Chapter 4

125 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 4

Pagbaba ko ay nakahanda na silang lahat, nakaupo na at kanya kanyang kwentuhan. Una akong napansin ni Mars kahit nagbabangayan pa sila ni Erika.

Mars: Jolina, dito ka na sa tabi ko. Mamaya may masagap kang masamang hangin jan.

Erika : Bakla ka, kung masamang hangin ako eh ano ka na lang?

Mars : Ay baks wag naman pa-obvious jan, may sinabi ba akong pangalan.?

Nakakatuwa silang tignan, mukhang close na close na talaga sila..

Tin: Jolina umupo kana sa tabi ni Marionne, tatawagin ko lang si Coach Ramil.

Hah? Kasabay nilang kumakain si Coach Ramil?

Pagdating ni Ate tin at Coach Ramil ay nagdasal na si Erika at nagsimula na kaming kumain.

Kapansin pansin ang pananahimik ng lahat.

Teka? Eh kanina ang iingay nila ah..

Coach Ramil: Jolina bukas maaga kang gumising at aasikasohin mo na ang enrollment mo,then next day simula na training mo.

Me: Yes Coach.

Coach: Marionne ikaw na ang sumama sa kanya bukas and the rest diretso na ng Razon para sa training.

All: Yes Coach..

:uhmm jolina, wala ka bang palayaw?

Me: meron naman po. Jols na lang po..

Ngumiti na lang ako kasi ang seryoso na naman nila.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta ako na maghuhugas ng plato pero hindi nila ako pinayagan at sabi pa

"Bago ka kaya wag muna, pero kapag matagal ka na dito hindi na kami tatanggi kapag nagpresenta ka"

Natawa na lang ako ng mahina.. Napaka-kwela nila. Pero may kanina pa ako gustong tanungin..

Tin: Alam ko na yan, bakit kami tahimik kanina at ang serious namin?

Tumango na lang ako kasi yun naman talaga ang gusto kong tanungin, bakit parang masyado silang controlled sa mga kilos kapag nanjan si Coach Ramil.

Tin: It is part of his discipline. As much as possible kapag kasama namin sa iisang table si Coach ay hindi talaga kami masyadong nag iingay at nagpapasaway. Masasanay ka din Jols.

Me: Ate tin, mahirap ba?

Tin: Ang alin?

Me: The training with school works lalo na kapag season niyo na?

Tin: Honestly, noong una nahihirapan talaga ako. Twice a day ang training, kailangan mo pang pumasok at pagdating sa dorm gagawa ka naman ng paperworks and projects. But then lagi kong tinatandaan kung bakit ko ba ginagawa to at kung ano yung gusto kong marating sa buhay, kapag naaalala ko yun mas tumatapang ako at mas kinakaya ko. Lahat kasi ng gusto natin di natin nakukuha kung pinanghihinaan tayo ng loob.

Huminto siya sa pagsasalita at napatingin sa akin.

Tin: Kapag nasa La Salle ka dapat mas malakas ang loob mo kaysa sa katawan mo. At tingin ko yun ang nakita ni Coach Ramil sayo kaya ka niya kinuha para maging part ng Team.

Malakas ba talaga ang loob ko?

Pumunta na lang ako sa kwarto at sinubukan munang magpahinga.. Hindi ko pa din kasi maalis sa isip ko yung mga sinabi ni Ate tin sa akin..

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon