Chapter 38

76 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 38

Marionne's POV

Mabilis ang naging pagpunta ko sa dorm para kausapin si Jolina.. Ano ba naman kasi si RapRap ngayon pa nagkaganun..

Pagdating ko sa dorm ay dumiretso ako sa kwartl namin..

Me: Jols??

Jols: Mars. Bakit?

Me: Pasensya ka na kay RapRap ahhh. Basag trip talaga minsan yun e.

Jols: Pero hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya..

Kahit ako ay hindi ko din maintindihan kung bakit siya nagkaganon. Bakit siya magsasalita ng mga ganung salita kay Jolina..

Jols: He's talking as if he really knows me.. Mars gaano mo kakilala si RapRap?

Me: Well kaklase ko siya sa ibang subjects. Kasama namin nila Wayne at Kieffer sa lokohan pero minsan tahimik talaga yun. Bakit?

Nakita ko ang pag aalinlangan sa mga mata niya.

Jols: Kanina kasi nang kausap natin silang tatlo biglang nakaramdam ako ng kakaiba. Something weird.

Me: Aba straight ka na ulit?

Malay mo di ba? May nagustuhan siya doon sa tatlo.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng hampas ng palad sa batok ko.

Jols: Gago ka ba?!

Me: Chill. Sabi ko nga hindi.. Ano bang naramdaman mo?

Jols: Parang.. Parang may nagbabantay ng bawat galaw ko. Yung instinct ko sinasabing may nagmamasid sa akin at sumusubaybay sa mga kilos ko. Parang I feel so guarded.

Minsan talaga hindi ko maintindihan yung mga gustong iparating ni Jolina.

Me: So ang gusto mong sabihin ay isa sa kanilang tatlo ang nagbabantay sa bawat kilos mo?

Jols: Parang ganun na nga.

Me: Stalker baks. Ganun?

Jols: Yes Stalker.

Yes tumama din!

Jols: BUT NOT IN A GOOD WAY.

Me: Jols minsan may mga kutob tayo na hindi tumatama kasi wala naman akong nakikitang rason para gawin ng tatlong yun sayo.

Jols: Hindi pa ako nagkamali sa mga kutob ko Marionne. Remember nung accident sa Bacolod? Nakaramdam ako ng hindi maganda kaya bumangon ako at nakita kong wala ka na sa higaan mo, in that moment I have uncertainty kasi feeling ko may masamang mangyayari; at tama ako. My instinct never fails me Mars.

Ngumiti naman ako sa kanya. Actually naniniwala naman ako sa kakayahan ng bakla na to pero hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung sino sa tatlo ang tinutukoy ni Jolina. Kung totoo man ang kutob ng baklang to, ano ang motibo niya at bakit si Jolina?

*************

Eya's POV

Maaga ang naging paggising ko dahil finally ay makakatraining na ako ngayon..

Ysa: Aga mo naman nagising?

Me : Excited lang ako! Tara na Ysa! Bangon na!

Ysa: Oo na! Kagabi lang tulala ka e.

Pinaalala na naman niya ang kagabi..

Malakas talaga ang pakiramdam ko na iniiwasan ako ni Jolina. Hindi kasi siya ganun. Most of the time she makes an effort para makamusta at makausap ako pero kagabi para siyang ilag sa akin.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon