Chapter 30

97 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 30

Jol's POV

Ngayong araw na ako lalabas ng ospital, maya maya ay dito na si Coach Ramil para sunduin ako. Malapit na akong umalis pero nananahimik pa din yung kasama ko

Me: Eya.. Magpapasundo ka na din ba dito?

Nanatili pa rin siyang walang imik. Tapos ko nang ligpitin ang mga gamit ko dahil kaya ko na rin naman.

Me: Eya.. Magsalita ka naman jan..

Eya: Mamimiss kasi kita Jols.. Babalik na tayo sa kanya kanya nating mga dorm..

Me: Halika ka nga dito..

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Me: Oo magkakahiwalay na naman tayo pero hindi ibig sabihin nun mawawala ako sayo. Itext mo ako, tawagan mo ako.

Eya: Pero iba pa din yung personal kitang nakakausap

Me: Nagdrama pa. Sige ganito nalang pagkatapos na pagkatapos ng Season pupunta tayong Palawan.

Eya: Sino namang mga kasama?

Me: Sila Mars, Erika pwede mo din isama si Caitlyn at Ysa.

Eya: Tss. Oh sige pangako yan ah!

Badtrip na namn?

Eya: Jols..

Me: Mmm?

Eya: Pwede ba kitang samahan hanggang dorm niyo?

Me: Bakit?

Eya: Gusto ko lang masigurado na okay kang makakauwi.

Me: No, Eya.

Eya: Pero Jols.

Me: Ikaw ang idadaan namin sa dorm niyo.. Wala kang kasamang uuwi. Mas maganda nang kami ang maghahatid sayo.

Eya: Pero kasi Jols..

Me: Wala nang pero-pero Eya. Hanggat hindi pa nahuhuli si Anthony at risk pa rin ang safety mo, kaya mas maganda nang mag ingat..

Napag isip isip ko kasi na hanggat wala pang progress sa kaso ni Anthony at hindi pa siya nahuhuli, delikado na iwang mag isa lagi si Eya..

Kapag sumama siya sa pag uwi sa dorm, wala na siya makakasama pauwi.. At ayokong maging dahilan pa yun para mapahamak siya..

Natahimik na naman si Eya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Me: Yung makakabuti lang sayo ang iniisip ko.. Kailangan nating mas mag ingat ngayon lalo na't hindi pa din nahahanap at nahuhuli yung taong may gawa nito..

Eya: Naiintidihan ko, sana matapos na to..

Me: Matatapos din to Eya..

Maya maya pa ay dumating na si Coach Ramil.. Isinabay na namin si Eya at dinaan siya sa dorm nila..

Eya: Mag iingat ka Jols ha. Tumawag at magtext ka ha..

Me: Oo na.. Sige na pumasok ka na, kailangan mo na ding magpahinga dahil ilang araw karing puyat sa kababantay sa akin.

Eya: Hahahaha oo magpapahinga ako.. Sige babay.

Me: Pumasok ka na Eya..

Eya: Pwede naman na kayong umalis. Jan na lang din naman oh..

Me: Pumasok na lang Ejiya.

Walang nagawa si Eya kaya pumasok na lamang ito sa dorm nila..

Pagpasok ko ulit sa sasakyan ay ibang ang tingin ni Coach Ramil sa akin..

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon