UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 55
Marionne's POV
Laban na namin ngayon sa Adamson at handang handa na kaming makabawi. Dagdag pa sa eagerness namin na manalo ngayon ang statement shirt na suot naming lahat, as in lahat kami kasama yung mga PT at coaching staff.
Des: Mas nakaka-inspired maglaban kapag ganito suot natin.
Erika : Oo nga ate. Sana napapanood niya tayo nuh?
Me: Para sa kanya to Erika, nandito man siya o wala, napapanood man niya o hindi.
Isang beses pa kaming tinipon ni Coach Ramil para sa isang dasal..
CRDJ: Ang ganda tignan ng mga t-shirt natin.. Sinong nakaisip nito?
Tin: Ako po Coach. It is the least thing I can do para sa kanya..
CRDJ: Thank you so much Tin..
We shared a little prayer and prepare to go out.
Nang makalabas kami ay narinig namin ang sigawan ng mga tao pero bahagya itong nawala. Siguro dahil sa suot naming t-shirt. Di ko sila masisisi..
: Naiiyak ako Sis..
:Miss na miss na din natin siya. Sana gumising na siya.
May naririnig akong bulungan at ang iba ay umiiyak.. But I try to remain focus kasi kung hindi madadala din ako sa mga iyak nila. Isa beses ko pang pinasadahan nang tingin ang suot naming t-shirt.
" LALABAN PARA KAY JOLINA" at sa likod naman ay ang Jersey number ni Jolina with her surname.
Si Ate Tin ang nakaisip nito napansin niya kasi na halos bumaba na ang morale ng team dahil sa mga nangyayari sa team lalong lalo na kay Jolina kaya naisip niyang si Jolina ang gawin naming inspirasyon para ipanalo ang laban na to.
Nakakalimutan kasi namin that we're still the defending champions, na meron kaming piniprotektahan na korona kaya itong t-shirt ang naging solusyon ni Ate Tin na para mas ganahan kaming maglaro at manalo sa mga susunod pang mga laban.
During the game ay naging aggressive ang mga ate sa opensa lalo na sa depensa. Knowing Adamson na malakas din sa floor defense, hindi hinayaan ng mga ate na makalamang sila. Kitang kita ko ang determinasyon sa mga mata nila para mapanalo ang laban na to.
'Sana nakikita mo tong lahat bakla. Para sayo to..'
Naging maganda ang laban pero mas nanaig ang kagustuhan namin manalo kaya natalo namin sila in straight sets..
Si Ate Tin ang naging Player of the Game kaya siya ang ininterview ni Ate Aiyana..
Aiyana: So Tin Congratulations for the win. What do you think is your advantage in this game?
Tin: Siguro mas gustong gusto naming manalo ngayon at siguro sa advantage siguro dahil mas inspired kami maglaro ngayon, lahat kami.
Aiyana: Coming into the next game, what are the team's preparation for your match against the UE Lady Warriors?
Tin: Siguro same preparation but we will play more inspired and hopefully kumpleto na kami that game..
Ngumiti naman si Ate Tin at Ate Aiyana sa isa't isa.
Aiyana: So dahil ikaw ang player of the game anyone you want to greet?
Tin: Hello sa family ko at kay Ate Laycee na naiwan jan sa hospital and syempre Jols! Gising ka na jan! Maglalaro pa tayo! Pagaling ka at kung naririnig mo ako at napanood mo ang laban namin, para sayo to lahat! Thank you.
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE