Chapter 41

85 3 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 41

Eya's POV

Matapos ang pag uusap namin ni Jolina ay naging okay naman na ako.. Akala ko kasi kung ano na ang nililihim nila sa akin e. Pero teka

'Ang bilis naman nilang maging close? Kakakilala pa lang nila birthday ko na agad ang pinag uusapan nila?'

Naku Ejiya!!! Tumahimik ka nga! Kailangan mong magtiwala ng husto kay Jolina. Napapansin ko this past few days ay lagi kong pinagdududahan si Jolina.

Ysa: Ok ka na?! Kainis na to akala ko pa naman tinawagan ako ni Jolina kasi gusto niya akong makausap.

Me: Sensya sis hahahahaah. Pinakaba ko ata yung isang yun.

Ysa: Bakit ba kasi hindi mo sinasagot yung mga text at tawag niya? Parang kang girlfriend na nagpapasuyo te..

Me: Ewan sayo..

Ysa: Pero maiba ako Eya.. Napapansin ko kasi kanina na sobrang panlalaki yung style nang pananamit at buhok ni Jolina..

Me: Ganun naman siya dati di ba? Kaya nga nainlove ka e.

Ysa: Oo sa pananamit, pero sa buhok? Eya, hindi siya ganun mag ayos ng buhok..

Me: So ang gusto mong sabihin ay?

Ysa: Feeling ko, tibo yang si Jolina..

Me: Nagpapatawa ka ba? She assured me that she's straight. Yan ang naging diskusyunan namin ni Anthony kaya kami naghiwalay. He says that Jolina is a lesbian and she likes me, and I defend Jolina in front of Anthony. Kaya hindi ako naniniwala kapag may nagsasabi na ganun si Jolina.

Ysa: Pero paano kung totoo ang mga sinasabi ko? Alam kong hindi ka bulag Eya pero siguro naman kilala mo sila Kim Fajardo at Ara Galang di ba? They're lesbian and if you will add Jolina Dela Cruz to the frame, you can see na halos wala silang pinagkaiba.

Naiinis na ako kay Ysa..

Me: Would you please stop it? I know you like Jolina pero hindi siya ganun. I have her words at hinding hindi niya sisirain ang mga salita niya sa akin.

Naniniwala ako na may isang salita si Jolina at hinding hindi niya babaliin yun.

Me: Hindi magagawa ni Jolina na ilihim sa akin kung anuman siya.

Naniniwala ako na hindi magagawa ni Jolina na sirain ang tiwalang ibinigay ko sa kanya.

Pero paano kung totoo ang sinasabi ni Ysa? Yes, medyo nagdududa na ako sa pananamit ni Jolina and she's never give interest when it comes to guys but hindi lang naman yun ang pwedeng basis hindi ba?

Sana nga mali si Ysa, Jols kasi kung totoo. Hindi ko alam kung paano ko may matatanggap na  naglilihim ka sa akin tungkol sa importanteng bagay tungkol sa sarili mo. Sana nga mali siya..

********************

Jol's POV

Nakalipas ang ilang mga araw at ngayon na ang laban namin against the University of the Philippines. Napag aralan naman na namin ang mga plays nila sa past few games kaya kahit paano ay alam namin ang mga efficient players nila at ang mga plays nila.

CRDJ: Napag aralan na namin ang mga plays nila pero I want you to stay focus and basahin ang mga plays nila..

All:Yes Coach..

Paglabas namin ng dug out ay nagulat kami sa dami nang tao.. Well hindi naman sa ineexpect namin na kakaunti lang pero namangha ako sa dami ng crowd ng UP fighting maroons.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon