Chapter 62

104 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 62

Jol's POV

Pagkauwi ko sa dorm ay naabutan ko sila sa sala na parang ang lalim ng mga iniisip.

Erika: Jols!!!

Me: Bakit? Anong nangyari?

Des: It's about Anthony..

Anthony?

Me: Oh eh di ba nakakulong na siya?

Des : Yes and ngayong araw dapat ang paglipat sa kanya sa bilibid pero..

Me: Pero ano?

Nagkatinginan silang lahat bago tumingin sa akin..

Me: Ate Des. Ano?

Des : Nakatakas ka siya e..

What the??!!!

Me: Ano?!! Paano naman?

Tin: Jolina kumalma ka muna pwede? Ipapaliwanag namin basta kumalma ka muna..

Akala ko pa naman ay magiging okay na ang lahat dahil nakakulong na ang hayop na yun..

Des: Ililipat na sana siya pero along the way merong humarang na mga SUV sa patrol na maghahatid sa kanya, dahil sa konti lang ang mga bantay niya ay mabilis siyang naitakas ng mga sakay ng SUV..

Me: Nakita daw ba ang plate number? Yung mga tumulong sa kanya nakilala ba?

Tin: Based sa CCTV footage, walang plate number ang gamit nilang sasakyan at lahat sila ay pawang nakatakip ang mukha..

Shit.. Bakit ba hindi matapos tapos ang mga problema na nangyayari?

Me: Babalikan niya ako. Nakakasiguro akong babalikan niya ako..

Tin: Natatakot na kami Jolina. Kung dati nakakatakot lang siya sa tingin namin mas matindi na siya ngayon. Natatakot kami sa mga pwede niya pang gawin, lalo na sayo.

Me: Hindi ako takot sa kanya pero natatakot sa mga pwede niyang gawin sa inyo.

Natahimik naman sila at nagsipatunguan..

Me: Based on my observation, hindi niya ako kayang harapin kaya ginagamit niya ang mga tao sa paligid ko, at isa kayo sa mga yun.

Kailangan na naman naming mas mag ingat ngayon..

Pumunta na lang ako sa kwarto at nag iisip isip nang mga bagay nang pwedeng mangyari at mga bagay na pwede kong magawa sa oras na makaharap ko na siya ulit.

Mars: Jolina..

Me : Mars, bakit?

Mars: Naisip ko lang na sana matapos na lahat nang to. Ang dami na nating pinagdaanan.

Me : Matatapos din to Marionne. Sisiguraduhin kong matatapos din to..

Pagkatapos nang pag uusap namin ay tinawagan ko si Eya para sabihin sa kanya ang masamang balita..

Me: Hello Eya?

Eya: Oh Jols. Bakit? Napatawag ka?

Me: Nakatakas daw si Anthony..

Eya: Ano?! Paano?

Me: May tumulong sa kanya. Magdoble ingat sana kayo jan kasi we don't know kung kailan siya aatake ulit..

Eya: Akala ko pa naman tapos na ang problema natin sa tao na yan. Hay naku!

Me: Kahit ako, akala ko tapos na to.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon