Chapter 39

72 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 39

Jol's POV

Wednesday na at mamaya ay manonood ako ng laro nila Eya.. Actually hindi dapat ako papayag pero ang hirap kasi humindi kay Eya kaya pumayag na din ako basta kasama siya. Tss, sa lahat ng ipapakilala na tao sa lalaki pa.

Naligo na ako dahil katatapos lang namin magtraining. Paglabas ko ay dali dali na akong naghanap ng masusuot ko.

:May lakad ka?

Me: Ay bakla! Opo Ate Tin..

Tin: San lakad mo?

Me: Manonood po sana sa laban ng UST at UE ngayong alas dos..

Tin: Scouting? Samahan na kita.

Me: Actually hindi Ate. May lakad din kasi kami after ng game nila.

Tin: Asus hindi mo na ako diretsahin. May date kayo?

Me: Hoy Ate Tin wala! May ipapakilala daw kasi.. Hirap namang humindi.

Tin: Oo na sige na. Isipin mo na lang na-convince mo na ako.

Me: Hay naku Ate Tin..

Nagbihis na lang ako at hindi na pinansin ang mga sinasabi ni Ate Tin..

Pinili kong isuot ang fitted jeans ko at tinernohan ko nang white v-neck na shirt at jacket na kulay itim and of course my favourite shoes of all time, VANZ.

Pagtingin ko sa salamin ay napansin ko ang magulong ayos ng buhok ko.

'Para naman akong kinuryente dito'

Kinuha ko ang suklay at inayos ang buhok ko..

: Alam mo baks, gwapo ka na sa suot at ayos mo. Bakit ang tagal mo naman atang magsuklay jan?

Me: Tigilan mo ako Erika..

Erika : May date ka na nuh?!

Me: Manonood lang ako ng game ni Eya at may ipapakilala lang siya afterwards okay? Hindi yun date.

Erika :Ipapakilala? Hmmm.

Me: Oo

Erika: Babae? Kaya siguro pumayag ka nuh?!

Me: Lalako nga e.

Erika: ANOOOO?! Bakit pumayag ka?!

Me: Pakilala lang naman di ba? At tsaka kasama naman namin si Eya mamaya kaya walang kaso sa akin yun.

Erika: Ahhhhhh...

Tinignan ko siya at ayun na naman ang nanunuksong tingin niya..

Me: Tigilan mo ako sa mga tingin na yan Erika..

Erika : Akala ko tapos na pagiging in denial mo, hindi pa pala..

Me : Ano?

Erika: WALA! hala bilisan mo na at malapit nang mag ala una.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at nang ma-satisfied na ako ay bumaba na ako para magpaalam sa kanila..

Me: Alis na muna ako..

Des : Malinis kang umalis sana malinis ka ring uuwi ha..

Me:  Opo Ate..

Nang makalabas ay mabilis akong pumara nang taxi papunta sa Arena..

Pagpasok ay bumili agad ako ng ticket at nag secure ng upuan sa patron area.

Nang makaupo na ako ay napansin kong kakaunti pa lang ang tao sa venue.. Ganito lang ba talaga kapag hindi masyadong exciting ang game? Wala talaga nanonood ng live?

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon