UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 54
Ysa's POV
Isang malaking katahimikan ang namayani sa loob nang kwarto bago magsimula si Marionne na magkwento. Nakatingin lang siya kay Jolina na kanina pa natutulog.
Mars: 10 years ago, nang iwan siya ni Eya noong bata pa sila, hindi yun nakayanan ni Jolina. Kahit kami ay hindi makapaniwala pero mismong Nanay niya na ang nagkwento sa amin..
Tumingin si Marionne sa mga mata at tinuloy ang kwento niyo.
Mars: 10 years ago nagkaroon siya ng sakit dahil sa pag alis nila Eya. She has diagnosed with Post Traumatic Stress Disorder or PTSD.
Nagulat ako and unconsciously stared at the woman lying on the bed. She has PTSD?
Mars: Yung pag alis ni Eya is been a trauma to her. Ilang araw daw matapos umalis nila Eya ay naging tahimik si Jolina at punta nang punta sa dating tinitirahan nila Eya. Hindi kumikibo, hindi kumakain at walang pakialam. Nang dalhin ni Tita si Jolina sa doctor, doon lang nila nalaman ang tunay niyang condition.
Me: Hindi ako makapaniwala, napakabata niya pa para magkaroon nang ganung kondisyon.
Mars: They do the proper medication and Jolina had recovered. But her PTSD is still with her, aatakehin lang siya kapag nangyari ulit o napaalala sa kanya yung trauma na naranasan niya nung unang beses na magkaroon siya noon.
Ysa: What are you trying to say Marionne?
Me: After we go to UST. Remember that day? Few minutes after Eya and Jolina talk to each other, bumalik ang sakit niya. Eya triggered her PTSD back.
Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ang sinabi ni Marionne.
Mars: Siguro na-trigger yun nang sinabi ni Eya na sana hindi na sana sila nagkita ulit. Pagkalabas pa lang kasi namin nang UST campus, umiyak iyak na siya at sumisigaw. Hindi ko alam ang gagawin ko nun kaya mas minabuti ko na lang na umuwi kami. Pagdating naman namin sa dorm, sinusuntok suntok niya na ang tuhod niya at nagwawala.. Inawat namin siya pero nagpupumiglas siya then after sometime bigla na lang siyang nawalan ng malay. Akala namin nung una ay okay lang yun pero paggising niya, wala na siyang reaksyon at hindi na nagsasalita.
Nakikita ko ang unti unting pangingilid ng luha ni Marionne habang nakatingin kay Jolina.
Mars: Unang beses ko lang makita siyang ganun. Nanibago kami at akala namin ay normal lang kasi baka wala lang siya mood makipag usap pero kasi iba yung mga mata niya. Makikita mo yung lungkot na hindi masabi ng bibig niya.
Naiyak na din ako kasi kahit papaano ay navivisualize ko ang mga pinagdaan nila.
Mars: Ilang araw siyang tulala at hindi kumakain pero nang dumating si Tita ay naliwanagan din kami sa kondisyon niya at mas lalo kaming naawa. Hindi niya kasi deserve yung ganito e.
Me: Kaya pala. Kaya pala ganun na lang ang reaksyon niya nang kausapin siya ni Eya sa Arena.
Mars: She is out of her system, the moment she recovered wala siyang maaalala sa mga ginawa niya at mga nangyari habang may sakit siya.
Habang nakatingin din ako kay Jolina ay hindi ko maiwasang magtaka.
Me: Bakit siya nandito ngayon? Medyo naman siyang sa dorm niyo na lang mag recover di ba?
Nahiwagaan na ako nang ngumiti si Marionne at parang may gustong sabihin.
Mars : Yang baklang yan, kahit may sakit ipapakita at ipapakita niya sayo yung mga bagay na papahangain ka.
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanficTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE