UNDER SPECTRUM 🌈
( a Jolina Dela Cruz and Eya Laure Fan fiction)Chapter 8
Nasa training kami ngayon at please lang wag niyo nang tanungin kung anong naging reaksyon nila nung makita nila ang bagong gupit ko.
Nakakahiya kasi magkwento at hindi ako komportable sa mga ganung bagay..
Simula din nang nagpagupit ako ay nakapagtatakang medyo dumadami ang mga nanonood sa amin kahit sa training pa lang.
Oo nga pala, sikat ang mga seniors namin kaya malamang nanonood sila para tignan ang mga idol nila.
Mars: Baks, ang lakas talaga ng karisma mo.
Me: Huh? Anong pinagsasabi mo?
Mars: Yang mga nanonood sa atin, nandyan lang naman sila kasi gusto ka nilang makita.
Natigilan naman ako sa sinabi na yun ni Marionne at natawa.
Me : Hahahahaah. Baks naman, talagang manonood sila kasi nandito sila Ate Tin at Ate Des ohh.. Mga fans nila yan..
Erika: Pero wala sila noon Jols, at hindi sila ganyan kadami. Since nung nagpagupit. Nagkakalaman ang Razon tuwing training natin.
Ngumiti na lang at hindi na pinansin pa ang mga pinagsasabi nila.
CRDJ : Ladies huddle up!!
Nagform na kami ng dalawang pahigang linya na nakaharap kay Coach Ramil.
CRDJ: Mamayang meron kayong makakalaban na isang UAAP School. I want you all to be physically and mentally ready dahil magagaling din sila. Gawin niyo lang lahat ng ginawa natin sa training at compose niyo nang maigi ang sarili niyo.
Tumaas ng kamay si Ate Des
Des: Coach anong University po makakalaban namin mamaya.
CRDJ : Malalaman niyo din mamaya. For now, magpahinga muna kayo at bumalik ng dorm, before 2 pm ay bumalik kayo for warm up and to see your opponents.
ALL: YES COACH!
Nagpalit na lang kami ng mga damit namin at dumiretso na papuntang dorm. Nagpresenta ako na magluto para maka-prepare ang ibang mga teammates ko para laban mamaya..
Erika: Mars alam mo malakas ang pakiramdam ko na UP yung makakalaban natin mamaya.
Mars: Lakas makiramdam baks ahhh. Ako siguro National University kasi in the past years yun talaga ang nakaka-tune up ng mga ate kapag off season e.
Nakikinig na lang ako sa usapan nilang dalawa..
Erika: Jols, ikaw sa tingin mo anong school ang makakalaban natin mamaya??
Naghinto ako sa paghahalo ng niluluto ko, may isang University ako na naiisip pero napaka-impossible na makalaban sila off season.
Me: Uhhh. Adamson siguro..
Nagkatinginan silang dalawa, lagi naman silang ganyan.
Erika: Well baka nga Adamson, who knows di ba??
Matapos ko makapagluto ay sabay sabay na kaming kumain lahat at pinag uusapan ang laban na mangyayari mamaya..
After kumain ay nagkanya kanya na kaming suot ng La Salle shirt, black shorts and white rubber shoes. Oo, kailangang magkakaparehas kami ng mga damit at sapatos, para kay Coach Ramil kasi it symbolises Unity and being as one. Well except kay Ate CJ kasi nga libero siya.
Sabay sabay na kaming pumunta ng Razon ng mas maaga kaysa Call-Time para may oras pa para makapag-warm up at stretching na din.
Erika: Jols samahan mo muna ako sa C.R
BINABASA MO ANG
UNDER SPECTRUM 🌈 (Completed)
FanfictionTo love someone is to choose one label and to fight for someone is definitely a DAMN GOOD BATTLE