UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 13
Jol's POV
Pagkagising ko sa umaga ay ramdam ko pa din ang sakit sa mukha ko.
I prepare my things but before we went to Razon I checked on my mobile phone. May text pala si Eya..
From: Eya Laure
Good morning Jolina.. Pasensya na sa ginawa ni Anthony kahapon ah. May pinoproblema ka na nga, mukhang nakadagdag pa ako. Pinagsabihan ko na din si Anthony, talaga dinali lang siguro ng immaturity niya. Sorry talaga Jolina ha. Bawi ako sayo next time. :)
Nangiti na lang ako sa text ni Eya. Kahit di niya kasalanan siya pa din ang humihingi ng tawad.
Rereplyan ko na sana si Eya nang tawagin na ako ng mga Ate kasi ako na lang pala ang hinihintay.
Pagdating ko ng Razon akala ko ay didiretso na agad ako ng mag warm up para sa training namin pero pinatawag ako ni Coach.
Buti na lang nilagyan ko na ng cream yung pasa ko. Oo may pasa ako.
Me: Coach bakit po?
CRDJ : Anong nangyari kahapon?
Me: Po?
CRDJ : Sa tingin mo talaga hindi makakarating sa akin na umuwi ka kahapon na may dugo sa damit mo? Anong nangyari? Napa-away ka ba?
Kinakabahan ako. Ito kasi ang first time na may magsesermon sa akin na hindi ko magulang.
Me: Uhh Coach hindi po ako napa-away. Kasama ko po si Eya kahapon sa MOA. Medyo nagselos po ang boyfriend niya kasi nakita niya kaming magkayakap, sinapak po ako pero hindi na din naman po naulit.
Tinignan ako ni Coach mula ulo hanggang paa.
CRDJ : Okay ka na ba? Kaya mo na?
Me: Opo Coach kaya ko po..
Tumingin na siya sa Court pero hindi niya pa din ako pinapayagan na bumalik sa mga teammates ko.
CRDJ : Kung anuman ang mangyari sa inyo, pananagutan namin yun dahil ipinagkatiwala kayo ng mga magulang niyo sa amin
Nakonsensya naman ako dahil hindi ko nga naisip yun.
CRDJ : Sana wag nang maulit to Jolina. At kung sa susunod na may mangyari ulit na ganito ay umiwas ka na.
Me: Pero Coach paano kung dumating ang oras na hindi na sapat ang umiwas na lang?
Ngumiti na lang si Coach at tinignan ako sa mga mata.
CRDJ: Hindi ko kayo pinag-tetraining para maging duwag. Kung darating ang oras na kailangan mo nang lumaban, lumaban ka.
Me: *ngumiti din* YES COACH.
CRDJ: Bumalik ka na sa court, simula na ang training.
So ganito pala ang feeling? Yung feeling na may nag aalala at nagpaparamdam sayo na mahalaga ka kahit na hindi ka niya anak. Ito pala feeling na may tatay ka.
Tumingin ako pabalik kay Coach Ramil na nakatingin na sa ibang kasamahan ko.
' Dati lumalaban ako para patunayan at ipakita sa iba na magaling at malakas ako, ngayon maglalaro na ako hindi lang basta para manalo. Maglalaro ako para patunayan kay Coach Ramil na hindi siya nagkamali sa pagkuha sa akin at para patunayan sa lahat na kung gaano gusto manalo para sa kanya'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Natapos ang training namin at dumiretso na ulit kami sa dorm namin pero hindi pa man kami nakakalapit sa pinto ay may isang tao akong napansin na mukhang kanina pa naghihintay.
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanficTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE