Chapter 20

102 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 20

Jol's POV

Nakabalik na kami sa dorm namin at nakakapanibago ang pananahimik ng lahat. Kadalasan ay may nagtatawanan at nagkukulitan sa amin pagdating sa dorm ngunit ngayon ay wala.

Ako na ang nagsarado ng pinto, may mga naiwan dito sa salas at ang iba naman ay dumiretso na sa kanya kanya nilang mga kwarto at higaan.

Dumiretso ako sa kusina naupo sa dining table. This day should have been a good one but it is ruins by what happen this morning.

:Baks? Hindi ka pa ba magpapahinga?

Ngumiti naman ako kay Erika.

Me: Mauna ka na Erika.. Susunod na lang ako..

Umakyat na si Erika para makapagpahinga na din.

Napansin ko naman ang paglapit ni Marionne sa akin. Mas okay na ang pakiramdam niya kumpara kanina.

Me: Okay ka na ba?

Mars: Hindi pa. Naaalala ko pa din lahat ng mga nangyari kanina.

Me: Pasensya na kung pati ikaw ay nadamay sa gulo ko. Wag ka mag alala hindi ko na hahayaan na maulit pa ang mga nangyari.

Ngumiti na lang si Marionne at tumingin sa mga mata ko.

Mars: Kagabi lang ay nagalit ako sayo dahil jan sa tapang na meron ka. Naalala ko pa tinanong ko sa sarili ko, hanggang saan aabot ang tapang mo? Marahil may angkin kang tapang pero sasapat ba yan para maingatan mo ang sarili mo? At kanina lang, pinatunayan mo sa akin na hindi ka lang sa salita matapang.

Naluluha na naman siya kaya inabutan ko siya ng tissue.

Mars: *inabot ang tissue*salamat. Sobra akong nag aalala sayo pero yung sarili ko pala hindi ko kayang depensahan sa mga oras na ganun. *sobs * napakahelpless ko kanina, sigaw lang ata ang nagawa ko. Mamamatay na lang ako, hindi pa ako nakalaban kahit konti. Pero ikaw, ikaw na pinagdudahan ko sa mga kaya mong gawin, hinarap mo siya at hindi ka natakot ng tinangka ka niyang saksakin. Dati humahanga ako dahil sa galing at tapang mo sa paglalaro, ngayon you gained my respect as a person.

Me: Thank you Mars.

Mars: No, thank you so much Jols. Dahil kung hindi dahil sa tapang mo, wala na ako ngayon. I owe you my life and I am thankful that you are my friend.

Me: You don't have to be thankful, I will do everything I can do, wala lang masaktan kahit isa sa inyo.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mars ay nauna na rin siyang umakyat.

Ako na lang ang naiwan sa kusina. I am in deep thoughts, hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangang madamay nang mga kaibigan sa isang gulo na hindi naman sa akin nagsimula. Bakit kailangang mga kaibigan ko ang saktan ni Anthony?

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng tumunog ang cellphone ko.

Eya Laure
~calling ~

Me: Hello Eya?

Eya: Jo-Jols? Nakauwi na ba kayo sa Manila?

Me: Oo, kani-kanina lang..

Eya: Nasabi sa akin ni Ysa na tinawagan ka niya kagabi..
*sobs*..

Me: Eya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ni Anthony sa akin. He hate me that much kaya pati saktan ka ay ginawa niya?

Narinig kong humagulhol si Eya sa kabilang linya.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon