UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)*10 YEARS EARLIER*
"JOLINA!! ilabas mo na si Eya!! Hinahanap na siya ng mga magulang niya!"
Naririnig ko na naman ang sigaw ng nanay ko.. Araw araw namang ganito e.. Maglalaro kami tapos sisigaw si Mama kung pinapauwi na si Eya
Pero si Eya....
"Labas na tayo Jolina hihihi"
Ayun... Magpupumilit lumabas para makatakas na naman kami sa mga magulang namin..
Araw araw ganito na ang nakasanayan namin ni Eya, hindi na nga kami mapaghiwalay..
"Eya, umuwi ka na kaya, gabi na ohhh"
"Jolina naman dayaan e.. Tara na kasi.."
Ganyan si Eya, masyadong mapilit medyo spoiled pero di naman kasing lala nang iniisip niyo 🤣
"JOLINA, pauwiin mo na yan si Eya at kakain na tayo!"
sabi ni mama"Eya bukas na lang tayo ulit maglaro, aasikasuhin ko pa din kasi si Jerick e."
"Sige na nga.. Bukas ahhh!"
"Oo naman, magkikita pa tayo bukas e!"
malawak ang ngiting ibinigay ko sa kanya.Sabay na kaming lumabas sa kwarto ko at hinatid ko na siya hanggang gate..
"Bye Eya, bukas ulit"
sabi ko..Kumaway na lang din si Eya at tinakbo ang bahay nilang hindi naman kalayuan sa amin, kung saan naghihintay ang tatay niya.
Lumipas ang ilang araw at laging ganun ang lagi naming ginagawa. Mag-aaral sa umaga at pagdating ng hapon paggaling sa eskwelahan ay maglalaro. Ang sarap pala nang ganitong pakiramdam yung wala kang problema at masayang naglalaro lang.
"Jolina, paano kung isang araw malaman mo na aalis na ako? Anong gagawin mo?" tanong ni Eya habang naglalaro siya ng paper dolls..
Di ako nakaimik sa tanong ni Eya..
"Uyy tinatanong lang naman kita!" - dagdag niya pa
"Kapag malaman ko na aalis ka?"
"oo nga, paulit ulit ka naman e" - medyo pikon na sabi niya
"Malulungkot ako at syempre hahanap hanapin kita. Ayoko kayang mawala ang best friend ko" sagot ko
"pwede ka bang mangako sa akin jolina?" - sabi niya
"Oo naman. Ano ba yun?"
"Ipangako mo sa akin na tutuparin mo ang mga pangarap nating dalawa kahit dumating ang araw na nasa malayo na ako" - sabi ni Eya
Natahimik ako ng ilang sandali.. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ni Eya..
"Bago ako mangako, sabihin mo nga sa akin..." huminto ako para tignan si Eya ng mata sa mata.
"Aalis na ba kayo?" nasabi ko din
Ilang minutong hindi nakapagsalita si Eya, nakatingin lang siya sa akin at nang iyuko niya ang kanya ulo ay para ko na ring natanggap ang sagot sa mga tanong ko.
"gusto kasi nila papa na sa ust na kami mag aral ni ate ej.. maganda daw kasi ang opportunities doon at ipapasok daw ako nila papa sa volleyball team."
"Eya, maganda din naman dito sa Bulacan ahh.. Di ba nga sabi mo next school year mag-try out tayo sa volleyball team sa school? Sabay tayong maglalaro Eya." wika ko pa
"Pero jolina, nakapagdesisyon na sila papa.. Ngayong week ay mag-aadvance exam ako sa mga remaining subjects kasi next week.."
"Aalis na kayo?" walang emosyon at walang pasabing sagot ko sa kanya..
Natahimik na naman siya.
"Jolina, sorry. Ayoko ko din naman ang umalis e. Pero sila papa naman ang masusunod e." - sabi ni Eya
"Naiintidihan ko Eya, pero sana dumating ang araw na hindi kana dedepende sa desisyon at gusto nang mga magulang mo. Sana pagdating ng araw, sariling desisyon mo naman ang masunod"
Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Masasabing bata pa lang kami pero napakaimportante na sa akin ni Eya.
Lumipas ang isang linggo, napakabilis lang ng mga nagdaang araw kung dati isang linggo ang binibilang namin sa pag-alis nila Eya, ngayon minuto na lang
"Mag-iingat ka dito Jolina ha" - sabi niya
Ngumiti na lang ako at niyakap siya.
"Galingan mo sa ust ha" sabi ko
"Ikaw din galingan mo ha. Dapat sa susunod na pagkikita natin parehas na tayong malakas." - sabi niya
"Eya pangako, tutuparin ko kung ang mga pangarap natin sa isa't isa." sabay taas ko ng kanang kamay
Tinaas din ni Eya ang kanyang kanang kamay
"Jolina, nangangako din ako na tutuparin ko ang pangarap natin sa isa't isa."
"Magiging part tayo ng national team ha" sabi ko
"Oo naman, tatalunin natin sila" sabi ni Eya
At sabay namin pinagdikit ang aming kamay tanda ng pangako sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE