pa dahil yun ang palugit ng doctor. Pero kinausap lang siya saglit ni Eya ay gumising na siya. Kahit nahihiwagaan ay hindi ko na lang pinansin.

Me: Ahh Eya di ba aalis ka na? Malapit nang maggabi ohh..

Eya: Uhh oo.. Alis na ako Jols..

Jols: Balik ka ha..

Eya: Oo..

Hinatid ko palabas si Eya para na rin makausap.

Me: Hindi muna kailangan pang bumalik Eya..

Eya: Pero Mars..

Me: Eya kung may konting malasakit ka pa kay Jolina please wag na.

Eya: Naiintidihan ko.. Mauuna na ako.

Nakita ko ang unti unting pag alis ni Eya at bumalik na ako sa kwarto ni Jolina..

Me: Kamusta pakiramdam mo?

Jols: Ok lang naman. Uhh Mars??

Me: Mmmm.

Jols: Pwede ka bang magkwento sa akin?

Me:Na-Nang alin?

Ngumiti naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Jols: I know everything about myself Mars. Lahat, kahit yung sakit ko alam ko yan. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari pagkatapos nang pag alis natin sa UST.

Nakita ko na naman ang pangingilid ng mga luha niya..

Me: Jols.. Kailangan mo munang magpahinga. Tsaka na ako magkukwento..

Ngumiti naman siya sa akin.

Jols : Ayos lang ako.. Magkuwento ka na.

Bumuntong hininga ako bago nagsimulang ikwento sa kanya ang lahat. Wala akong binawasan at mas lalong walang dinagdagan. Sinabi ko din ang mga nangyari sa kanya at kung anong kalagayan niya sa mga oras na may sakit siya. Nakwento ko ang sa UAAP, sa mga teammates namin at ang nangyari sa kanila ni Ate Tin nung mga nakalipas na araw. Pati ang pagsasalita sa kanya ni Eya sa Arena ay nakwento ko na din.

Jols: Ang dami pa lang nangyari nuh? Buti na lang nakulong na ang Anthony na yun.

Me: Jols. Hindi ka ba nagagalit sa ginawa ni Eya at mga sinabi niya sayo?

Jols : Hindi ko kayang magalit nang sobra sa mga taong mahal ko Mars.. Oo nasaktan ako sa mga sinabi niya pero alam ko naman na hindi niya simasadya yun Marionne.

This is unbelievable!!!!

Me: Jolina! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Sinabihan ka niya ng mga salitang hindi mo deserve at sobrang sakit tapos sasabihin mo na hindi niya sinasadya yun?

Jols: Dahil yun ang totoo Marionne.

Me: No Jols! Alam mo kung ano ang totoo? Hindi na siya ang Eya na nakilala mo 10 years ago! She has changed Jolina. Hindi na siya yun!

Jols : When I say that I know everything about Eya. I mean it Marionne. Alam ko kung bakit siya nagkaganun, sadyang hindi lang kinaya i-absorb nang utak ko ang mga sinabi niya nung oras na yun kaya bumigay ang katawan ko at bumalik ang sakit ko.

Me: Hindi kita naiintidihan Jolina.. Ano bang pinagsasabi mo?!

Jols : Marionne.. She is sick! May sakit si Eya!!

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon