UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 24
Eya's POV
Katatapos lang namin panoorin ang laban ng Ateneo at La Salle dito sa dorm. Namamangha pa din talaga ako sa mga ipinakita ni Jolina mula depensa at opensa.
Ysa: Grabe ang galing galing talaga Jolina
Sinabi niya yun with her dreamy eyes on. Fudge??
Me: Type mo ba si Jolina?
Ysa: Obvious ba Ejiya? Nakikita mo ba yung itsura ng mismong kaibigan mo?
Me : Oo naman! Tingin mo sa akin?!
Ysa: Kahit sinong hindi straight na babae ay mahuhulog sa kanya Ejiya. Sa porma, kilos, pananalita at ngayon pati sa paglalaro niya. Eya hindi ko ginusto ang magkagusto kay Jols, nagkusa siya e. Kapag nagkusa na yung puso mo, wala ka nang magagawa jan kaya dapat sundin mo na lang.
Me: Chura mo! Sa kanta mo lang nakuha yan e!
Ysa: Bakit ba?! Para may masabi lang!
Natawa na lang ako..
Malakas nga ang dating ni Jolina at oo malakas ang charisma niya pagdating sa mga babae. Pero sorry na lang sila dahil loading yang babae na yan hahaha. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa din gets kung bakit type siya ng ibang babae.
Alina: Eya.. Di ba kailangan mo yung Dela Cruz?
Me: Opo Ate.
Alina: Malakas siya ha.. Alam mo malaki future nun sa volleyball, parang Ara Galang maglaro; madiskarte at alam kung paano makakapuntos.
Me: Ngayon ko lang din nakita ang ganyang laro niya Ate. Kahit ako ay na-aamaze.
Sisi: Kailangan natin siyang pag aralan para sa laban natin sa kanila this season. Sa lahat ng bagong addition siya ang pinaka-efficient, siya ang baraha ni Coach Ramil ngayon.
Tumango na lang kami dahil ganun din ang nasa isip namin. Hindi siya nilabas ni Coach Ramil sa Unigames at first game pa lang ng Season ay ginamit na siya, siya ang itinago ni Coach Ramil for this season.
After manood ay nagtext na ako ng pagbati kay Jolina. Tapos na din kami kumain at humiga na sa higaan.
Bago matulog ay nag scroll pa ako sa cellphone ko..
Trending pala si Jolina sa twitter.. Nakakaproud naman..Biglang may tumawag sa akin..
+63948@@@@@@@
-calling -Sinagot ko na lang kasi baka imoirtante.
Me: Hello sino po sila?
: Hi babe..
Tinignan ko ang numero at medyo natakot dahil matapos ang halos apat na buwan ay muling narinig ang boses.
Me: A-Anthony?
Napabalikwas naman sila Ysa nang marinig nila kung sino ang kausap.
Anthony : Akala ko nakalimutan mo na ako. Kamusta ka na?!
Me: Anong kailangan mo?
Anthony : Ikaw.
Nanindig ang mga balahibo ko.
Anthony : I want you back Eya.
He wants me back? For what?!
Me: No Anthony.. Ayoko.
Anthony : Pardon?
Huminga ako ng malaim..
Me: I have enough Anthony. Ayoko na!
Anthony : You have enough? O baka naman you have someone else?
Me: Anthony?!
Anthony : Wag mo akong tinatarando Eya!! You have enough of me? We lasts for 3 years tapos sasabihin mo sa akin you have enough? Dumating lang ang Jolina na yan! Nagbago ka na!
Me:, No Anthony! Tandaan mo to! Walang kinalaman ang kung sinong tao sa paghihiwalay natin! This is between you and me! Labas ang kung sino dito!
Anthony : See?? Tumatapang ka na Eya.. You're not my old Eya.
Me: And you're not the Anthony I loved. Kaya please lang tigilan mo na to.
Anthony : Oh no Eya. Titigil lang ako kapag nasa akin ka na at masiguro ko na wala nang asungot sa pagitan natin.
Me: Anthony! Tigilan mo na si Jolina!
Anthony : I love you babe. Bye.
Me: Anthony!!
Narinig ko na lang ang pagbaba ng linya. I'll try calling him back pero patay na ang cellphone niya.
Me: Shet!!!
Ysa: Eya..
Me: Hindi siya titigil. Hindi siya titigil hanggat di ako bumabalik sa kanya at hanggat hindi nawawala si Jolina..
Alina: Eya.. Kailangan lang natin mag ingat ngayon. Hindi na nagpakita pa si Anthony for the past 4 months at ngayon lang siya nagparamdam.
Me: Kasalanan ko to Ate. Kasalanan ko kung anuman ang mga mangyayari kay Jolina. Kasalanan ko to lahat e.
Ysa: Eya. May sariling pag - iisip yang si Anthony.. Lahat nang ginagawa niya hindi dahil sa kung sinong tao ang may kasalanan, lahat nang yun kasalanan niya hindi sayo.
Me : Hindi na ba ako pwedeng sumaya? Nakakapagod na ang laging ganito.
Caitlyn : Eya.. Sasaya ka din. Hindi naman kailangang hanapin mo pa e. Kasi minsan kusa na lang siya darating at minsan hindi natin alam matagal na siyang dumating, naging bulag at duwag lang tayong umamin.
Masaya ako dahil meron akong mga teammates na nakakaintindi sa kalagayan ko. Kapag kasi nasa bahay ako feeling ko kailangan kong sumunod sa mga sinasabi nila at hindi importante ang opinyon ko.
Me : Salamat. Salamat sa inyong lahat.
Pagkatapos ng konting drama ay nagdesisyon na din kaming matulog. Sana dumating ang araw na maging ayos na ang lahat.
Ysa's POV
Nakakaawa na talaga ang kalagayan ni Eya.. Sana kung magmamahal ako hindi ako makahanap ng katulad ni Anthony. Haist.
*beep* *beep*
Tss. Panira naman ng moment to.
From: Jolina <3
Thanks Ysa. Good luck sa mga laro niyo.
Sheeeeeetttt! Pasampal naman jan ohh.
To : Jolina <3
Salamat din.. Good luck din sa mga laro niyo.
Nagpagulong gulong ako sa kama dahil hindi ko na mapigil ang kilig ko.
Tinignan ko pa ang wallpaper ko sa phone.. Shiiitttt! Mas lalo ata akong kinilig hahahahaah.
Picture kasi naming dalawa yung wallpaper ko. Remember yung sa Bacolod kami? Naka-akbay pa siya sa akin..
'Grabe.. Ano kaya ang feeling na mahalin ka ng isang Jolina Dela Cruz?!'
Iniisip ko pa lang na malapit siya sa akin di ko na mapigilan ang mga ngiti ko.
: Hoy Ysa! Nagdedeliryo ka na ba?!
Me : Tse! Inggit ka lang!
Caitlyn : Si Jolina na naman yan nuh?!
Me: Malamang! Alangan namang si Anthony!
Caitlyn : Gaga! Marinig ka ni Ejiya!
Me: Tulog na sis! At tsaka di na yan affected nuh!
Umiling iling na lang Si Caitlyn at tumalikod sa akin.
Ngiting ngiti pa din ako habang tinitignan si Jolina sa phone ko.
'Goodnight Jols' *kiss sa cellphone*
Shiit hihihihihi ❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE