UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 32
Patapos na ang movie na pinapanood namin at hindi ko naman nagustuhan yung patapos niya..
Me: Bakit kailangan niya pang balikan?
Tumingin naman sila sa akin..
Me: Ang tanga naman ng Kim na yan, napaka controlling at pabebe ng jowa niya tapos nung nahanap na niya yung babae na mahal na mahal talaga siya at maiintindihan siya iniwan naman niya kasi mahal niya pa yung jowa niya na nakipaghiwalay sa kanya? Kalokohan..
Mars: Minahal niya naman si Yam pero kasi nung nagkasama silang dalawa lagi pa ring si Pie ang naiisip niya. Minahal niya si Yam pero mas mahal niya si Pie.
Me: Kung ako kay Kim kay Yam na lang ako..
Erika : Mamaya panoorin natin ang part 1 para mas maintindihan mo.
Me: Ay naku wag na. Banas ako sa Pie na yan.. Pilit niyang binabago si Kim para lang ma-satisfied siya, hindi ganun ang pagmamahal.
Erika : Nagsalita ang may jowa! Bakit natry mo na bang magmahal?
Me: Oo!
Rest of the Team : Talaga?!
Me: Mahal ko nanay ko, kapatid ko, kayo! ARAY!
Mars: Baklang Shunga!!
Me: Bakit ba?!
Erika : Iba naman yung gusto namin iparating e.
Me: Pagmamahal naman yun ah?
Mars: Ang sarap mong sandokin Jolina!!
Erika : Romantic love! Mag-jowa, boyfriend - girlfriend.. Ganun!
Me: Wala! Dahil wala akong oras jan!
Erika : Wala ka pang nagiging crush ever?
Me: Wala!
Mars: Di lang ata imortal, abnormal na din!
Erika :Hoy! Tao ka pa ba?! Baka mamaya asong lobo ka na pala pumantay ka pa sa mukha ng Angel Locsin.
Me: Oo naman..
Mars: Seryoso ka? Hindi ka pa kinilig?
Erika : Ay jan na ako iintrada! Hoy baklang imortal! Nakita ko kagabi ang reaksyon nung kausap mo si Eya ha.
Rest of the Team: OWWWWWW!!!
Me: Hoy issue kang bakla ka.
Erika : Hoy di ako ma-issue dahil kitang kita ko kung paano ka ngumiti habang kausap mo siya!
Ano ba to si Erika?! Napaka ma-issue..
Des : May gusto ka kay Eya?!
Me: Nagpapaniwala talaga kayo sa tao na yan?! Baliw yan te!
Erika : Alam mo kung kasalanan lang ang magdeny kanina kapa nasa silya elektrika!! Umamin kana, alam ko ang nakita kagabi.
Me: Si Eya, kaibigan ko yun.. Masaya ako kasi kausap ko siya ano bang masama doon?
Erika: Ay bakla, kausap ko din ang baklang Marionne minsan sa phone pero hindi ako nangiti ng wagas at kinilig doon.
Me: Malamang! Lagi ba naman kayong nagkikitang dalawa e!
Erika : Alam mo baks wala namang kaso kung crush mo yung kaibigan mo e. Tsaka kung anuman yung tipo mo, babae man yan o lalaki tatanggapin namin, ang amin lang umamin ka..
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfikceTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE