Chapter 52

93 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 52

Marionne's POV

Pagkatapos ng talo namin sa UST ay mas naging mahirap ang training namin dahil sa dalawang sunod na pagkatalo. Pahirapan kung pahirapan dahil ayaw na ayaw ni Coach nang natatalo. Si Jolina ganun pa din, hindi umiimik pero kumakain na kahit pakonti konti. Lagi siyang nasa bleachers at nanonood sa training namin. I admit malaking kawalan si Jolina sa team namin, iba din kasi kapag nasa loob siya ng court. She gives us more confident at yung tapang niya sa paglalaro na nakakapanghawa sa amin.

: Marionne..

Me: Coach. Bakit po?

CRDJ: She's doing well lately.

Sinabi niya yun habang nakatingin kay Jolina..

Me : Oo nga po Coach. Kumakain na po siya kahit papaano Coach pero hindi pa din nagsasalita.

CRDJ: It will take a time but I'm thanking you kasi di mo siya iniwanan..

Me: It is the least I can do Coach. Minsan niya na akong niligtas at ito yung oras para ibalik ko naman sa kanya ang kabutihan ginawa niya sa akin..

Nagpatuloy lang kami sa training at nang matapos ay dumiretso kami sa dorm pero nagpaiwan si Ate Tin dahil dadaan daw siyang agno..

Pero bago kami umalis ay napansin ko ang pagtayo ni Jolina at paglapit kay Ate Tin.

Me: Jols.. Mauna na tayo sa dorm, susunod din yan si Ate Tin.

Kumapit si Jolina sa braso ni Ate Tin at nakatingin lang siya dito. Medyo weird kasi parang ayaw niyang umalis si Ate Tin.

Me: Jolina.. Hindi naman magtatagal si Ate Tintin..

Nang subukan ko namang kunin siya ay hinigpitan niya ang kapit kay Ate Tin.

Tin: Mars ok na. Isasama ko na lang siya.. Para naman makapagpasyal siya kahit papaano..

Me: Sure ka Ate Tin?

Tin: Oo. Tara na Jols?

Nakatingin lang si Jolina sa kanya at nagsimula na silang maglakad.

Erika: Mars ang weird ni Jolina ngayon..

Me: Hayaan na natin. Babalik din sila ng dorm let's go?

Masyado lang siguro kaming napaparanoid sa mga kilos ni Jolina. Baka gusto niya lang naman makasama si Ate Tintin.

Naglakad na kami papunta nang dorm at nag asikaso na doon.

Tintin's POV

Jolina is kinda weird kasi gusto niya akong makasama.. Nitong mga nakaraang araw kasi ay si Marionne ang lagi niyang kasama at doon siya lagi nakakapit pero ngayon lang niya ako nilapitan..

Me: Jols.. Gusto mo nang Bacsilog? Favorite mo to di ba?

Nakatingin lang siya sa akin at walang binigay na sagot. Binigyan ko lang siya ng ngiti..

Nang maglalakad na kami pabalik nang dorm ay naramdaman ko na tila ba merong sumusunod na tao sa amin..

Tuloy lang kami sa paglalakad nang biglang may humarang sa amin na nakasumbrero at hindi ko makita ang istura..

Paglingon ko sa likod ay may dalawang lalaki din ang nakahinto.

Me: Excuse me po Kuya kailangan po namin dumaan.

: Matagal tagal din nung huli tayong magkita.. Jolina..

Tinignan ko si Jolina at ganun pa din ang itsura niya.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon