Chapter 40

88 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 40

Eya's POV

Nasa sasakyan kami ngayon ni Kuya Wewe. Kanina pa ang tahimik yung dalawa at kanina ko pa din nahuhuli na tumitingin si Jolina kay Kuya Wewe.

'Type ba to ni Jolina?'

Nakakawala nang gana..

Nang nasa La Salle na kami ay kinausap muna ako ni Jolina..

Jols: Eya.. Magtext ka kung nakauwi ka na..

Me: Oo..

Jols: Good. We, pwede ba tayong mag usap sandali?

Tumingin si Kuya We kay Jols at tumingin naman sa akin bago binalik ang paningin kay Jolina.

We: Sure. Eya.. Sandali lang ha.

Me: Ahhh sige..

Tss. Ano bang pag uusapan nila at kailangan pang sa labas sila mag usap? Ayaw ba nilang marinig ko? May itinatago ba sila sa akin?

Kanina pagbalik galing sa Powder Room ay ang seryoso ng mga mukha nila. Hay naku. Tinitignan ko sila mula sa labas at hindi ko man lang naririnig ang pinag uusapan nila at pareho silang seryoso..

Maya maya pa ay bumukas ang pinto sa kabilang side ko at  sumilip si Jolina..

Jols: Eya, mauuna na ako..

Me: Ingat ka..

Pag alis ni Jolina ay pumasok na din si Kuya Wewe.

Me: Kuya We, anong napag usapan niyo ni Jolina?

We: Wala naman. May nakalimutan lang daw siyang sabihin kanina kaya ngayon niya lang nasabi.

Me: Bakit kailangan nasa labas pa kayo? Hindi ko ba pwedeng malaman?

We: Hindi naman sa ganun. Sabihin na lang natin na hindi ka naman makaka-relate kaya hindi na namin pinag usapan dito sa loob.

Me: Edi tinatago niyo nga.

We: Ganun ba ang labas? Kung ganun siguro ganun na yun. Hahahaha

May gana ka pang tumawa hayop ka. Tss. Di ako mapakali.. Ano bang pinag usapan nila at hindi ko pwedeng marinig? May itinatago na talaga si Jolina sa akin. Nabwibwisit ako, ngayon lang naglihim sa akin si Jolina.

'Kung ayaw niyong sabihin, aalamin ko na lang. '

Nang makarating na kami sa UST ay bumaba na ako para makauwi sa dorm. Hindi na ako nagpasalamat kay Kuya We. Naiinis pa din ako.

Ricca: Oh Eya. Musta lakad niyo nila We?

Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang sa itaas.

Pabagsak kong itinapon ang katawan ko sa higaan ko. Nakakainis!!!

Me: ARGGGGHHHHH!!! NAKAKAINIS!!! *sabunot sa sarili*

:HOY BALIW!

Tinignan ko naman ng masama kung sino yung nagsalita..

Me: Pwede ba.. Wala akong panahon makipagbiruan Caitlyn.

Caitlyn : Oh relax. Sinasabunutan mo kasi sarili mo e. Eh di ba baliw lang gumagawa nun?

Me: Seriously Cait?? Seriously!

Caitlyn : Oh hindi na nga. Bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina lang bago umalis sa dug out ang saya saya mo. Anong nangyari sa lakad niyo?

Me: Ayokong pag usapan. Naiinis pa din ako.

Caitlyn : Oh sige baba muna ako.

Hindi ko na lang ako sumagot dahil kailangan kong mapag isa ngayon.
Natigilan ko nang tumunog ang cellphone ko af nakita kong tumatawag si Jolina..

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon