UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 29
Eya's POV
Sa mga oras na kasama ko si Jolina dito sa ospital ay hindi ko maipalawanag ang mga nararamdaman ko. Yung mga simpleng salita niya ay talagang tumatagos sa puso ko.
Ang weird pero ayoko na hindi nakikita si Jolina. Naiisip ko pa lang na lalabas na siya bukas at babalik sa dorm nila sa La Salle ay namimiss ko na siya agad.
Narinig kong nagbukas ang pinto kaya tumingin naman ako kung sino..
:Girl ito na damit mo ohh.. Maligo ka na..
Me: Thanks Ysa. Pakibantayan naman yung pasyente ko ohh
Ysa: Yes Doktora hahahaha.
Me: Tse manahimik ka hahahaha..
Naligo na ako dahil kahapon pa akong walang kaligo ligo.
Nakakahiya niyakap ko pa naman siya kanina..Pagkatapos ko magligo at magbihis ay lumabas na din ako ng CR.
Paglabas ko ay natutulog pa din si Jolina at tinitignan siya.
Me: Hoy! Grabeng na ding bantay yan! Parang pati paghinga binabantayan mo ahhh.
Ysa: Alam mo panira ka! Syempre bukas babalik na siya sa dorm nila. Sinusulit ko lang yung mga oras na nandito pa siya.
Me: Yung mga mata mo kasi parang anytime tutunawin si Jolina..
Ysa: Alam mo girl? Kung hindi ka lang straight, iisipin kong nagseselos ka..
Me: Ano? Ako magseselos? Saan?
Ysa: Naku Ejiya Laure. Alam mo naman na may gusto ako kay Jols di ba? Syempre tititigan ko talaga siya ng ganito kasi nga type ko siya.
Me: Oh tapos?
Ysa: Eh bakit parang nagseselos kapag tinititigan ko siya?
Me: Huy hindi nuh!
Ysa: Naku Ejiya Laure..
Me: Tigilan mo ako Ysabelle Jimenez!
Napalakas ata ang sigaw ko dahil medyo nagising si Jolina..
Jols: Uyy. Ysa..
Ysa : Jolss..
Yumakap si Ysa kay Jols at niyakap naman siya nito pabalik.
Ysa: Ayos na ba pakiramdam mo? Yung sugat mo?
Jols : Ah oo ok na ako..
Ngumiti naman si Ysa ng pagkatamis tamis kay Jolina.
Ysa: Kumain ka na ba? Pagbabalit kita ng prutas mo dito.
Jols : Okay lang busog ako. Thank you Ysa.
Ysa: Ikaw girl gusto mo?
Me: Saksak mo sa baga mo.
Ysa : Ano?!
Me: Wala. Ang sabi ko busog pa ako girl..
Ysa: Okay.. Ako na lang kakain.
Kapal ng mukha hindi naman siya ang pasyente..
'Mabulunan ka sana'
Tumagal pa si Ysa sa ospital pero hindi din nagtagal dahil may training pa ng after lunch..
Jols: Hindi mag-training?
Me : Walang magbabantay sayo dito..
Jols : Kailangan mong makapagtraining.
Me: Nagkausap na kami ni Coach Kung Fu at okay naman daw kaya manahimik ka na jan.
Jols: Type ba ako ng kaibigan mo?
Me : Huh?
Jols: Si Ysa, dati ko na kasing napapansin na para siyang kinukuryenteng sisiw kapag nakikita ako.
Me : At ngayon ko lang napansin na para kang may sariling ipu-ipo sa lakas ng hangin mo.
Jols : Hoy nagsasabi lang ako ng totoo nuh at based yan sa mga napapansin ko.
Me: Oo na.. May gusto sayo yun kaya ganun..
Jols: Kita mo na.. Oh edi tama ako.
Napailing na lang ako..
Jols: Eya sa tingin mo, bakit ang daming nagkakagustong babae sa akin?
Me: Alam mo? Nasaksak ka lang sa tagiliran pero naging mas saksakan ka na nang yabang.
Jols: Hoy hindi ahh. Bakit naman? Totoo kaya sinasabi ko.
Me: Ewan ko sayo!
Jols: Eya pagbalat mo naman ako ng dalanghita..
Nangunot na naman ang noo ko.
Me: Akala ko ba hindi ka gutom?
Ngumiti na lang siya sa akin at nagsalita.
Jols : Baka kasi subuan ako ng kaibigan mo kanina kaya nagsabi na lang ako na busog ako.
Me: Napaka-assuming mo nuh?
Jols: Bakit sa tingin mo, hindi niya gagawin yun?
Me: Tumigil ka na at baka ikaw pa ang balatan ko mamaya.
Jols: Kita mo na hahahaha
'Tuwang tuwa ka namang bakla ka. Pakain ko sayo to ng buo e'.
At buong maghapon kaming kumain at nag asaran na dalawa. Tulad ng dati..
Anthony's POV
PALPAK! PALPAK! PALPAK
Buwisit na mga inutil na yun!! Hindi ginagawa ng maayos ang mga gagawin.
Kukunin lang si Eya ang dami pang palpak.. Natuwa na ako nung binalita sa akin na nasaksak nila si Jolina pero sinabihan ako ng informant ko na stable na ang lagay nito at gising na din.
Nabalitaan ko na din ang mga kasong nakapangalan sa akin.
PALPAK talaga!!
Kailangan ko munang palamigin ang sitwasyon, kapag lumamig na, dun ako sususgod ulit..
"Magsaya kayong lahat dahil ngayon lang yan"
: Boss anong susunod na plano?
Me : Magpalamig muna tayo. Masyadong maingay pa ang mga balita sa atin, kailangan mag double ingat.. Tatawagan ko na lang kayo kung kailan ko kayo kailangan.
: Yes Boss..
I opened my wallet and saw the beautiful face of my ex girlfriend..
"Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin, gagawin ko ang lahat kahit pa sa madahas na paraan"
Pero bago yan, magpapahinga muna ako.. Masyadong mainit ang mga balita at pangalan ko kaya kailangan ko munang magtago..
Magtutuos pa tayo, Jolina.. Tandaan mo yan.
Hindi hindi ko malilimutan ang mga nangyari pero makakapahintay ng panahon ang paghihiganti ko..
May oras ka din sa akin Jolina.
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE