Chapter 35

88 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 35

Marionne's POV

Panibagong araw which only means na panibagong training na naman..

Pagtingin sa higaan ni Jolina ay wala na siya..

'Nauna na naman siyang nagising'

Pagbaba ko ay naabutan ko siyang nakatulala habang may pinipritong itlog..

'Okay lang kaya to?'

Me: Jols.. Ok ka lang?

Ngunit nanatili pa rin siyang nakatulala at malayo ang iniisip.

Me: Jolina, nangangamoy na ang niluluto mo..

Pero ganun na pa din siya.

Anak ng!!

Me: Yung itlog mo uy!!!

Jols: Ay itlog ko!! Ano ba Marionne!!

Me: Gaga yung itlog na niluluto mo sunog na!

Jols: Ay shit!!

Dali dali niyang inalis ang itlog at pinatay ang apoy.

Me: Ok ka lang ba?

Jols: O-oo n-naman..

Me: Bakit nauutal ka? At tsaka anong ayos ka lang? Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot. Kung di kita sinigawan di mo pa ako mapapansin. Ano bang problema mo?

Jols: Pls Marrione, I will tell you when I'm ready pero wag naman ngayon pls.

She sounds so serious that I found myself nodding. Mukhang malaki nga.

Maya maya pa ay bumaba na din ang mga teammates namin para kumain at makadiretso na ng Razon..

Pagdating namin ay diretso agad court at warm up. Walang pwedeng sayangin na oras dahil may klase pa ang iba sa amin..

Pasimple kong tinitignan si Jolina. Paminsan minsan ay pumapalo siya and she's doing good but you can see there's bother in her eyes. Lagi rin siyang tumitingin sa mga teammates namin, para bang tinitignan niya kung nakatingin kami sa kanya. Ano bang problema ng baklang to?

Kagabi after ng team dinner hindi na siya kumibo at nagsalita pa. She seems so bothered about something pero hindi ko maintindihan kung ano yun..

Erika : Uyy Mars kanina ka pa nakatingin kay Jols.

Me: Wala ka bang napapansin sa kilos niya ngayon? Para siyang ewan.

Erika: Para siyang ano?

Me: Para siyang ilag sa lahat.

Erika : Kinausap ko siya kagabi kaya hayaan na muna natin siya.

Me: Anong pinag usapan niyo?

Erika: Soon malalaman mo din.. Basta about sa sarili niya ang pinag usapan namin..

Nagpatuloy na lang kami sa training at dumiretso sa practice game..

CRDJ: Jolina!!! ANONG PALO YAN?!!

Jols: Sorry Coach. Bawi ako..

CRDJ: Kanina ka pa ha. Umayos ka..

Jols:Yes Coach..

Tinignan ko naman si Erika at ganun pa din ang tingin niya sa akin. Ano ba talagang pinag usapan ng dalawa na to?

Natapos ang training namin at halos naligo si Jolina sa pagsabon sa kanya ni Coach Ramil.. Out of focus kasi siya..

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon