Chapter 59

110 3 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 59

Marionne's POV

Natahimik sila matapos kung ikwento lahat nang mga nalaman ko. Actually nahihiya pa nga akong humarap kanina kay Eya dahil sa mga nasabi ko sa kanya sa huling pag uusap namin..

Erika : Baks. Pwede ba kaming sumama bukas sa pagbalik mo doon? Gusto na namin silang makita.

Me: Sige.. Matulog na tayo para maaga tayong makapunta nang ospital bukas.

Natulog kami nang maaga dahil marami sa amin ang dadalaw bukas kay Jolina at Eya..

Kinabukasan ay naging maaga ang pag aasikaso namin dahil magdadala na din kami nang pagkain nilang dalawa.
Yung mga teammates ko na ang nag-insist na ipagluto silang dalawa. Halos lahat kasi kami ay galit na galit kay Eya nitong mga nakaraang araw..

Pagdating namin nang ospital ay dumiretso na kami kaagad sa kwarto nilang dalawa.. Ako muna ang nagbukas nang pinto at naunang magpakita sa kanila, pagbukas ko ay naabutan ko ang tatay ni Eya na nakaupo sa couch at si Ate Laycee na may kausap sa cellphone habang nagkukwentuhan naman ang dalawang pasyente nila.

Nang makita ako ni Eya at parang bahagya siya natahimik at hindi makatingin sa akin..

Jols: Mars.. Nakapahinga ka nang maayos??

Me: Oo. Nga pala may mga bisita ka..

Pagbukas ko nang pinto ay bumungad ang mga kasama ko na nagdidikdikan sa pintuan kaya ayun, nasubsob. Parang mga tanga talaga..

Erika: Aray naman.. Huhu ang fes ko!

Des: Erika ang siko mo!

Tin: Aray!!

Natawa na lang kami sa inakto nila at napatingin naman sa amin si Ate Laycee na may kinakausap pa din sa cellphone..

Jols: Para kayong mga shunga jan. Umayos nga kayo, ang iingay niyo..

Natulala naman sila sa pagsalita ni Jolina at sabay sabay bumangon at pumunta sa higaan niya.

Erika: Namiss ka namin bakla!

Des : Namiss ka na namin Jols. Buti naman at magaling ka na.

Very evident ang saya sa mukha ni Jolina at kabaligtaran naman ang kay Eya..

Nakayuko ang ulo, hindi nasasaktan, hindi nakikipag usap at walang gana. Lumapit ako sa kanya at nakita kong nagulat siya nang makitang lumapit ako sa kanya.

Me: Uhh Eya..

Eya: Mars. Pasensya ka na ha.. Alam kong pinapalayo mo na ako kay Jolina pero kasi hindi ko pa kaya ngayon. Wag kang mag alala pagkalabas namin sa ospital hinding hindi na ako..

Me: Eya.. Hear me out first okay?

Tumango siya at itinuloy ko ang mga sinasabi ko.

Me: Whether you believe it or not. Naniniwala na ako na hindi mo sinasadya ang mga nasabi mo kay Jolina. She explains why and I am convinced that you are not. Noong una ay galit na galit ako sayo dahil sa mga sinabi mo sa kanya, but Jolina enlightens me and make me understand you.

Ngumiti siya at halos naiiyak na naman.

Me : Hindi pa kita napapasalamatan dahil sa kahapon. Believe it or not, ikaw yung naging rason kaya gumising na siya. Thank you kasi after all that you've been through together, pinili niyo pa din na bumalik sa dating kayo. Eya, meron lang ako gustong hilingin sayo..

Eya: Ano yun Mars?

Me: Alam namin na mahirap intiindihin si Jolina minsan dahil alam mo naman ang personality niyan di ba? Mas okay nang nasasaktan siya wag lang ang mga taong mahahalaga sa kanya. Pero Eya sana wag na wag mo na siyang iwan. Kasi Eya yung mga pinagdadaanan niya sa mga nakalipas na mga linggo ay hindi naging madali.. Sana kahit na anong dahilan pa yan, mas pagkatiwalaan na lang natin siya. Importante tayo sa kanya, lalong lalo ka na.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon