UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 19
Marionne's POV
Maaga akong nagising dahil maaga din kaming uuwi ng Maynila.
Pagbangon ko ay nakita kong tulog pa din ang dalawa. Oo napaka unsual na ako ang gigising na umaga pero halos hindi din kasi ako patulugin ng konsensya ko.
Tinignan ko si Jolina habang mahimbing na mahimbing pa pa din ang pagkatulog.
Nag away na naman kami. Alam ko naman na napakatapang na babae ng kaibigan ko na to pero hindi na kasi biro kung lalaki ang makaka-away nya.
I'm not underestimating what she can do, because frankly I don't know what else she can do pero bilang kaibigan niya nag aalala ko. Nag aalala ako kung hanggang saan aabot ang tapang na meron siya.
Di bale na hihingi na lang ako ng sorry sa kanya mamaya paggising niya.
Dahil ako ang unang nagising, automatically ako ang maghahanda ng almusal naming lahat.
Habang naghahanda ako ng lulutuin ay naramdaman kong tila may naglalakad papunta sa direksyon ko. Isa sa mga Ate siguro.. Dito kasi sa baba ang kwarto nila..
Me: Ate pwede bang pakitignan yung sinaing ko?
Pero hindi pa din gumagalaw yung taong nasa likuran ko.
Me: Ate ipapakain ko sayo ang tutong kapag hindi mo yan tinignan.
: Ikaw si Marionne Alba di ba?
Nanaig ang takot sa akin nang hindi ko makilala ang boses na nagsalita. Hindi siya isa sa mga Ate at hindi siya babae.
Pagharap ko ay nakita ko ang isa lalaki na merong hawak na balisong.
' Sino ba to?'
Me: Sino ka?!!
Him: Subukan mong sumigaw at tutuluyan kita ngayon din!
Me: Sino ka ba?! Anong atraso ko sayo!
Kumakapa na ako ng kung anong pwede armas ko dito sa kusina. Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil ito ang unang beses na mayroong susubok na magtangka ng buhay ko.
Him: Sayo wala pero sa kaibigan mo napakalaki.
Me: Sino ka ba?!
Paiyak na ako dahil naghalo halo na yung takot at kaba sa akin dahil sa kung anong pwedeng mangyari.
: Ganyan ka na ba kaduwag Anthony kaya kaibigan ko na lang ang ginagantihan mo?
I was left dumbfounded nung marinig ko ang boses na yun.
Me: Jo-Jols.. Anong sabi mo?
Jols: Siya.. Si Anthony.. Siya yung ex ni Eya.
Anthony : At talagang nakaabot na sayo ang balita na yan ahh!! Tuwang tuwa ka ba!!
Dahil sa sigaw na yun ni Anthony ay nagising ang mga teammates ko. Kitang kita sa kanila ang pagkagulat at pagkatakot nang makitang may lalaking nakapasok sa dorm at may hawak na patalim.
: Oh my Gosh sino yan!
:Marionne, Jolina lumayo kayo sa kanya
Gustuhin ko mang magtakbo ay hindi ko magawa dahil nakaharang si Anthony sa akin.
Ganito ang setting. Nasa table ako habang nasa kabilang dulo si Anthony habang si Jolina naman ay nasa likod ni Anthony.
Jols: Ate pumasok muna kayo..

BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE