Chapter 57

102 2 3
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 57

Ysa's POV

Pinaupo ako nila tita sa labas ng kwarto ni Eya dahil sa mahalagang sasabihin daw nila sa akin. Kahit kinakabahan ay pinili kong ituon ang atensyon ko sa mga magulang ni Eya..

Tito: Actually hindi namin alam kung paano magsisimula na sabihin sayo ang tunay na kalagayan ni Eya. Kahit nga siya ay hindi alam ang bagay na ito. And to tell you honestly, mas alam pa nang pamilya nila Jolina ang kalagayan niya kaysa sa kanya mismo.

Tumatango na lang ako dahil walang paglagyan ang kabang nararamdaman ko.

Tito: Si Eya ang pinakamasayahin sa mga anak ko. Madalang ko lang siya makikitang malungkot dahil kuntento na siya sa buhay na meron kami noong bata pa lamang siya. She always smiles and laughs especially kapag lagi niyang kasama si Jolina. Sanggang dikit kasi ang dalawa na yan kahit noong mga bata pa sila. It can see similarities between the two of them especially in taking things on their own. Iisa ang kasiyahan at iisa ang gustong marating sa buhay. Bata pa lang, makikita mo na yung tatag nang pagkakaibigan nila. Pero kinailangan naming lumipat noon dahil sa magandang opportunity na inalok sa akin para pag aralin sila ni Ate EJ niya sa UST, sa kagustuhan kong maibigay ang the best para sa kanila ay tinanggap ko.

Naiintidihan ko ang mga sinasabi ni Tito. Gusto lang nila na ang makakabuti sa anak nila. Eya is blessed with her family.

Tito : I thought it will be good because new environment and a better future para sa mga anak ko pero nagkamali kami.

Natigilan ako sa sinabi ni Tito..

Tito : Ilang araw pagkatapos naming makalipat sa Manila ay nag iba si Eya. Nagiging mainitin ang ulo, minsan okay pero minsan ay hindi. Nagtagal ang ganun hanggang sa isang araw narinig na lang namin siyang tumatawa pero nang tignan namin ay umiiyak siya. Doon namin napagtanto na hindi na normal ang nangyayari sa kanya.

'Oh my gosh no.'

Nagpakonsulta kami at sinuri nang mga doctor ang kalagayan niya. Noong una ay ayaw ko maniwala sa sinabi nang doctor na kalagayan nang anak ko kasi napakabata niya pa. She was only 10 years old that time. But then the doctor said that early teenagers talaga ang prone nang ganung sakit.

Tinignan ko ang mata ni Tito na kanina pa ata gustong umiyak habang inaalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na taon.

Me: Ano pong s-sakit ni Eya?

Nauutal utal pa ako kasi hindi ko alam kung handa na ba akong marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

Tito : She has a Bipolar I Disorder. It's a mental disorder kung saan nagbabago ang mood ng isang tao within splits seconds. Iiyak siya tapos mamaya tatawa na naman at may pagkakataon na nasasabay niya yun. Sabi naman ng doctor niya ay hindi naman daw siya kasing lala ng iba pero maganda naman na agapan. They give us a list of medicines that she could take to at least minimise the time that her disorder attacks but we don't have the courage to tell her the truth that time kaya sinabi na lang namin na para sa immune system niya ang mga gamot kaya wala siyang nagawa kung hindi inumin. Takot kaming malaman niya ang totoo kasi ayaw namin isipin niya na may sakit siya, na isipin niyang nababaliw na siya. Masakit para sa amin ang umamin ng isang bagay na alam naming makakasakit sa damdamin nang anak namin kaya minabuti na lang namin na sa iba sabihin ang problemang kinakaharap namin, and it was Jolina's family.

Me: Close po talaga kayo nang pamilya nila nuh?

Tito : Tama ka, malapit talaga ang pamilya namin sa isa't isa. Naisip ko na siguro nga, mali ang pag alis namin ng Bulacan. Sabi kasi ng doctor na minsan daw ay lumalabas ang ganung sakit ng isang tao kapag may nawala ang level of satisfaction ng isang tao when it comes to happiness. Kapag hindi siya nakuntento sa saya na meron siya ay nati-trigger na lumabas yung isang side niya na malungkot at walang kagana gana. Kaya kapag gusto niya na ipakita na masaya siya kahit hindi, nagsasalubong ang mga nararamdaman niya at hindi niya na makontrol.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon