Chapter 31

91 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 31

Jol's POV

Kinaumagahan ay maaga akong bumangon, as usual naunahan ko na naman sila bumangon.

Nagprepare na ako ng makakain at nag asikaso na din para maligo..

Paglabas ko ng banyo ay gising na si Ate Des

Des: Aga mo nagising.. Dapat nagpapahinga ka pa.

Me: Kaya ko na te..

Kumunot naman ang noo niya..

Des : Sigurado ka?

Me: Opo Ate.. Pakigising na lang po ang iba para makakain na tayo.

Des: Sige..

Pagkababa ko ay inasikaso ko na ang mga gagamitin namin para kumain.

Erika: Hoy Baklang Imortal! Anong nalaman ko na magte-training ka na daw?

Me: Masama ba? ARAY

Hinampas ba naman ako.

Erika: Tigilan mo ako sa kabalbalan mo! Ano ka sa tingin mo? Superhero? Kapag nasugatan okay lang tapos back to normal?

Me: Alam mo? OA ka! Nakausap ko na si Coach kaya manahimik ka na dyan at kakain na tayo!

Mars: Sinong nagluto? Ikaw Ate Des?

Des : Yung baklang imortal..

Nailing na lang ako. Ang aga aga ako pa ginawang almusal..

Erika : Kapag dumugo yan mamaya sasaksakin ko ang kabila para matigil ka.

Me:Hoy baklang brutal! Eh kung ikaw ang saksakin ko sa ngala ngala para manahimik ka?!

Des : Manahimik na kayo at kakain pa tayo.

Natapos din ang bangayan namin ni Erika at nakumbinsi ko na din sila na kaya ko na.

Pagpasok namin sa Razon ay nakita namin kaagad si Coach Ramil na nakatayo malapit sa bleachers.

CRDJ : Proceed ang lahat sa warm up, Jolina kakausapin muna kita. Go!

Nagwarm up na ang mga kasama ko at naiwan naman ako sa tabi ni Coach Ramil.

CRDJ : Yung sugat mo?

Me : Ayos na po Coach..

CRDJ: Ayos ayos.. Tignan lang natin mamaya. Sige na magwarm up ka na..

I'll proceed to my warm up.. After warm up ay grinupo na ulit kami at nagsimula sa practice game namin..

Habang naglalaro ay hindi ko maiwasan na hindi tignan ang damit ko, baka kasi mamaya ay may dugo na pala..

Natapos ang training namin at nanalo naman kami..

CRDJ: Patingin ng sugat mo Jolina..

Me: Coach?

CRDJ : Yung sugat mo..

Inangat ko naman ang damit ko at nakita kong may konting dugo sa may bandage.

CRDJ: Nagdugo.. Masakit ba?

Me : Hindi po.

CRDJ: Jolina..

Me: Pls Coach.. Alam ko naman po kapag hindi ko na kaya.

Erika : Payagan niyo na Coach, imortal yan.

CRDJ: Santos!

Erika: Charot lang syempre..

Me: Coach?

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon