Chapter 49

90 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 49

Marionne's POV

Kasalukuyan kaming nagtetraining ngayon, syempre maliban kay Jolina. Nandoon siya sa bleachers, nakaupo at nakatingin sa kawalan. Isang araw na din siyang hindi kumakain dahil inaayawan niya, kahit ipilit namin at subuan namin siya wala pa ring talab. Ayokong isipin na may sakit siya sa pag iisip pero yun ang pinapakita niya. Ang huling salita na narinig ko sa kanya ay ang pangalan ni Eya nung oras na binangungot siya. Umiiyak siya at pangalan ni Eya ang binabanggit niya.

Erika : Mars.. Magiging okay naman si Jolina di ba?

Me: Magiging okay yan siya..

Erika: Mars why don't we accept the offer of Coach Ramil? You know, the psychiatrist.

Me: Ayokong isipin ng mga tao na nababaliw na si Jolina.

Erika : Pero kung ito ang makakatulong sa kanya para maka-recover, bakit hindi di ba?

Napaisip ako ng malalim sa sinabi ni Erika at lumingon sa direksyon ni Jolina. Ito ba talaga ang makakabuti para sayo?

Pumunta ako kay Coach Ramil dahil gusto ko siyang makausap.

Me: Coach may gusto sana akong sabihin..

CRDJ: Ano yun Marionne?

Me: Coach I will consider your offer about the psychiatrist for Jolina but I only have one condition kung okay lang po.

CRDJ : Sure ano ba yun?

Me: Gusto ko po sana sa dorm na lang pumunta ang psychiatrist, kasi baka makasama kay Jolina kung lalabas pa siya. At least kapag nasa dorm po tayo, mas accessible sa lahat at hindi na ni Jolina kailangang bumiyahe.

CRDJ: We can consider that. At nakausap ko na ang Nanay ni Jolina, dadalaw siya mamaya at may importante daw na sasabihin.

Darating ang Nanay ni Jolina? At ganitong Jolina ang makikita niya..

Pagkatapos ng training ay naglinis na nang dorm ang ibang mga teammates namin habang ako naman ay naiwan kasama si Jolina dito sa itaas..

Me: Jols.. May good news ako sayo.. May bisita ka mamaya..

Tinignan ko si Jolina pero ganun pa din ang mga mata niya.

Me: Alam kong kahit hindi ka magsalita ay masaya ka. Hintayin lang natin siya ha..

Pagdating ng alas-dos ay dumating si Coach kasama ang isang may edad na babae.. Iniwan ko si Jolina sa kwarto kasi nandoon naman si Erika para magbantay.

CRDJ: Ladies, siya si Joan Dela Cruz, nanay ni Jolina..

Kinamayan siya ng iba kong mga teammates habang ako naman ay pumunta sa taas para pababa na si Jolina. Habang pababa kami ay nasa amin ang tingin nilang lahat. Ngiting ngiti ang Nanay ni Jolina nang makita niya ang anak, habang si Jolina ay ganun pa din ang itsura. It should be a happy reunion for them pero heto siya ngayon..

Joan: Anak *yakap*. Kamusta ka na? Ang ganda ng mga laro mo ahh..

Nakatingin pa din sa kanya si Jolina at walang reaksyon. Parang unti unting namuo ang luha sa mata ni Tita Joan.

Pinaupo namin si Jolina sa sofa at umupo naman si Ate Joan sa tabi nito.

Joan: Total nandito na kayong lahat, may gusto akong aminin tungkol sa kondisyon ng anak ko.

Natahimik kami lahat at nakinig sa mga sasabihin ni Tita Joan.

Joan: This is not the first time na nangyari ito sa kanya, 10 years ago naging ganito na din siya. Noong una ay hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun but as days passed by she keeps on looking sa bahay nila Eya. Noong araw kasi na umalis sila Eya at umiyak talaga siya ng umiyak tapos kinabukasan ganito, tulala siya at hindi nakikipag usap, walang pakialam at walang emosyon. Sobra sobra ang pag aalala ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na dalhin siya sa isang psychiatrist.

Habang nagkukwento si Tita Joan ay hindi ko maiwasan maawa kay Jolina. At the young age, she's been into horrible situations such as these. Nakatulala pa rin siya hanggang ngayon pero mapapansin mo ang pagiging attentive niya.

Joan: After ilang test at briefing na ginawa. Sa lahat ng sintomas na pinapakita niya, we found out that she has a Post Traumatic Stress Disorder or PTSD. Yung pag alis ni Eya, yun ang nagtrigger sa sakit niya para lumabas. The doctor recommended some medicines para pamkalma sa kanya at para ma-overcome niya yung mga nangyayari. And the doctor said that once she recovers from it, the next time na magkakaganun ulit siya will be from the same reason of trauma. Ang bata pa ng anak ko nang mga oras na yun kaya madali para sa akin ang mapasunod siyang uminom ng mga gamot niya. It only takes 2 weeks for her to recover and gained herself again. And the moment that she recovers, wala siyang natatandaan sa mga oras na ganito siya.

Narinig ko ang iilang hikbi ng mga kasama ko pero nanatili akong nakikinig.

Joan: Kaya you don't have to tell me kung bakit siya nagkakaganito kasi alam ko na, isang rason lang ang pwedeng maging dahilan para magkaganito siya ulit.

Nakatingin lang sila sa akin dahil alam nila na ako ang kasama ni Jolina nung araw na nakipag usap siya kay Eya.

Me: Medyo nasaktan po kasi siya sa mga sinabi sa kanya ni Eya nung pumunta kami sa UST. Sinabihan kasi siya nito na sana ay hindi na lang sila nag kita ulit. Maybe that triggers her PTSD kaya ganito siya.

Joan: Why would Eya will say that? Ano ba ang sinabi ng anak ko sa kanya?

Tumingin naman ako sa mga teammates ko at nakatingin lang din sila sa akin.

Me: Tita I don't think I have the rights to say it..

Tita Joan just smile at me. "Just say it. Please"

Kinakabahan man ay sasabihin ko na din, sana lang ay mapatawad ako ni Jolina once she finds out.

Me: Tita inamin po kasi ni Jolina kay Eya yung itinatago niyang sikreto dito tungkol sa sexuality niya.

Joan: *smiles* About her being a lesbian?

Me: Op... Tita?

Joan: *napatawa* Of course I knew. Habang lumalaki yang si Jolina mas napapansin ko ang pagiging astigin niya kaysa pagiging mahinhin. Kaya nga I enrolled her in self defense class nung high school kasi alam ko na kaya niya yun at magagamit niya in the near future.

Tumingin naman si Tita Joan kay Jolina.

Joan : Ito kasing anak ko medyo in denial sa nararamdaman niya at sa mga nangyayari sa kanya.

Kilalang kilala nga niya ang anak niya. Totoo naman kasing in denial siya sa feelings niya.

Me: She's been the best teammate we could ever had. Ang tapang po nang anak niyo at handa siyang gawin ang lahat wag lang kaming masaktan. She's jolly, noisy and always the bully type of friend pero lahat po nang yun naaalala na lang namin kasi yung Jolina na kasama namin ngayon is the total opposite of those.

Joan: Salamat din kasi nakikita ko kung gaano niyo kamahal ang anak ko, just talk to her the usual way. Sabi kasi ng doctor, the more na kinakausap natin siya ng normal is the more chances of fast recovery.

Malipas ang ilang oras ay nagpaalam na din si Tita Joan para maagang makabalik sa Bulacan. Bago siya umalis ay niyakap niya muna ang anak at hinalik ito sa noo.

Pag alis ni Tita Joan ay naging mas light ang pakiramdam namin sa loob.

Tumingin ako kay Jolina na nakatingin pa rin out of nowhere..

Me: Baks.. Gusto mo na bang kumain? Wag ka nang pabebe jan.

Ngumiti ako sa mga teammates ko at sinenyasan sila na umakto na parang normal. Hindi namin dapat itrato si Jolina na parang may sakit talaga.

Dati iniligtas niya ako sa kapahamakan at ngayon siya naman ang nangangailangan dapat iligtas ko din siya sa sakit na nararamdaman niya.

I know you'll get better Jols. Di ka namin iiwan. Kasama mo kami sa laban na to.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon