Chapter 17

89 2 0
                                    

UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)

Chapter 17

Jol's POV

Grabe nakakapagod maglakad lakad.. Buti na lang talaga at kasama ko yung dalawa at least may kasama ako pabalik.

Mars: Baks. Tingin ko type ka nung kaibigan ni Eya, yung Ysa.

Erika : Ayy oo nga. At tsaka ikaw naman, bakit mo naman inakbayan yun kanina?

Me: May masama ba sa pag-aakbay ko? Friendly gestures lang naman yun para sa akin. Kahit sa inyo ginagawa ko yun.

Mars : Pero baks siguro naman napansin mo yung ibang kinikilos ni Ysa sayo?

Tatanggi pa ba ako? Eh kahit ako nga naiilang sa ginagawa niya.

Me : Oo naman, medyo nakakailang nga e. Pero okay naman si Ysa ahh. Masaya siya kasama.

Erika: Baks sa tingin ko lang ha. Bet na bet ka talaga ng friend ni Eya kasi kung makatitig sayo kanina parang kang tutunawin besh.

Me: Tigil tigilan niyo na nga ako sa mga pang aasar niyo na yan.

Mars: Pero seryoso na Jols. After all this years, pinakilala ka na namin sa mga naggagwapohang lalaki sa la salle,

Kumunot naman ang noo ko. Gago ba to si Marionne? Kailan pa naging gwapo mga yun?

Mars: Napakilala ka na rin namin dun sa mga pinsan namin na check na check ang itsura.

Kilabutan ka naman Marionne pls

Mars: Wala ka pa ring natitipuhang lalaki?

Me: Hay naku. Ito na naman..

Mars: Jols kada pag uusapan natin ang topic tungkol jan sa preferences mo lagi ka na lang ilag. Ilang taon na kasi, oo gets naman na hindi mo pa yan priority, na mas focus ka sa volleyball career at pag aaral mo. Pero hindi ka na ba nagtataka kahit sarili mo na lang kung bakit wala kang natitipuhang lalaki?

Napaisip ako sa mga sinasabi ni Marionne, actually tama siya. Wala nga akong natitipuhang lalaki after all this years. At ramdam ko sa sarili kong wala akong interes sa kanila.

Erika: Ay true! Kahit crush o nababaitan ka lang na lalaki wala kang nakukwento.

Napapaisip na naman ako..

Mars: Baks alam mo naman na kahit sino ka pa at ano ka pa, tanggap ka namin di ba? Basta kung may gusto kang sabihin or aminin o kung naguguluhan ka man, kausapin mo lang kami ni Erika.

Actually I don't know who I am anymore. Nakakalito na rin kung bakit ganito yung gusto kong damit, sapatos, way ng pananamit. At higit sa lahat..

Tumunog ang cellphone ko. May text na dumating

Eya Laure

Jols maraming salamat ulit sa pagsama sa amin ha. Sa susunod na gala ulit. Ingat sa biyahe. Lovelots.

Kung bakit napakasaya ng pakiramdam ko kapag lagi kong kasama at kausap si Eya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Eya's POV

Kinakabahan ako habang papasok sa bahay-tuluyan namin dito sa Bacolod.

Me: Caitlyn, Ysa pls wag niyong mababanggit na kasama natin si Jolina ha. Baka magalit na naman si Anthony e.

Ysa: We got you sis. Tara na

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko kaagad si Anthony na nakayuko ang ulo habang nakaupo sa sofa.

UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon