Chapter 7

104 3 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 7

*2 years later*

:Congrats to us BAKSSSSS!!!!

That's Marionne ang ingay ingay talaga kahit kailan.. Buti na lang ako.....

Me: CONGRATS DIN SAYO BAKLA KA!!!

Ay hahahaha mas maingay na pala ako ngayon..

Erika : Uy pasali naman jan..

Me: Bakla..! Congrats sa atin..

Erika : Nakakainis ang kaplastikan Jols ha. Pahumble ka pa Ms. WITH HIGHEST HONOR? Huh? Wag ako.

Me: Uy wag mo namang lakasan Erika.. Baka sabihin nila ang yabang ko.

Mars : Tigilan kami sa mga hanash mo Jolina Dela Cruz ha..

Natawa na lang ako.. Grabe ang bilis ng panahon.. Parang kailan lang nagsisimula pa lang ako mag-aral sa La Salle for Senior High School, ngayon natapos ko na ang 2 dagdag na taon sa High School..

Mars: Jols.. Eto na yun.. Eto na eto na yun..

Naiiyak ako.. Kasi finally lahat ng paghihirap ko sa nakalipas na dalawang taon ay nagbunga na. Finally, College na ako at finally..

Me, Mars and Erika: UAAP!!!! HERE WE COME!!!!

Gusto ko mang magcelebrate kasama sila Jerick at Mama ay hindi ko na magawa kasi pagkatapos ng Graduation namin ay umuwi na sila kaagad. Mahirap na kasing walang tao sa bahay pero ayos lang kasi si Mama naman ang nagkabit sa akin ng mga medals ko kanina.

Nagsumikap akong ma'sustain ko ang pagiging honor student ko kahit tuloy tuloy pa din ang training namin. Hindi siya naging madali dahil kung dati pwede akong hindi magtraining, ngayon ay hindi. Nabawasan ang paggala namin nila Mars at Erika, kung may free cut man kami ay nilalaan na lang namin sa paggawa ng mga project. Mahirap pero kung alam mo namang kaya mo, kakayanin mo.

Mars: Imba ka talaga Jols. Pati sa graduation ba naman hindi ka pa din nagdress??

Me: Mars alam niyo naman na ayaw ko talaga ng mga ganyan di ba? At tsaka ano namang masama kung naka-maong at naka-polo shirt ako? Wala ngang nasabi ang management di ba? So okay lang yan.

Ayan na naman ang tinginan nilang dalawa. Iniisip na naman siguro nila kung anong sexuality ko.

Me: Guys? Hello?! Gusto kong maging komportable sa araw na ito kaya ito ang napili kong isuot!

Erika: Oo na! Ikaw ang tagal na nating magkaibigan pero ayaw mo pa ring umamin sa amin ni Marionne.

Me : Erika...

Erika: Oo na preferred mo lang talaga ang ganyan, oo na hindi ka na tibo, oo na lang jols. Isipin mo na lang convinced mo na ako..

After all this years pinipilit pa rin nila sa akin na hindi na lang bastang preference yung choices ko sa mga damit at mga gamit ko..

One time pinakilala nila sa akin yung isang member ng Green Archers at Green Spikers. Ewan ko ba sa kanila..

Erika: Jolina, nireto ka na naman sa mga lalaki dito. They found you so beautiful, they wanted to court you pero yung tingin mo sa kanila, walang kabuhay buhay.. Alam mo kung kailan namin nakikitang masaya ang mga mata mo?

Me: Kailan?

Mars: Uhmm. Hey team dinner daw tayo sabi nila Coach Ramil, celebration ng graduation natin!

Tinitignan ko si Erika pero wala na akong nakuhang sagot pa sa kanya..

Hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating ni Erika sa akin..

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon