UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 5
Nakalipas ang ilang araw at nagsimula na din training ko sa La Salle.
At ang masasabi ko lang, naiintindihan ko na ngayon yung sinasabi nilang system ni Coach Ramil. Unang araw ko pa lang sa training, pagod na pagod na ako. Buti nga at hindi pa nagsisimula ang klase kaya nakafocus pa lang kami sa training naming.
Nakakapagod siya pero ang dami kong natututunan kay Coach Ramil. For the first time, I have doubted my skills in this profession. Kung dati sa tingin ko ay okay na ako sa posisyon ko at sa mga gusto kong gawin, hindi pa pala sapat yun para kay Coach Ramil.
: Jolina! Yung kamay ayusin mo ang form para maganda ang receive ng bola!
Me: Yes Coach!
Maraming tao ang nabibilib sa kakahayahan ko especially my receiving pero para kay Coach Ramil, hindi pa ito ang lahat ng kaya kong ibigay. Also ngayon ko lang natiis na hindi humampas nang bola.Sa nakalipas na mga araw umikot ang volleyball routine ko sa digging, receiving at lalo na sa coverage nang bola. Hindi pa ako pinagbibigyan ng chance ni Coach para pumalo at pumunta sa original position ko. Nakakafrustrate pero kailangan kong sumunod kay Coach Ramil.
Coach Ramil: 15 MINUTES BREAK!
At doon lang ako nakapagpahinga at humiga sa gitna ng court.
Mars: Jols. Uminom ka muna *abot ng tumbler*
Me: Salamat Mars. Erika tara higa tayo hahahaAlso this past few days ay natuto na ako makihalubilo sa mga bagong teammates ko at nakakatuwa dahil sa mga nagdaang mga araw ay nakapag-palagayan ko na rin sila ng loob at nakikipagkulitan na din sila sa akin,nagiging komportable na ako sa kanila
Mars: Alam mo napakaganda ng form mo kapag nagrereceive ng bola
Me: Buti kapa nakikita mo, bakit si Coach parang hindi niya nakikita yun?
Erika: Baks, suntok sa buwan kung purihin ka ni Coach.. Alam mo ba na yung mga dating naging player nang La Salle hindi sila nakarinig ng papuri kay Coach Ramil.
Nabigla ako. Pero di ba ditto galing sila Tyang Aby, Ara Galang at Mika Reyes..
Erika: nakikita mo ba yung si Ate Dawn?
Me: Ahh oo naman sino ba naming hindi nakakakilala sa kanya . *sabay tingin kay Dawn*
Mars: Sa lahat ng mga natanggap niya na award sa UAAP man o sa Pro-league, kahit minsan hindi na-satisfy si Coach sa ginagawa niya.
Me: Bakit namn? Sobrang galing niya kaya..
Erika: Naniniwala kasi si Coach na may kaya pa siyang ibigay, na hindi pa yun ang todo niya. Kung makakarinig ka ng mga magagandang salita mula sa Coach mo, hindi mo na gagalingan pa kasi feeling mo nameet mo na yung mga expectation niya sa sayo e. Wala kang room for improvement, wala kanang panahon para matuto pa kasi feeling mo, magaling kana.Nakatingin pa rin ako kay Ate Dawn kasama sila Ate Kim at Ate Kianna.
Unti unti na nilang natutupad ang mga pangarap nila. Part na sila ng National Team at after UAAP they have Pro-League. Balang araw magiging katulad ko din sila.
Mars: Grabe .. 2 years pa ang bubunuin natin bago tayo makapasok sa UAAP.
Napabuntong hininga din ako sa sinabi na yun ni Marionne. 2 taon pa nga bago ako magcollege at mag UAAP..Coach Ramil: Balik sa pwesto..
Bumalik na ako sa posisyon ko sa backrow para humanda sa depensa..
Kaya mo to Jols.
CRDJ: Jolina doon ka sa kwatro magposisyon.
Me: O-opo Coach.
Sheeeeeeyyytt! After ilang araw ay makakapalo na din ako..
CRDJ: Marionne bigyan mo ng bola yung zone 4 at zone 2, kapag maganda ang receive sa likod ibigay mo sa tres.
Mars: Yes Coach..
Nagserve na si Ate Des sa kabila and as usual hindi na naman maganda ang receive sa likod namin. Napakalakas kasi magserve ni Ate Des e.
Nang malapit nang makuha ni Marionne ang bola ay nakita kong tumingin siya sa direksyon ko at tama nga ang hula ko dahil sa akin ibinigay ni Mars ang bola.
Dahil nga galing to sa misreceive, naging mas mataas ito at hindi malapit sa net kaya inadjust ko ang talon ko para makuha ang bola at mapalo to ng maayos. Ate Joy and Ate Kianna tries to block me pero dahil nga hindi nila inexpect na ganun kataas na bola ang papaluin ko ay hindi nila inaasahan na sa zone 5 ko ito papapuntahin, which is the cross-court side of my position.
:WOOOOOOOOW!
Nakarinig ako ng sigawan sa bench at nakita ko ang ibang teammates ko na nagkakagulo na paranng ewan.
Erika: Grabe ka Jols. Pwede mo naming i-over na lang yun.
Mars: Nice approach Jols. No doubt MVP ka nga.Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nila. Natapos ang training at pagod na pagod kaming lahat. Pero bago kami umalis ay pinatawag ako ni Coach Noel.
Me: Coach tawag niyo daw po ako?
Coach Noel: Gusto lang kita i-commend kasi napakaganda mong maghabol at mag-adjust sa mga binibigay sayo na set ni Marionne. Keep it up.
Me: Salamat po Coach.
Tumingin ako kay Coach Ramil at ayun naman ang usual reaction ni Coach, walang reaction.
Soon I will make Coach Ramil so proud.Nang makauwi kami nang dorm ay kinausap ako ng mga teammates ko. Sabi nila akala daw nila libero position ko dahil more on floor defense ako this past few days. Natawa na lang ako..
Ate Des : pero i have to say ang galing mo sa outside position ha.. At tsaka yung habol mo sa broken play ni Mars kanina. Ang galing nun Jols..
Me: Salamat Ate Des.. Magaling ka din namam e.
Des: pero alam kong mahihigitan mo pa ako.. Iba yung galing mo e.
:I have to agree ang hirap mong i'block
Mars: Ate Joy! Ate Kianna!!
Kianna: Hi babies.. Hi jolens..
Me: Hello po Ate kianna.. Hi Ate joy..
Joy: ang galing mo nga sa posisyon mo na yun kanina, ikaw ang pinakanagpahirap sa amin ngayong araw.
Hala....
Me: Bakit naman Ate Joy?
Joy: napakahirap basahin ng bola mo minsan.. Ang taas ng volleyball IQ mo..
Nakakakilig naman tong mga compliment na to..
Kianna: Keep it up swish okay? Gagaling at gagaling ka pa..
Me : Salamat Ate Kianna, Ate Joy..
At nagkwentuhan kami ng mga nangyari ngayong araw bago pumunta sa kanya kanya naming mga kwarto.
Me: Mars ang ganda ng pitik mo sa bola kanina.. Ang ganda ng form mo in setting..
Mars: Tigilan ako bakla.. Eh magaling ka naman din e..
Me: Mars bukas after training sa umaga pwede mo ba akong samahan? Gusto ko sanang maglakad lakad sa Intramuros e. Okay lang ba?
Mars: Oo naman. Sama na natin si Erika.. Sige na tulog na tayo at maaga pa tayo bukas.
Hindi ko alam pero parang gusto kong bumalik sa Intramuros. Ano kayang meron doon?

BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanficTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE